Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lord! Sama ka, Lord!
00:01Oh!
00:02Anilin lang!
00:14Hospital dapat ang last facility standing.
00:18Yan ang sabi ng Department of Health
00:20sa gitna ng paghahanda at pagpapatibay sa mga hospital sa Metro Manila
00:24sakaling tumama ang The Big One.
00:27Balitang hatid ni Maki Polido.
00:30Ah, Lord!
00:33Matapos ang magkakasunod at malalakas na lindol sa bansa,
00:37pinangangambahan naman ngayon sakaling gumalaw ang West Valley Fault
00:40at tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Metro Manila at Bulacan.
00:45Handa nga ba ang mga ospital sa bansa para tugunan ang mga mangangailangan ng atensyong medikal?
00:51Ito ang gustong paghandaan ni Health Secretary Ted Herbosa.
00:53At least make sure we will be the last facility standing.
00:58In a big one, tayo ang dapat huling facility na hindi babagsak.
01:04May mga naka-assign na mga DOH hospital na magsisilbing primary health care facility,
01:10North, South, East o West Quadrant ng Metro Manila,
01:14na dapat paghandaan ang dagsa ng pasyente.
01:17Sa North Quadrant, isa sa primary facility ang Dr. Jose Rodriguez Memorial and Sanitarium sa Caloocan City.
01:23Sa ngayon, nakahanda na sa kanilang warehouse ang mga generator set, hospital field bed,
01:29tents, medical equipment at gamot na tatagal ng dalawang linggo.
01:32Kung dumagsa ang mga pasyente, sa parking lot itatayo ang mga tent na magsisilbing field hospital.
01:39Uusod na yung triaging natin malapit sa gate.
01:42So doon pa lang, iti-check na natin yung mga patients kung ano nga silang category,
01:46kung sila ba ay walking wounded or sila ay urgent.
01:50So yung makakapasok lang sa banda rito is the red patients.
01:54Ang Tondo Medical Center na sakot ng West Quadrant,
01:58malak magtayo ng field hospital sa Intramurus Golf Course,
02:01sa mga kalsada sa paligid ng ospital, pati na sa isang kalapit na paaralan.
02:06Pag bumaksak po ang ospital namin, kinilir ng engineering namin na pwede namin gamitin yan,
02:11that will be our temporary hospital.
02:14May mga ospital mula sa regyon na sasaklolo sa mga naka-assign na primary health care facilities
02:19sakaling tumama ang the big one.
02:22Pero sa DOH briefing, sabi ni Dr. Imelda Mateo ng Amang Rodriguez Memorial Hospital,
02:27na isa naman sa mga ospital na sakop ng East Quadrant,
02:31kailangang maghanda sakaling hindi kaagad makarating ang saklolo.
02:35So kung sino yung first wave na tutulong sa amin,
02:39manggagaling pa sa Visayas.
02:41Yung second wave sa Soxagen pa po manggagaling.
02:45E paano po kung sira na lahat ng airport?
02:48Kaya sana, ayon kay Mateo, may pondo para sa dagdag na equipment
02:52tulad nitong Atmospheric Water Generating System na magtikiyak ng sapat na supply ng tubig.
02:58Hihingi pa ng pondong DOH dahil 100 million pesos na lang ang natitira
03:02sa Emergency Response Fund ng kagawaran ngayong taon.
03:06Tiniyak naman ni Secretary Herbosa na na-inspeksyon na mga gusali na mga ospital
03:11para tiyaking hindi guguho ang mga ito sakaling tumama ang the big one.
03:15Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended