Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I-indinaan ang grupo ng mga kabataan sa iba't ibang Halloween costume ang pagprotesta nila laban sa korupsyon.
00:08Nagprotesta rin laban sa korupsyon ang mga senior citizen na dumalo ng Misa sa Edsa Shrine.
00:14Nakatotok si Jamie Santos.
00:22Ivan, ang pagmamalasakit sa bayan at pagmamahal ay wala rang retirement age.
00:28Kaya naman ngayong Sabado, sabay nagpakita ng paninindigan at malasakit sa bayan ang grupo ng senior citizen at kabataan laban sa korupsyon.
00:37Dumalos sa Misa sa Edsa Shrine ang mga senior citizen na kontra sa korupsyon.
00:43Nagdaos din sila ng mall walk at photo opportunity bilang simbolo ng kanilang panawagan para sa tapat at malinis na pamahalaan.
00:53Nananawagan silang bawiin mula sa mga kontratista at tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga umano'y kinurakot ng pondo ng bayan.
01:02Gamitin ito para sa kalusugan, edukasyon, pabahay at kompensasyon sa mga nabaha.
01:09Nagbihis halimaw, buwayang nakakulong at multo naman ang grupo ng kabataan sa People Power Monument.
01:15I-dinaan nila sa Halloween protest ang pagkondena sa katiwalian at panawagang panagutin ang mga korup na government official.
01:24Meron din silang bitbit na lapida.
01:27Ang mga di makalahok sa protesta, pagbusina ng kanilang mga sasakyan, ang ganiwang pagpapakita ng pakikisa laban at kontra sa korupsyon.
01:36I-van, hindi raw mapapagod ang grupo ng senior citizen at kabataan sa paninindigan at sa pagbabantay sa kaban ng bayan.
01:45Kaya naman daw asahan ang kanilang presensya sa malakihang rally sa darating na November 30.
01:50At I-van, kararating lang din ni Akbayan Partialist Representative Jel Jokno dito nga sa People Power Monument para makiisa sa ginagawang kilos protesta dito nga sa People Power Monument.
02:01At yan ang latest mula rito. Balik sa iyo, I-van.
02:04Maraming salamat, Jamie Santo.
02:06Cuteness overload ang hatid ng mga asot-pusa, maging kabayo, na rumampa habang suot ang kanilang mga Halloween costumes sa Amerika.
02:20At sa London, aba, tataas ang balahibo ninyo sa exhibit na may mga creepy display.
02:27Ang mga Halloween ganap abroad, sa report ni Darlene Cai.
02:31Mga sinumpaumanong manika.
02:37Ouija board na gamit sa pagkausap sa mga kaluluwa.
02:42Mga nakakakilabot na war trophy ng isang tribo sa Amazon.
02:46Ilan lang yan sa mga makapanindig palahibong display sa exhibit na ito sa London.
02:52Tampok ang madilim at nakakatakot na kasaysayan ng kababalagaan sa iba't ibang panig ng mundo.
02:58Sabay sa Halloween ang pag-alala sa mga yumao.
03:02Sa Mexico, tinugunita tuwing Day of the Dead ang mga sumakabilang buhay na.
03:06Patikim na sa okasyong ito ang mga naglalakihang kalansay sa gitna ng Marigold Fields at Lixco.
03:11Gawa sa paper machine ang mga skeleton sculpture na sumasalamin sa iba't ibang trabaho at kultura sa Mexico.
03:18Sa Florida, sa Amerika, serving with spookiness at katatakyutan ng mga asot-pusa sa isang masquerade party noon.
03:26Hindi rin nagpahuli ang isang kabayong ala Pegasus.
03:31Giant versus giant naman ang peg for Halloween sa isang zoo sa Oregon.
03:35Mga elepante laban sa giant pumpkins.
03:38Ang mechanics, durugi ng pumpkins bago ito lantakan.
03:42Kaya naman enjoy ang mga gentle giants sa kanilang pag-stomp, smash, and chomp.
03:48Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
03:53The golden boy, Carlos Yulo, shines once again.
03:58Itinanghal na kampiyon si Yulo sa men's bowl finals ng 53rd Artistic Gymnastics World Championship sa Jakarta, Indonesia.
04:06Matapos ang first and second bowl ni Yulo, nakakuha siya ng total score na 14.866.
04:13Siyang nanguna sa ranking hanggang sa matapos ang kompetisyon.
04:16Silver naman ang naiwi ng Armenia habang bronze sa Ukraine.
04:202021, unang nakaginto para sa men's bowl si Yulo.
04:24Bukod dyan, wagin rin si Yulo ng bronze para sa men's floor exercise sa parehong World Championships.
04:30Mga kapuso, tatlong weather system ang nakaka-apekto ngayon sa buong bansa.
04:37Ang isa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
04:41Ang nagdadala po ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms sa Mindanao, Visayas at Palawan.
04:51Sheer line ang nagpapaulan sa Batanes at Babuyan Islands.
04:55Habang easterlies ang namdam sa Aurora, Quezon, Metro Manila at natitriang bahagi ng Luzon.
05:00Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posible ang light to intense rains bukas sa Kalinga, Pampanga, Nueve Ecija, Quezon, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Palawan.
05:13May chance rin makaranas ng light to intense rains sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
05:18Posible rin ulanin bukas ang Metro Manila.
05:21Mga kapuso, nakilala natin sa nagdang araw ang walong housemates ng TVB Celebrity Collab Edition 2.0.
05:35At sa pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong gabi, marami pang surprises.
05:39Let's watch this.
05:46Mula Martes hanggang Biernes, nireveal sa 24 oras ang walong housemates.
05:51Para sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
05:56Sina Sofia Pablo, Joaquin Arce, Princess Alia, Miguel Vergara, Crystal Mejes, Heath Hornales, Carmel Calliado at Marco Masa.
06:08At sa pagbubukas ng bahay ni Kuya tonight para sa Season 2 ng Reality Show Collab ng GMA at ABS-CBN,
06:16ipakikilala ang labindalawa pang makakasama nila.
06:21And that's not all.
06:22May special performances ngayong gabi ang P-pop groups ng GMA at ABS-CBN,
06:29ang Cloud7 at BGYO, na may collab para sa bagong theme song ng PBB na Kabataang Pinoy,
06:37na first time mapapakinggan ngayong gabi.
06:40But siyempre we have a big surprise for everyone for tonight.
06:48Yung season na to brings in a lot of pagka-throwback and energy.
06:52We're so pumped for tonight, especially the edition is Kabataang Pinoy.
06:56So more on the teens, ang teen life ang i-explore natin ngayon.
07:00And the surprises don't stop there dahil makikilala na rin natin ang isang PBB host na magbabalik for this season.
07:13Tumutok lang dito sa GMA para sa latest updates sa pagbubukas ng bahay ni Kuya.
07:17At live mula rito sa labas ng PBB house, ako po si Nelson Canlas.
07:22Bia, Iban.
07:25Thank you Nelson.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended