- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sugatan ang isang rider nang sumalpok sa kasalubong na sasakyan sa bahagi ng Marilaki Highway na nasa Baras Rizal.
00:07Tumilapon pa mula sa motosiklo at humandusay sa gitan ng kalsada, ang 18 taong gulang na estudyanting rider.
00:15Nagtamu siya ng mga sugat sa braso at binti at may bali sa katawan.
00:19Wasak naman ang harapang bahagi ng nakasalpukang sasakyan na isang multipurpose vehicle MPV.
00:24Sa investigasyon ng pulisya, patungong baras ang MPV nang salubungin ng nag-overshoot ng motosiklo.
00:31Iiwas pa sana ang driver pero natumbok na ito ng motosiklo.
00:35Ligtas naman ang driver ng MPV na hindi na rin nagsampan ang reklamo matapos makipag-areglo sa rider.
00:43Sa unang undas, pagkatapos ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, bakas pa rin ang pinsala ng pagyanig sa maraming puntol.
00:53Sa kabila niyan, inaasahang maraming dadalaw sa mga sementeryo para alalahanin ang mga nasawi sa naturang sakuna.
01:02Nakatutok live, si Femarie dumabok ng GMA Regional TV.
01:07Femarie, dumabok ng GMA Regional TV.
01:11Mel, mahigit isang buwan matapos yung manig ang malakas na lindol dito sa Cebu kung saan ang epicenter ay sa Bogos City.
01:18Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang epekto nito sa lungsod at sa mga karatig bayan.
01:23Sinikap, pero sadyang mahirap habulin ang pag-aayos sa pinsala sa sementeryo sa Bogos, Cebu, na winasak ng lindol nitong September 30.
01:38Dahil isang buwan lang ang pagitan sa undas, limampu pa lang puntod ang naaayos.
01:44Kalahati pa naman sa dalawampung libong puntod ang nawasak sa 6.9 magnitude na pagyanig noon.
01:50Ang ngayon, ang LGU na nagpakuan sa mohan, nag-ostan si Mane, cooperate sila ba nga para matakpan na ang mga punto, nasiraan ang mga libingan.
02:03Unang undas din ito matapos ang sakuna kaya sariwa tiyak ang pag-alala ng dadalaw sa mga nasawi sa lindol, na karamihan ay dito inilibing sa Corazon Cemetery.
02:13Kabilang sa kanila ang labing isang magkakaanak na nadaganan ng mga bato sa barangay binabag.
02:21Pinatamlay rin ng lindol ang dating kabuhayan ng mga nagbibenta ng bulaklak malapit sa sementeryo.
02:27Hindi tulad noon, ngayon, iilan lang silang nagbibenta dahil sa takot sa mga nararanasang aftershocks.
02:34Marami ang takot malugi.
02:36Hindi na samok na karunan na may samok.
02:39Ano ka?
02:41Ay morag, di bawalan ba?
02:42Para sa kanyang hadlock?
02:45Basig na hadlock, siguro ko ba'n manindake.
02:48Maingo na, masiguro na kansi.
02:50Kami bitaw, hadlock mo na may mahalinan.
02:53Baka may anin na, baka kay managkot.
02:55Kaya kung anlinog ba yung hadlock ba yung tao mo gawas na.
02:59Kaya ang ilan, sumasideline sa paraang di kailangan ng puhunan.
03:03Nag-alok ng paglilinis sa mga puntod para may dagdag kita.
03:08Gaya ni Kathleen, na nawala ng trabaho na kasama ngayon ang pamangkin sa paglilinis.
03:13Hey, why?
03:14Waman, may ayuda ba?
03:17May ayuda pero ako magpaparisi mga kuwan ba?
03:20Nandak, nisod kayo.
03:22So para may mag-alimpo na yun.
03:25Ang limpio na lang, may direming teriyo.
03:27Halos pariho ang undas sa karating bayan ng San Rimejio.
03:31Pinatagilid ng lindulang isang nitso sa apartment type na bone chamber.
03:35Dahil sa sira, kita na ang mga buto sa ilan.
03:38Karun pa kong nakari.
03:40Nahibaw naman ko daan, kaya kung mga manghod nga rin naman.
