- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Arrestado na ang dalawang suspect sa pagamatay ng isang babae na tagtua ang nakagapo sa isang hotel sa Santa Mesa, Maynila nitong Oktubre.
00:08Balita ng atin ni Jomra Presto.
00:11Wala ng buhay at nakagapos pa ang mga kamay.
00:14Ganyan na datna ng maotoridad ang 35-anyos na massage therapist na si Alias Lin
00:18sa loob ng kwarto ng isang hotel sa Santa Mesa, Maynila umaga noong October 23, 2025.
00:24Ang suspect sa krimen, isang babae at lalaki na nakita umanong sabay na dumating sa hotel noong hapon na October 22.
00:32Ibinok daw nila ang biktima na umalis sa kanyang tinutuluyan sa Taguig City
00:35bandang alas 5 na ng umaga na October 23 at dumating sa hotel bandang alas 5.30 na ng umaga.
00:42Ang ginawaan nila dito sa biktima natin, tinali nila gamit yung parang kortina ng hotel
00:49at saka may ginahin pa silang isang pantali din yung bandage, parang arm bandage, isa sa mga suspect.
00:58At yun nga, ang naging dahilan doon, sinakal at hanggang mamatay itong ating biktima.
01:05Makalipas sa mahigit isang oras, may kita na ang suspect na babae na nagmamadaling maglakad sa bahaging yan ng Old Santa Mesa.
01:12Nagpaikot-ikot pa siya bago tuluyang sumakay ng jeep.
01:15Sinubukan pa siyang habulin ng roomboy pero hindi niya naabutan ng babae.
01:19Hindi naman nahagip ang sospek na lalaki na sa kabilang direksyon naman dumaan.
01:23Nitong October 30, tuluyang naaresto sa Nike Cavite ang 32-anyos na lalaking sospek.
01:29Habang sa Pasay City naman nahuli ang 32-anyos na sospek na babae.
01:33Nainquest na sila at nasampahan na ng reklamong murder.
01:36Lumabas sa embestigasyon ng pulisya na suffocation ang ikinamatay ng biktima.
01:40Pag nanakaw-umano ang nakikitang motibo ng maotoridad sa krimen,
01:44lalo at may kaparehong kaso noon ng babae na posibleng modus na ng mga sospek.
01:49Meron nakita na kaso niya na robbery with prostrate at homeside.
01:54Ganun na ganun din yung ginawa nila. Dito nga yun sa isang hotel naman sa Pasay.
01:59Itinanggi naman ng mga sospek ang krimen.
02:01Sinabi ng sospek na lalaki na dati silang magkarelasyon ng sospek na babae.
02:06Nangangambaraw sila sa kanilang siguridad.
02:09No po, no po. Wala po talaga akong alam saan ang nangyari.
02:12Yun lang po yung totoo. Wala po talaga akong alam sa ginawa ng tao na yan.
02:16Basta gusto ko lang po makasigurado sa kaligtasan namin dalawa.
02:20Isisi ko talaga kasi talagang nahirapan na po kami talaga dito.
02:23Una namang sinabi ng barangay na may kakulangan talaga sa siguridad ng hotel dahil walang gwardya na nagbabantay rito.
02:31Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng hotel.
02:34Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:38Ito ang GMA Regional TV News.
02:44Mainit na balita din sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
02:49Nasawi dahil sa rock slide ang isang babae sa Vallehermoso, Negros Oriental.
02:54Sa esilo ng detalye sa balita ngayon.
02:58Rafi nabagsakan ng malaking bato ang 23-anyos na biktima.
03:02Ayon sa pulisya, nasa loob ng bahay nila sa barangay Tabon ang babae ng magka rock slide.
03:09Nasa pulisya ng bato sa ulo at idiniklarang dead on arrival sa Rural Health Center.
03:14Ang pagguho bunsod pa rin sa nagdaang Bagyong Tino.
