00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamahagi ng tulong pinansyal at titulo ng lupa sa mga magsaka sa San Fernando sa Pampanga.
00:09Yan ang ulatikyan at pasyente.
00:12Nasa 520 patent at land titles ang ibinahagi ng pamahalaan sa mga beneficiaryo na nagmula sa iba't ibang rehyon.
00:21Sa ilalim yan ng handog titulo program ng Department of Environment and Natural Resources.
00:26Mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nanguna sa ceremonial turnover, sabi ng Pangulo.
00:31Pagkilala ito sa karapatan ng mga beneficiaryo at paraan para matiyak ang siguridad sa kanilang tinitirhan at sakahan.
00:37Ang mga titulo na ito ay pagkikilala sa inyong karapatan na magmamayari sa inyong sariling lupa.
00:46Layunin ng handog titulo program na palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan.
00:55Hindi lang kayo o tayo ang makikinabang sa mga beneficiyong ito, pati na rin ang mga anak natin at ang mga susunod na henerasyon na Pilipino.
01:06Hinimok niya mga beneficiaryo na ingatan at payabungin ang mga lupaing kanila ng pagmamayari.
01:11Tiniyak din niya na magiging katuwang ng mga beneficiaryo ang pamahalaan sa pagpapabuti ng kanilang lupa.
01:16Gamitin ito ng tama para sa bawat pamilyang Pilipino, para sa ating mga komunidad at para sa kinabukasan ng ating minamahal na Pilipinas.
01:27Ang responsabling paggamit ng lupa ay magbubunga ng masaganang pamumuhay para sa ating lahat.
01:40Kasabay rin ng pagkakaloob ng lupa ay ang maayos na proseso na pagrehistro para sa mga beneficiaryo.
01:48Sa hangaring ito, katuwang natin ang lokal na pamahalaan, ang LRA, ang Registry of Deeds.
01:55Kaya laking pasalamat ni na Wilma at Mario dahil sa haba ng panahon na kanilang inantay, mayroon na silang titulo.
02:02Very happy! For how many years, ngayon namin natatanggaw.
02:08Ngayon lang ako nagkaroon ng titulo dahil sa hirap ng buhay.
02:11Kaya ako'y nagtapasalamat sa kagwaban ng pahulo na ginamit niya ang DNR para magkaroon ako ng titulo.
02:17Bukod sa mga titulo na mahagi rin ang punong ehekutibo sa tulong ng DSWD ng 10,000 pisong halaga ng cash assistance sa nasa 2,970 na farm laborers, dagdag pa ang family food packs.
02:31Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa aming mandato at tungkulin ng maglingkod na tapat.
02:44Makakaasa kayo na inaayos natin at tinutuwid ang mga prosesong nagpapabagal at nakakaabala sa ating pagunlad.
02:52Napakalaking bagay po ito dahil yung mga anak po, nag-aaral po sila ng college para sa dagpagdagdagpang gasto sa kanilang pangailangan sa araw-araw.
03:06Mula San Fernando Pampanga, Kenneth Pasyente. Para sa Pambansang TV, Sabago, Pilipinas.