00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:03Bayan bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08na whole of government approach sa pagtugon sa mga kalamidad.
00:12Nagtulong-tulong ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan
00:16para tugunan ang mga sinalanta ng bagyo sa Region 8.
00:21Yan ang ulat ni Reyan Arinto ng Philippine Information Agency, Eastern Visayas.
00:30Doblik ayod ngayon ang mga ahensya ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas
00:35upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong opong mitong Webes.
00:41Inaasahan din ang pagdedeklara ng State of Calamity sa ilang mga LGUs sa Region 8 ngayong araw.
00:47Sa probinsya ng Biliran kung saan tumama ang matinding hagupit ng bagyong opong,
00:53nagsusumikap ang DPWH na muling buksan ang mga pangunahing bahagi ng Circumferential Road
00:59na lubhang naapektuhan ng mga flash floods, landslides at pagbaha.
01:04May mga barangay pa rin isolated, ngunit patuloy ang mga ahensya ng pamahalaan
01:08sa kanilang pagsisikap na makarating sa mga ito upang maghatid ng pagkain,
01:13tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.
01:17Ayon sa pinakahuling tala ng Biliran PDRRMO,
01:20walo ang patay, dalawa ang nawawala at labing dalawa ang sugatan.
01:24Sa Tacloban City, binigyang prioridad ng libring sakay ng RORO ng OCD
01:29ang mga sasakyang maghahatid sa mga apektadong lugar
01:33ng mga family food packs mula DSWD, power restoration materials mula sa NGCP
01:39at mga medical supplies at kagamitan mula sa DOH.
01:43May ilang kalsada pa rin sa Samar at Leyte na patuloy ang pagsasayayos ng DPWH
01:48upang mapabilis ang pagbabalik ng biyahe matapos masira ng landslides.
01:53Samantala, matapos ang apat na araw,
01:56ligtas na nakabalik kaninang umaga
01:58ang limang mangingisda mula sa Maydulong, Easter Summer.
02:01Isa pang mangingisda mula Tanawan Leyte
02:04ang nasagip ng Coast Guard sa Manikani, Giwan, Easter Summer kahapon ng umaga.
02:09Nauna nang nasagip ang anim na pasahero
02:11mula sa motorbanka na naglayag sa Giwan sa kasagsagan ng Bagyo.
02:16Nag-uulat mula sa Tacloban City para sa Integrated State Media,
02:21Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.