03:18Sa bayan naman ng Ayungon, dalawang babaeng senior citizen ang sugatan sa magkahiwalay na disgrasya sa mga evacuation center.
03:26Ang isa, nabagsakan ng gumuhong kisame sa Gumintok Elementary School dahil sa malakas na hangin.
03:33Ang isa naman, nabagsakan ng naputol na sanga ng puno sa barangay Awaan.
03:38Agad naman silang dinala sa ospital para gamitin.
03:42Sa panabo Dabao del Norte, aristado ang dalawang lalaki dahil sa iligal na pagre-refill at pagbibenta ng mga butene gas canister.
03:51Sinugod ng NBI Regional Office ang bahay ng mga sospek sa barangay Credo dahil sa sumbong ng isang kumpanyang ginagamit-umano ang mga canister nila sa iligal na produksyon.
04:03Narecover sa mga sospek ang mahigit 1,600 na gas canisters, 10 malalaking LPG tanks at mga makinang ginagamit sa pagsasali ng gas.
04:14Ang modus, ibinibenta nila ang mga nirefill na canister ng mas mura.
04:19Aminado ang mga sospek sa krimen na dalawang taon na raw nilang ginagawa.
04:24Nahaharap sila sa patong-patong na reklamo.
04:27Inaalam pa ng NBI kung sino ang nagutos sa mga sospek.
04:30Paalala ng NBI, huwag tangkilikin ang mga hindi-lihiti mong gas canister dahil delikado itong gamitin.
04:44Kumatanggap na ang Social Security System o SSS na mga application para sa Calamity Loan na mga miyembro nito na nasa lantanang Bagyong Tino.
04:52Hanggang P20,000 ang maaring mahiram ng qualified members.
04:56Kabilang sa requirements para sa loan, dapat nakatira o nagtatrabaho sa lugar na isinailalim sa state of calamity.
05:03At may hindi bababa sa 36 na monthly contributions sa SSS.
05:08Babayaran ang Calamity Loan sa loob ng dalawang taon na may 7% interest.
05:13Hanggang December 5, tatanggap ang SSS na mga application.
05:20Kaugnay sa nagpapatuloy pa rin search and rescue operations sa ilang probinsya sa Visayas
05:24matapos ang pananalasan ng Bagyong Tino at paghahanda sa inasahang super typhoon na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
05:32Kausapin na natin si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo.
05:35Magandang umaga at welcome sa Balitanghali.
05:38Magandang umaga, Rafi. Magandang tanghali sa ating mga viewers.
05:42Apo, kamusta na po yung pagkalap yung dato sa bilang ng mga nasawi o nawawala sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Tino?
05:48Hanggang kailan po gagawin ang search and rescue operation o yung search and retrieval na po ba yung susunod?
05:53Sa ngayon, Rafi, yung kaninang this morning, meron na tayong 188 na mga kababayang nasawi dahil dito sa Bagyong Tino at meron pang missing na 135.
06:07So tuloy-tuloy pa rin yung search, rescue and retrieval dito sa mga nawawala nating mga kababayan,
06:14specifically dito sa Cebu at gano'n din sa Negros Island region at saka sa iba pang area.
06:22Anong nakikita niyong dahilan itong maraming nasawi dahil hindi naman tayo nagkulang sa paalala.
06:27May mga forced evacuation pang nangyari.
06:29Pero bakit po umabot ng ganito kadami yung mga namatay lalo na doon sa mga dinaanan ng flash floods?
06:35Rafi, may mga areas dito na hindi pa ito nadaanan dati ng mga pagbaha.
06:42Kaya kahit may mga paalala tayo, hindi naman sanay na mag-evacuate yung mga areas na ito.
06:47At saka yung tindi rin talaga nung ulan na ibinuhos, especially mga highly urbanized area ito.
06:53Maraming mga cementado na syempre, of course, highly concretized.
06:57So hindi ito dati binabaha.
06:58Tapos ngayon dahil sa bigat ng ulan na ibinagsak, highly concretized ay binahanap po.
07:05Kaya nga, Rafi, if I may jump to the next, yung typhoon, yung talagang sinasabi natin,
07:11hindi na dapat gawing basihan yung historical na porket hindi tayo binabaha dati,
07:16ay kailangan lumikas kapag sinabi ng lokal na otoridad.
07:20Ayun na nga po, paalala na rin natin na talaga nagbabago na yung panahon at pati yung forecast.
07:25Kuminsan talaga mas malakas yung buhos ng ulan.
07:28Pero kuminsan naman, mas mahina.
07:29Kaya siguro nagagiging kampati ang ating mga kababayan.
07:33Kumusta yung paghahanda ninyo?
07:34At paano ninyo kinukonbinsi?
07:35Yung mga lugar na dati, hindi naman tinatamaan na matindi na,
07:38kailangan ng lumikas kapag sinabi ng mga otoridad.
07:41Oo, ngayon, Rafi, ang kasama natin sa NDRRMC,
07:44yung Department of Interior and the Local Governments,
07:47nagpalabas na ito ng direktiba sa ating mga lokal na pamahalaan.
07:50Ang mahalaga kasing malaman talaga natin dito, lalo na yung mga komunidad at mga LJUs,
07:55saan, kailan, at gaano kalakas ang ulan at hangin na mararamdaman natin dun sa mga kanya-kanya nating lugar.
08:04Para alam natin na kailan dapat talaga lumikas.
08:08Like kapareho nito ngayon, nagpalabas ng direktiba na depende sa mga lugar,
08:13merong dapat ay Sabado pa lang, yun na yung huling araw ng pag-preemptive evacuation.
08:19Meron namang iba na linggo, hanggang linggo, pwede pang mag-preemptively evacuation.
08:24So dapat talaga alam natin sa bawat lugar natin yun.
08:28Meron din po, syempre, ang mga other considerations.
08:32Like we're looking at yung high tide din, anong oras yung high tide doon sa lugar ninyo,
08:36coastal area ba yan, kung malapit ba sa dam.
08:40So may mga dam din tayo, especially sa northern and central Luzon, na yun yung tatahakin nung bagyo.
08:47And even some other parts of Luzon also, southern Luzon hanggang sa Visayas,
08:52dahil ang tinitingnan natin dito sa pagyong paparating, ay malawak nga po.
08:57In fact, mahigit isan libong kilometro yung lawak nito.
09:02Kaya ibig sabihin, mas marami po talaga ang dapat mag-preemptively evacuation,
09:06lalo na yung mga nasa baybayang dagat, yung mga nasa mababang lugar.
09:11At yung mga listahan po, nung DENR-MGB, na dapat kung nandun tayo sa listahan yun,
09:17at saka sa rainfall warning ng pag-asa, ay dapat po talagang lumikas tayo.
09:22Siguro hindi na rin na dapat umaasa sa gobyerno, no?
09:24Dapat mag-research na rin at alamin nung mga bawat residente kung nasa dangerous na lugar ba sila.
09:31Sapat po ba yung mga tauhan at kagamitan ng OCD para respondin sa anong mga sakuna?
09:38Tumutulong pa huho kayo hanggang ngayon sa may Central Visayas.
09:41At we understand, may mga resources din na galing ng Norte na tumulong sa Visayas.
09:46Pabalik na rin siguro sila by this time.
09:48Paano po niyo pinaghahandaan ito?
09:49Tama, Rafi. Ang OCD, hindi lang yung Office of Civil Defense, kasama na yung ibang-ibang ahensya
09:55na kabilang sa National DRRM Council natin.
09:58So nagtutulong-tulong at nagsasama-sama ang mga ahensyang ito.
10:02Para na nga dun sa pag-preposition ng mga resources natin dito sa paparating na bagyo.
10:08Kaya nga po yung ating mga ibang-ibang ahensya ng response clusters,
10:12nakapreposition na rin po ng mga tao, ng mga equipment sa ibang-ibang lugar,
10:16lalo na dito sa Northern at sa Central Luzon.
10:19And at the same time, sabi kasi ng Pangulo,
10:21huwag pa rin pababayaan syempre yung response operations natin
10:24dun sa mga apektado ng bagyong tino.
10:27Ano po bang parameters kung kinakailangan na ang preemptive o mandatory evacuation?
10:32O Rafi, iba-iba.
10:34Unang-una, syempre, yun nga, yung binabang ito kanina,
10:36saan, kailan at gaano kalakas.
10:39So kapag kaganito, tinitingnan natin malakas yung bagyo
10:41at maaaring maging super typhoon ito.
10:43So lahat ng mga nasa coastal areas, dito sa Northern at sa Southern Luzon
10:49at sa Central Luzon din, and even some parts dun sa Eastern Visayas,
10:55so ibig sabihin makahagip yun nung storm surge
10:57dahil malakas yung mga hangin.
11:00So yun ay dapat talaga mag-preemptive evacuation yung mga yun.
11:04Ganun din yung mga tatamaan ng malakas na ulan.
11:07Ang pag-asa, merong mga rainfall warning.
11:10Itong mga tinamaan ng Bagyo Nontino, ito yung mga karamihan dito
11:14ng mga red rainfall warning.
11:16So ibig sabihin, 200 millimeters pataas ang pwedeng ibagsak na ulan nito.
11:21Nakita natin yun sa Cebu,
11:23ang mahigit 200 millimeters na pagpulan,
11:27e halos yung buong ground floor abot yung pagbaha na yun.
11:31So ito yung mga basihan natin.
11:33And then kasama syempre yung binabanggit natin kanina,
11:36if you are kung malapit sa dam,
11:39tapos mag-abiso ang lokal na pamahalaan,
11:41at saka yung mga authorities dun sa dam na mag-release nung tubig.
11:45So ito yun sa mga basihan natin.
11:47Meron pa pong isa,
11:49yung hazard hunter PH,
11:51nakikita doon kung yung lugar ninyo ay prone sa pagbaha
11:55o kaya sa rain-induced landslide.
11:57So kapag kasama tayo dun sa mga lugar na yun at identified areas,
12:01so mahalaga po talaga na mag-preemptive evacuation po tayo.
12:06Siguro simple lang,
12:07pagkayo nasa malapit sa dagat,
12:09kailangan na lumikas.
12:10Pagkayo nasa malapit sa ilog, usapa,
12:12pwede rin magkaroon ng mas malaking pagbaha at laat
12:15flash flood sa mga lugar na yan kung kahit kailangan na lumikas.
12:18Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Halik.
12:21Maraming salamat, Rafi.
12:22Office of Civil Defense Spokesperson, Junie Castillo.
12:24Update tayo sa isinasigawang kilos protesta ng ilang grupo
12:31sa labas ng Office of the Ombudsman.
12:34May ulat on the spot si Salima Refran.
12:37Salima.
12:42Connie, nagkatensyon nga dito sa Office of the Ombudsman
12:45ang kalampagin ng iba't ibang grupo ang gobyerno
12:48para nga mapanagot ang mga dapat managot
12:50sa isyo nga ng korupsyon sa likod ng mga flood control
12:54at infrastructure projects.
12:58Alas 10 ng umaga ng sumugod sa Office of the Ombudsman
13:01ang kilusang bayan kontra kurakot.
13:04Hinabol nila ang konvoy ni Ombudsman Jesus Christ Pinrimuya
13:07na eksakto namang papasok ng gate ng Ombudsman.
13:10Pinigilan ng mga polis o pinigilan sila ng mga polis ng QCPD.
13:14Dito na nagkatulakan at nagkagirian ng mga ralehista at mga polis.
