Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
Sa Taytay, Rizal, nadiskubre ang bulto-bultong expired na pagkain na “for disposal” na raw pero binebenta pa rin sa mga tindahan! Aabot sa ₱3 milyon ang halaga ng mga produktong ito. Ano ang mga posibleng kasong kaharapin ng mga sangkot? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ingat-ingat sa mga bagsak presyo.
00:04Baka ang iba dyan expired na, gaya nitong nadiskubre sa Taytay Rizal.
00:11For disposal o itatapon na pero na bistong,
00:14ibinibenta pa sa isang tindahan ng mga expired na biskuit, chichirya at iba pang pagkain.
00:21Sa surveillance video ng NBI, makikitang lantaran ang bentahan ng expired umanong consumer products.
00:28Sa visa ng search warrant, pinasok din ng mga operatiba ang warehouse ng tindahan
00:34at nabistong, puno ito ng mga kahon ng pagkain ng mga expired na umanong lahat.
00:40Dalawang truck ang kinailangan ng NBI para mahakot ang mga expired na consumer products
00:46na nagkakahalaga ng 2 to 3 million pesos.
00:50Ayon sa NBI, nagreklamo sa kanila ang isang kumpanya
00:54na ipinupuslit daw ang kanilang mga produkto na dapat ay for disposal na nga.
00:59Pinapalitan umano ang nakasulat na expiration date
01:03gamit ang idinikit nilang sticker o pang stamp ng bagong expiration date.
01:10Inaresto ang mismong may-ari ng tindahan.
01:13Pag-usapan natin ang insidente niyan.
01:16Ask me, ask.
01:17Attorney Gabby.
01:25Attorney, ano pong sinasabi ng batas sa mga tao na nagbebenta ng mga produktong expired na?
01:31Lalo na itong pinapalitan pa ang expiration date para maibenta?
01:36Naku, ayon sa Republic Act No. 7394
01:41o mas kinala sa the Consumer Act of the Philippines,
01:45bawal ang pagbenta ng pagkain na adulterated o mislabeled.
01:49So either way, bawal po talaga ang ginagawa ng mga nahuhulin, ng mga operatiba.
01:54Unang-una sa ilaloy ng Consumer Act,
01:56bawal ang pagbenta ng adulterated food.
01:59At sa definition ng adulterated food,
02:02kasama dito ang mga expired na pagkain.
02:04Yung binibenta ang beyond the expiry date.
02:07And of course, mas bawal ang pag-iiba ng expiration date
02:11kasi talagang halata ang intensyon ng gumawa ng labag sa batas.
02:16May overt act ng panluloko talaga, di po ba?
02:19So ano ang penalty sa ilaloy ng Consumer Act?
02:22May posibleng kulong na hindi bababa sa isang taon hanggang limang taon
02:27at may fine na not less than 5,000 pesos
02:30pero hindi hihigit ng 10,000 pesos or both
02:34at mayroong imprisonment and fine depende sa diskresyon ng porte.
02:38At yung mislabeling of food na yan,
02:40ito din ay paglabag sa Republic Act 10611
02:43o ang Food Safety Act of 2013.
02:47At ang batas na ito ang mas tinatarget
02:49ang mga nagbebenta ng mga pagkain.
02:51At ito ay kaya nga sa ilalim ng mga penalty nito,
02:54hindi lamang fine na hanggang 100,000 pesos,
02:58maaaring ding masuspend ang authorization nito
03:01na magbenta ng pagkain ng hanggang isang buwan kung first offense,
03:06kung pangalawang beses na may fine ng hanggang 200,000 pesos,
03:11at suspension ng kanilang authorization o lisensya ng hanggang tatlong buwan.
03:15And of course, kung mas matagal pa, kung pangatlong beses,
03:18salimbawa, hanggang 300,000 pesos ang fine
03:22at ang suspension ng authorization hanggang 6 months.
03:26Sasabihin ng iba, sayang naman yung pagkain.
03:29Sa ibang bansa, maaari pang magbenta ng expired food
03:33basta hindi ito sira.
03:34Na totoo din naman, di ba?
03:36Sayang talaga, lalo na kung napakadaming nagugutom.
03:40At ito nga, mga biskuit, dilata na pag tinikman ninyo,
03:43okay pa naman at hindi sira.
03:45Lalo na rin kung yung kanyang expiry date
03:48ay hindi naman talagang nangangahulagan na sira na ang pagkain.
03:52Kung minsan ito ay best before date lamang,
03:55ibig sabihin, okay pa ang pagkain for several months.
03:58After, pagkatapos ng date na yun,
04:00hindi lang daw kasi optimum ang quality.
04:03Pero hindi pa sira.
04:05Medyo matagal pa.
04:06Pero wala po tayong magagawa.
04:08Sa atin, madalas ang best before date
04:10ay pareho lang ng expiry date.
04:13Sabi nga nila, duralex, sedalex,
04:16the law may be harsh but it is still the law.
04:18Kapag hindi sinunod, may posibleng kulong na nag-iintay.
04:22Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:26Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:28huwag magdalawang isip.
04:30Ask me.
04:31Ask Attorney Gabby.
04:33Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:39Bakit?
04:39Pag-subscribe ka na dali na
04:41para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:45I-follow mo na rin ang official social media pages
04:47ng unang hirit.
04:49Salamat ka puso!
04:49Pag-subscribe ka na dali na
Be the first to comment
Add your comment

Recommended