03:43Dito sa nasabing simenteryo, inilibing ang dalawang personal ng Coast Guard na namatay sa loob ng sports complex sa San Rimejio.
03:58Matapos madaganan ng gumuhong bahagi ng kompleks, nang yumanig ang lindul noong Setiembre.
04:04Mel, katulad sa ibang simenteryo, maghihigpit na rin ang polisya sa siguridad dito sa Northern Cemetery simula bukas kung saan ipinagbabawal na ang pagpasok sa simenteryo ng mga matutulis na bagay.
04:23Mel?
04:23Maraming salamat sa iyo, Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
04:29Marami ring maagang dumalaw sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City para umiiwas sa inaasahang dagsaan ng tao bukas.
04:37Inaayos na rin ang mga punto doon, kabilang ang sa mga magulang ni dating pagulong Rodrigo Duterte.
04:43Nakatutok live si Argil Relator ng GMA Regional TV.
04:48Argil!
04:49Emil, pag-iwas sa siksikan bukas ang dahilan kung kaya may mga bumisita na ngayong araw sa Roman Catholic Cemetery dito sa lungsod ng Davao.
05:04Bago makapasok sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City, mahigpit munang iniinspeksyon ang dala ng mga bibisita.
05:12Sa ngayon, may mga ipinagbabawal ng nakumpiska gaya ng lighter, cigarilyo at gunting.
05:19Isa sa maagang bumisita kanina sa puntod ng kanilang yumaong padre de familia ang mag-inang karsunete.
05:25Karun diyon minag-anhi kay para wala'y dagang tao gani.
05:31Taga tuig amuang gina-anhi diri.
05:35Sa mga dagang mga lula, lulo, anak, mga patay, nag-anhi diyon minin.
05:41Puntod naman ng labindalawang kaanak na pumanaw simula pa noong 1944 ang binisita ni Nanay Mercedes.
05:49Stroke raba ko, risul kayo magbaktas-baktas sa ganang tao. Karun na lang ko na yan, kayo di pa busy.
05:55Maski patay na, diyalaw, giyapon sila. Nagyapon yung nagunauna sila ha.
05:59Nasa parehong simenteryo ang mausoleo ng pamilyang Duterte kung saan nakahimlay ang mga magulang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinadating Governor Vicente at Soledad Duterte.
06:13Sinimula na ang paglilinis doon at nilagyan na ng ilaw.
06:17Ayon sa caretaker, nauna nang bumisita si Congressman Paulo Duterte noong nakaraang linggo.
06:22Ayon sa pamunuan ng simenteryo, magbubukas ng alas 6 ng umaga at magsasara ng alas 9 ng gabi ang simenteryo simula ngayong araw hanggang sa November 3.
06:33Sa karun sir, naadyo yung nangita, nag-anidris sa office sir pero nakita na ang ihang koan sir, tanang lubganan sa ilahang pamilya.
06:44Emil, ipinagbabawal sa mga pampublikong simenteryo sa lungsod ang overnight na pagbisita.
06:53Samantalang pinapayagan naman ang mga pribadong simenteryo noong gumawa ng kanilang sariling schedule.
06:58Emil.
06:59Maraming salamat, our Jill, relator ng GMA Regional TV.
07:03Sa ibang balita naman, higit sa ranking ng mga pinakamayaman ang tulong ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN.
07:16Ayon sa isang grupo, dapat taong-taong hingin yan sa mga opisyal para malaman kung nagpapayaman sila habang nasa pwesto.
07:24Dapat ding huwag takpan ang mga negosya nila sa SAL-EN para malaman kung posibleng nakikinabang sa kanilang posisyon.
07:33Nakatutok si Sandra Ginaldo.
07:39Ngayong nailabas na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng lahat ng 24 na mga senador,
07:46nagkaalaman ang dalawa sa kanila ay bilyonaryo at maraming multi-millionaire.
07:52Pero higit pa sa ranking lang ng yaman ang gamit niyan ayon sa grupong Center for People Empowerment in Governance.
08:00Anila, taon-taon dapat tinatandaan ang tala ng mga yaman para malaman kung nadagdagan ba yan habang nasa pwesto ang isang opisyal.
