Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mag-asawang Discaya, kailangan munang ibalik ang nakuhang pera bago maging state witness ayon sa DOJ | Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bagamat bukas ng Justice Department na maging State Witness sa mag-asawang Diskaya,
00:04inilatag muna ng DOJ ang mga kondisyon para mag-qualify sila sa Witness Protection Program.
00:10Mumubuo na rin umano sila ng grupo para sa forensic accounting ng halagang nakuha ng mga Diskaya sa mga proyekto ng gobyerno.
00:17Ang detaly sa report ni Luisa Erispe.
00:22Bukas ng Department of Justice sa posibilidad na gawing State Witness ang mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
00:29Matapos nga ang mga ibinulgar nila hinggil sa mga anomalya sa flood control projects sa naging Senate Blue Ribbon Committee.
00:37Pero hirit ni Remulya, hindi basta-basta ang pagiging State Witness.
00:41Kung hanap nila ay immunity mula sa kaso, ibalik nila ang mga nakulimbat nilang pera mula sa mga nakuha nilang kontrata.
00:49Kung meron silang nakukuhang pera ang hindi dapat, isa uli nila sa Republika.
00:55You give it back to the state where it rightfully belongs before you can even be considered for immunity.
01:04Hindi rin naman anya magbabase ang DOJ kung magkano lang ang gusto nilang perang ibalik sa gobyerno.
01:10May binubuo ng grupo ang DOJ sa National Bureau of Investigation para gumawa ng forensic accounting
01:17sa halaga ng kabuoang perang nakuha ng mga diskaya at iba pa sa mga flood control projects.
01:24Ganito rin ang sentimiento ng Malacanang.
01:26Hindi anya ipinagkakait ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:30ang hiling na proteksyon ng mga diskaya at sa mga lalabas na witness na magbubunyag sa katiwalian.
01:37Pero kung tutuusin, kulang pa ang detalyang ibinunyag ng mag-asawa sa pagdinig.
01:42Mas maganda anya, ibulgar na nila ang buong kwento.
01:45Ang magusta natin madinig sa lahat ay yung mga kailan, yung kabuoang kwento.
01:53Baka kasi nagiging selective lang sila at wala tayo nakikitang kailan next start.
01:58Ito bang mga binanggit nila from the time ng 2016 o ngayon lang?
02:03Meron bang naprotektahan o selective lang?
02:07Pero hindi naman isasantabi ng Malacanang ang mga aligasyon na natalakay sa pagdinig,
02:12lalo na ang hinggil sa isang opisyal umano ng DPWH na tumatawag pa at nag-aalok sa ilang senador
02:20na magsingit ng panukalang pondo para sa susunod na taon.
02:24Hindi pwedeng basta-basta tayo mag-name drop dahil baka may maapektuhan naman mga inosente.
02:29Kapag po nakita ito na talaga pong merong maaaring probable cause,
02:33sa ibinibintang o inaakusa sa sino mang kawani ng DPWH,
02:39yan po ay maaaring preventive suspension o kaya dismissal kagad.
02:43Samantala, handa naman anya ang DOJ na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order
02:48laban sa mga pangalang nabanggit sa pagdinig kahapon kapag hiniling ito ng Senate Blue Ribbon Committee sa kanila.
02:55Kahit ito pa ay opisyal ng ahensya, leader at miyembro ng Kamara o kawani ng gobyerno, walang sisinuhin ang DOJ.
03:04If it's in the names that are submitted to us, we will just act under the said principles that we have to follow.
03:14We do not choose between rich and poor, we do not choose to protect the rich and persecute the poor, we do not do that.
03:24Kung sino ang may isala, katamaan talaga sa batas.
03:29Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended