00:00Nakataas pa rin po ang signal number 1 hanggang signal number 3 sa maraming lugar sa Northern Luzon.
00:05Dahil po sa Super Typhoon Nando, maliban po sa bagyo, may pitding pong pinabantayan ng pag-asa
00:10ang LPA na nasa labas ng bansa na posibleng maging bagyo.
00:15Ang update niyan mula sa ulat ni Denise Osorio live.
00:19Denise.
00:22Diane, patuloy ang paghina ng bagyong Nando habang nakalabas na ito
00:27mula sa Philippine Area of Responsibility ngayong umaga.
00:31Pero kahit humina na ito, malalakas na hangin at matataas na alon pa rin ang dala nito sa hilagang bahagi ng Luzon.
00:38Ayon sa pag-asa, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals para bigyang babala ang publiko sa lakas ng hangin.
00:46Signal number 3 sa Ilocos Norte, sa hilagang kanlurang bahagi ng Apayaw, kabilang ang Kalanasan,
00:52at sa hilagang kanlurang bahagi ng Mainland, Cagayan, kasama ang Sanchez Mira, Santa Prasedes at Claveria.
00:59Kasama rin ang kanlurang bahagi ng Babuyan Islands tulad ng Panuitan, Kalayan, Dalupiri, Mabaag, Barit at Fuga Islands.
01:08Signal number 2 naman sa Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, hilagang at gitnang bahagi ng Cagayan,
01:15kabilang ang Iguig, Solana, Tuaw, Bagaw, Amulung, Piat, Santa Ana, Gataran, Lalo, Gonzaga, Pamplona, Abulog, Balesteros, Apari, Kamalanuigan, Baguwe, Santa Teresita, Alakapan, Lasam, Santo Niño, Alcala at Rizal.
01:38Kasama rin ang natitirang bahagi ng Apayaw, Abra, Kalinga, Kalurang bahagi ng Mountain Province, kabilang ang Besaw, Tadyan, Sagada, Bauko, Sadanga, Bontok at Sabangan,
01:53hilagang bahagi ng Benguet, Ilocosur at hilagang bahagi ng La Union, kabilang ang Sudipen, Bangar, Luna, Balaowan at Santol.
02:03Signal number one naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora, kabilang ang Dilasag, Kasiguran, Dinalungan, Dipakulaw at Maria Aurora,
02:18natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, hilagang bahagi ng Zambales,
02:28kabilang ang Santa Cruz, Candelaria, Masinlok, Iba at Palawig, hilaga at gitnang bahagi ng Tarlak, kabilang ang Paniki, Lapaz, Mongkada, Lungsod ng Tarlak, San Jose, Gerona,
02:43Mayantok, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Ramos, San Manuel, Anao, at hilaga at gitnang bahagi ng Nueva Ecija,
02:54kasama ang Kuya Po, Talavera, Santo Domingo, Rizal, Zaragoza, Lianera, Gimba, Aliaga, Pantabangan,
03:04Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Karanglan, Quezon, Lungsod ng San Jose, Lupaw, Nampikwan, Talugtog, Likab at Bungabon.
03:17Samantala may babala rin ng storm surge na aabot hanggang 3 metro ang taas sa mabababang baybayin ng Batanes,
03:25kagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
03:31Dayan, kasama naman natin ngayong umaga si Dr. John Manalo, weather specialist ng mag-asa para sa iba pang mga detalye tungkol sa bagyong nando
03:40at tungkol sa low pressure area na papasok ng Philippine Area of Responsibility.
03:45Dr. John, magandang umaga po.
03:47Magandang umaga po.
03:48Sir, ano po ang pinakabagang update natin tungkol po sa bagyong nando?
03:52Itong siya bagyong nando ay kakalabas lang ng Philippine Area of Responsibility.
03:56Ito ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot ng 185 kilometers sa sentro o sa mata ng bagyo
04:02at 230 kilometers naman na hangin na gastiness o pagbugso.
04:06Ito yung bigla ang paglakas ng hangin sa paligid ng bagyo.
04:11Kumikilos ito, pakanluran, papalayo pa lalo sa ating bansa sa bilis na 20 kilometers per hour.
04:16Sir, dito naman po tayo sa ating low pressure area na papasok po ng Philippine Area of Responsibility.
04:22Ano po ang inaasahan natin dito? Ano po yung sitwasyon natin dito ngayon?
04:25At ano po yung projected daloy po niya kung ano po yung tatamaan niya?
04:30Siguro unahin natin doon sa kanyang development, naka-high chance tayo ngayon.
04:33Ibig sabihin, for the next 24 hours, mataas yung posibilidad na ito ay maging isang ganap na bagyo.
04:38At nakikita din natin na kapag naging ganap na bagyo na ito at pumasok nito sa Philippine Area of Responsibility,
04:44bibigyan natin ito ng local name na Opong.
04:47At pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility within this day, this evening or tomorrow morning,
04:52ay magtutuloy-tuloy ito pa north-westward, papalapit dito sa eastern summer or dito sa may kanang coastal areas ng Bicol Region.
05:02Sir, ito pong si Opong, ano po yung abiso po natin sa ating mga kababayan na posibleng pumatamaan dito po sa pagpasok nito?
05:08Sa kasalukuyan ay may, meron pa rin potensyal na magbago yung forecast natin patungkol dito.
05:14Kaya bagyong Opong, napapasok pa lang.
05:16Pero gusto natin na i-inform yung ating mga kababayan na maghanda at maging updated sa mga panibago pang ilalabas ng DOST pag-asa patungkol dito sa ating binomonitor.
05:27Maraming salamat po, Dr. John.
05:29Dayan, kasalukuyang binomonitor pa rin ng pag-asa ang mga dam sa Luzon.
05:34Sa ngayon, 8 na ang nakabukas na gates sa Ambuklao Dam, 6 sa Binga Dam, 1 sa Ipo Dam at 3 pa rin sa Magat Dam.
05:45Pinapayuhan ng pag-asa ang mga LGUDRRMC to take appropriate actions para siguraduhin na ligtas ang kanilang mga residente.
05:55Yan ang pinakahuling balita mula rito sa pag-asa. Balik sa iyo, Dayan.
06:00Maraming salamat sa update, Denise Osorio.