08:09Dapat i-compare yan sa mga previous years, lalo na yung year na nagsimula ka sa government service o nagsimula ka doon sa posisyon na yun.
08:21Diyan malalaman kung ang ilalago ay maipapaliwanag sa legit na paraan tulad ng sahod nila sa gobyerno.
08:28Kasi, syempre, there must be something wrong if you're, even if you are just in government for a few years,
08:38biglang dumami yung iyong mga lupain, real estate, tapos parami ka pang kondo,
08:44tapos at the same time yung bank account mo, biglang lumaki.
08:49Kung nagkaroon ng unusual expansion that does not sink or correspond with what you are getting from the government as your official income.
09:07Sayang lang at ilang taong hindi isinapubliko ang mga salen mula noong 2017,
09:13kaya walang mapagkumparahan ang mga salen kayon.
09:16Pero paano kung hindi tapat sa pagdadeklara ng yaman ng isang opisyal?
09:20Ayon kay Simbulan, makatutulong ang publiko sa pagsita kung may alam silang ari-ariang hindi idineklara sa salen.
09:28Kabilang sa mga dapat idiklara ang real properties gaya ng lupain o kaya'y bahay at lupa,
09:35kung saan ang may pinakamahal na idineklara ay sinasenador Rafi Tulfo, Mark Villar, Tito Soto, Erwin Tulfo at Juan Miguel Zubiri.
09:44Kapuna-puna naman si senadora Pia Cayetano na walang idineklarang bahay man o lupa.
09:49Si Scudero naman, nagdeklara ng limang real properties na minana niya pero hindi ito isinama sa pagsusuma ng kanyang assets.
09:59Sa inilabas na salen, meron mga parteng redacted o tinakpan para raw protektahan ang kanilang privacy.
10:06Katulad na lang ng kanilang mga personal na address at address ng kanilang property.
10:11Pero meron ding nag-redact ng pangalan ng mga kumpanya kung saan sila may shares o business interest.
10:17Kasama sa mga nag-redact niya ang sinasenador Robin Padilla, Loren Legarda, Erwin Tulfo, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri.
10:26Mahalaga pa naman niyan malaman ayon kay simbulan sakaling may conflict of interest sa gobyerno.
10:31Anong bawa, kontraktor yung business na yun tapos ikaw pala binibigan mo ng negosyo yung kumpanyang yun na isang kontraktor company.
10:47Kailangan din, i-deklara ng mga opisyal ng gobyerno ang mga kamag-anak nilang nasa gobyerno rin.
11:16Sa mga senador, pinakamarami ang labing apat na i-deklara ni De La Rosa, kabilang ang sampung nagtatrabaho sa senado.
11:25Sampu naman ang kay senadora Ayme Marcos, kabilang ang kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos at dalawa niyang anak.
11:32Kaya nga yung dynasties din, hindi maganda, political dynasties, kasi various government agencies are supposed to be checking on one another.
11:44Sa labing walong senador na may asawa, lima ang nagdeklara ng net worth kasama ang kanilang mga kabiyak na nasa gobyerno rin.
12:11Sa isang panayam naman, kay dating ombudsman Samuel Martires, kinawestiyon niya si senador Kiko Pangilinan sa hindi raw nito pagsama sa kita ng kanyang asawa na si Sharon Cuneta sa kanyang sal and declaration.
12:25Sagot dyan ni Pangilinan, may complete separation of property raw sila ni Cuneta.
12:30Kaya alinsunod sa Civil Service Commission at Supreme Court, maliraw si Martires at dapat daw mag-research pa ng maigi.
12:38Alinsunod sa CSC at SC Rules, hindi kailangan ideklara ang ari-arian at kita ng kabiyak ng isang public official kung meron silang complete separation of property
12:49o di kaya meron silang prenuptial agreement.
12:52Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
13:06Binabantayan na rin ang mga tourist spots sa Baguio City na dinarag sa tuwing long weekend.
13:11Pero dahil undas, nag-deploy rin ang mga polis sa mga sementeryo sa City of Pines.
13:16Nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
13:20Emile, mahigit sa 400 na polis ang nakadeploy sa mga sementeryo, ganun din sa mga tourist attraction dito sa Baguio City.
13:32Bukos sa PNP, nakadeploy na rin ang mga barangay officials na magsisilbing Forza Multiplier.
13:40Mula sa Maynila, dumiretso ang Pamilya Ramirez sa Burnham Park para simula ng tatlong araw na bakasyon sa Baguio City.
13:47Biking area ang first stop ng mag-anak para ma-enjoy ng mga batang bakasyon.
13:56Dahil long weekend, dagsa ang mga turistang umakyat sa Baguio City.
14:00Karamihan galing sa Metro Manila.
14:02Habang ang ilan, nagmula sa Karatig Probinsya na gustong ma-feel ang cold weather sa City of Pines na naglalaro sa 17-18 degrees Celsius.
14:10Eh kasi po, ayun sa weather po, napaka-press ko kahit maglakad, yung hindi ka pagpapawisan agad, parang relax na relax kahit na walang gawin.
14:20Daan-daang polis ang nakadeploy sa mga pupasyalan sa Baguio City.
14:24Bukod sa mga nakapuesto sa Tourist Assistance Desk, ay meron pang mga nag-iikot para mamonitor ang sitwasyon ng mga turista.
14:31Sa dami ng turista, binabantayan ng DOTR ang mga taxi driver na namimili ng pasaherong isasakay.
14:38Ang dami nga talaga namimili na sila dahil traffic, dahil nga ayaw nila dun sa rota na yun, ang dami ganyan.
14:45Dagsa na rin ng mga bisita sa Baguio Public Cemetery.
14:48In the past 2-3 years, maaga na kami talaga dahil lalo na noon may schedule.
14:53At saka meron din kami kasing mga bibisitahin sa La Union, sa Naguilian.
14:58Halos isang daang patalim, alak at sigarilyo ang nakumpiskan ng otoridad.
15:02Naka-ready tayo, meron tayong mga pangtag at saka mga deposit box para dun sa mga nakonfiscate po natin na items.
15:10Ngayong weekend, inaasahang aabot sa may 30,000 ang mga bibisita sa Public Cemetery.
15:16Kaya bukod sa may 200 na polis na nakabantay sa lugar, ay meron ding augmentation mula sa barangay at pribadong sektor.
15:22Samantala, mas lalo pang tumaas ang presyo ng bulaklak sa Baguio City ngayong araw.
15:26Nagkakaubusan na rin ang suple ng bulaklak sa mga pamilihan.
15:35Emil, sa monitoring ng BCPO as of 7pm, ay wala namang recorded reported na traffic build-up packet sa lungsod ng Baguio.
15:43Emil?
15:43Maraming salamat.
15:45Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
15:48Wala namang uwian ang ilang bisita sa Manila Memorial Park hanggang Undas Weekend.
15:56Doon ay dinadalaw rin ang himlayan ng mga personalidad, kabilang ang sa mga Aquino na pinadalhan ang bulaklak ng Pangulo.
16:04Mula sa Paranaque, nakatutok live si Jonathan Anda.
16:08Jonathan?
16:09Jonathan?
16:13Mel, gumagabi na pero parami pa rin ang parami yung mga tao dito sa Manila Memorial Park.
16:18Ito po naikita nyo sa kanan ko, yan yung mga sasakyan na papasok sa loob ng sementero.
16:23So mga oras po na ito, tukod ang traffic papasok dito sa Manila Memorial Park.
16:28Inaasahan kasi na marami yung mga mag-overnight ngayong gabi para sumalubong doon sa November 1 at sa tansya ng pamunuan ng sementeryo.
16:37Aabot po rito ng 200,000 bisita bago matapos ang gabing ito.
16:46Two nights and three days magka-camping dito sa Manila Memorial Park ang pamilya ni Aida Estrada.
16:52Kumpleto ang kanilang gamit mula sa malaking tolda, camping tent na tulugan, dining table at chiller.
17:00Ano naman ito?
17:01Yung mga marinated ready to cook.
17:03Ayaw, yung mga marinated.
17:04Ice candy.
17:05May grabe parang dala nyo yung buong kitchen nyo dito sa dahil.
17:07May sibuyas, may bawang.
17:10Short of.
17:11Tradisyon na ito ng pamilya tuwing undas.
17:14Tonight we're having Mexican taco and then tortillas, burrito.
17:20Kasi they cannot go sa lugar na yan.
17:24So you bring the food to them to share.
17:29Si Ramon naman na kagabi pa nag-overnight dito, may dalang power supply at rechargeable na bumbilya para sa pamorning ang dalaw.
17:36Hindi ka naman makakatulog eh.
17:38Unang-una, lamok.
17:40Actually, improvised lang siya.
17:42Wala kasi talaga kaming gamit sa bahay.
17:44So kung ano lang yung nadampot namin and available, yun lang yung pinagkasya namin.
17:48Pakiusap ng pamunuan ng sementeryo, huwag nang magdala ng mga gitara, speaker, karaoke.
17:54Huwag na rin gumamit ng mga toldang may muka at pangalan ng mga politiko.
17:59Kasi siyempre, sir, we don't naman po encourage na parang nag-a-advertise sila dito sa loob ng park natin.
18:05Kaninang umaga, tukod ang traffic sa loob ng sementeryo.
18:09Sarami na mga pumapasok na sasakyan.
18:12Bisperas pa lang ng undas weekend pero nasa dalawang daang libong tao na ang inaasahan.
18:17Inaasahang aabot pa yan sa walong daang libo hanggang sa November 2.
18:22Dinadalaw rin dito ang himlaya ng mga personalidad tulad ni na dating senador Nino Yaquino,
18:27asawa niyang si dating Pangulong Corazon Aquino at anak nilang si dating Pangulong Nino Yaquino.
18:32Pinadalahan sila ng bulaklak ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Manila City Hall.
18:37Binisita rin ng kanyang mga tagahanga ang puntod ng aktor na si Rico Yan.
18:41Fan niya ako. Nagbabakasakali ako, baka nandito rin si Cloud. Charot.
18:48Nakakalat sa loob at labas ng sementeryo ang mga pulis at iba pang bantay, pati first aid stations.
18:53Sa entrada, may mga nakumpiskang vape, sigarilyo, pati na asero.
18:58At tatlo ho sila kapasok. Nung chinik na namin yung bag, yung isa ito malikot.
19:04Sabay may binunod ito sa bag.
19:06Pagkain ko, ano yan? Sabihan siya, cellphone ito.
19:09Sabihan ang cellphone. Tinapkapan ko nga yung pagkakita ko yung itchakor.
19:14Nakagat naman ang aso sa sementeryo ang isang walong taong gulang na lalaki.
19:17Yung bata naman, na-treat siya sa scene. Yung family na yung magdadala sa hospital.
19:25Sabi ng pamunuan ng Manila Memorial Park, pwedeng ipasok ang mga alagang hayop basta may tali at nababantayang maigi.
19:36Mel, simula ngayon hanggang sa November 2, 24 oras ng bukas itong Manila Memorial Park.
19:43Yan muna ang latest mula rito sa Paranaque City. Balik sa'yo, Mel.
19:46Maraming salamat sa'yo, Jonathan Anda.
19:53Makakapuso, dalawang low-pressure area na ang minomonitor ngayon sa lab at labas ng Philippine Area of Responsibility.
20:00Yung bagong LPA na nabuo sa lab ng park kanina lamang hapon, huling namataan 160 kilometers west-southwest ng Koron, Palawan.
20:08Mababa ang tsansa nitong maging bagyo at posibleng papalayo rin sa bansa sa mga susiro na oras pero magpapaulan sa Palawan.
20:15Ang isa pang LPA nasa labas pa rin ng par at huling nakita, 1,595 kilometers silangan ng Northeastern Mindanao.
20:23Ayon sa pag-asa, posibleng itong pumasok sa par sa linggo o di kaya'y sa lunes.
20:28Maaring bagyo na yan pagpasok sa par at tatawaging bagyong tino.
20:32Sa ngayon, nakikita ng pag-asa na may chance ang tumawid yan sa Visayas o Southern Luzon sa kalagitan ng sul-sunod na linggo.
20:39Pero pwede pang magbago ang pagkilos nito at hindi inaalis ang posibilidad na lumihis ng direksyon o manatili ng matagal sa dagat.
20:46Pusibling may isa pang sama ng panahon na mabuo kasunod nito kaya patuloy na tumutok sa updates.
20:52Ngayong undas, posibleng magpaulan ang LPA, Intertropical Convergence Zone o ITCZ, Amihan, Sheer Line at Localized Thunderstorms.
21:01Base sa datos ng Metro Weather, may mga kalat-kalat na ulan bukas ng umaga.
21:06Pero pagdating ng kapon, marami nang uulanin gaya ng ilang probinsya sa Northern at Central Luzon, Mimaropa at Bico Region.
21:13May malawak ang ulan din sa Visayas at Mindanao.
21:16Halos ganyan din sa linggo pero posibleng mas malalakas na ang ulan.
21:19Sa Central Luzon, Ilocos Region, Mimaropa at Calabar Zone, may mga kalat-kalat na ulan sa Visayas at Mindanao.
21:26Pusibli pa rin ang malalakas na ulan kaya doble ingat.
21:29Sa Metro Manila, mas tataas ang tiyasa ng ulan bandang tangkali pati sa kapon at gabi kaya sa mga pupunta ng sementeryo,
21:36mas mainam kung maaga at magdala ng payong.
21:49Pagkatapos itong undas, Christmas rush naman ang pagkakabalahan ng marami na malamang may kakambal na traffic.
21:59Makakaiwas dyan ang alternative transport sa Pasik River, kung saan pabyahe na ang electric ferry na supportado rin ng solar energy.
22:08Una ito sa ating sustainability series.
22:11Tara, let's change the game!
22:13Sa mga sawa na sa usual traffic ng Metro Manila, o gusto mo lang ma-experience ang Maynila from a different point of view,
22:27nasubukan mo na ba ang Pasig River Ferry Service?
22:31Matagal lang tumatakbo ang water-based mode of transport na ito sa Pasig River.
22:35Pero may bagong entry sa fleet na mas sustainable at eco-friendly.
22:40Sakay na sa MB Dalaray!
22:43Ang first ever locally developed electric passenger ferry.
22:47Ang Department of Science and Technology ay may programa na tinatawag na e-mobility program na mag-develop tayo ng mga electric vehicles.
22:56Ang fuel, siyempre masuma sa ating climate dahil nga sa global warming.
23:03Ang e-ferry, funded by DOST at in-developed ng Electrical and Electronics Engineering Institute ng UP Diliman.
23:11Headed by Dr. Lou Andrew Tria.
23:14Compared to our conventional ferry, so this is an all-electric, battery-electric passenger ferry.
23:23Most especially, an electric ferry has the benefit of being wired.
23:28So you can actually talk to each other.
23:32May solar panels ding installed sa bubong.
23:34Na siya namang nagpapaandar ng accessories at fixtures.
23:37In a way, it has indirect effect of extending the range of the battery.
23:44So even the air conditioning, the fans, the lighting, the sensors, and the signaling systems of the ferry are all power through solar.
23:54Mga kapuso, nandito na tayo sa electric passenger ferry.
23:58At kita nyo naman, napaka spacious dito sa loob pero tayong gumalaw.
24:03Nakakapag-upo siya ng up to 40 passengers.
24:06At syempre, safety first sila dito dahil sa ilalim ay merong nakalagay na life vest.
24:12Meron tayong aircon at meron pang nakakabit na mga electric fan.
24:16Na-powered ng mga solar panel dun sa taas nitong electric passenger ferry.
24:21Mas mura ang operational cost nito.
24:24Per kilometer, 45 pesos po ang ginagastos natin dito.
24:28Compared dun sa nakasanayan natin na 135 pesos per kilometer.
24:33Ang best part dahil electric, tahimik, walang amoy usok, relaxing pa ang view.
24:40Masasakya na ang e-ferry sa Pasig River Ferry Service this November.
24:45Eco-friendly na, may relaxing view ka pa.
24:47Isang hakbang para sa masustainable na pagbiyahe dito sa Metro Manila.
24:52Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Aver.
24:55Changing the game!
Be the first to comment