13:18Kinalampag nila ang gate ng Ombudsman
13:20at pinilit pang maglagay ng tarpaulin.
13:23Ilang minuto pang nagpatuloy ang girian
13:25hanggang sa may namagitan na leader ng mga grupo.
13:28Nag-spray paint din ang grupo sa mga letrato
13:30ni Pangulong Bongbong Marcos, Vice President Sara Duterte,
13:34Ombudsman Rimuya at logo ng isang contractor
13:37na sanhiraw ng malawakang pagbaha sa Cebu
13:39nitong Bagyong Tino.
13:41Ang kanilang sigaw, walang dapat cover up
13:43sa imbesigasyon sa korupsyon sa mga flood control projects.
13:47Dapat din daw pati si Pangulong Bongbong Marcos
13:49ay maimbestigahan dahil abot raw sa kanya
13:52ang pananagutan sa nangyari.
13:54Paulit-ulit na lang daw na nabibiktima
13:56ang mga karaniyong Pilipino
13:58sa kasakiman na mga nasa kapangyarihan.
14:01Narito ang bahagi ng ating mga panayam kanina.
14:04Dapat ay isama si Marcos Jr. na i-imbestigahan
14:10dahil naniniwala kami na si Marcos Jr.
14:13ang pangunahing korup dito.
14:15Kitang kita doon sa mga investigasyon na nagaganap
14:21may nag-uugnay kay Marcos Jr.
14:24Siya ang pumirma ng napakalaking pondo
14:27para sa flood control project.
14:28Hindi kami naniniwala na wala siyang alam.
14:30Bukas po, anniversary ng Yolanda.
14:3312 years later, bulok pa rin ang ating sistema.
14:36Marami pa rin ang namamatay
14:38dahil sa mga kurakot sa pamahalaan.
14:40Sa nangyayari po ngayon, mukhang hindi umabot
14:42hanggang malakanyang ang investigasyon.
14:49Connie, bago nga mag-alas 11 ng umaga
14:51ay payapang nag-disperse ang mga grupo
14:54dito nga sa Ombudsman.
14:56Samantala kapapasok lamang na balita,
14:58ang Office of the Ombudsman ay inanunsyong
15:00nag-talaga na ito ng isang special task force
15:03para imbestigahan yung mga flood control projects
15:06kaugnay nga ng pananalasa ng Bagyong Tino sa Visayas.
15:10At yan muna, latest, bulanga dito
15:12sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
15:14Connie.
15:15Maraming salamat sa Lima Refran.
15:17Kung may nag-aalok po sa inyo mula sa Office of Civil Defense
15:25na magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Tino,
15:28hindi po yan totoo.
15:30Ayon sa OCD, may nagpapanggap umanong staff
15:33ni OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV
15:36para magsulisit ng donasyon para sa mga nasalanta sa Cebu.
15:41Hindi raw po humihingi ng donasyon ng ahensya
15:43sa pamamagitan ng kanilang mga empleyado.
15:46Kung gustong tumulong,
15:48pwede raw itong idirekta sa kanilang tanggapan
15:50o sa Department of Social Welfare and Development.
15:58Aside kay star of the new gen, Jillian Ward,
16:01tampuk rin sa KMJS gabi ng lagim
16:04ang ilang talented actors ng henerasyon ngayon.
16:07Kabilang dyan, ang sparkle actor na si Miguel Tan Felix
16:11nagkaganap na isang seaman sa pelikula.
16:14Chika ni Miguel, hindi siya ng dalawang isip na tanggapin ang role.
16:18Ang multi-awarded actor na si Elijah Canlas
16:20aminadong natakot sa pag-shoot sa gubat
16:23at in-enjoy lang ang oportunidad.
16:26Gaganap naman siyang isang Pinoy mythical character.
16:29Ang isa pang sparkle actor na si John Lucas
16:31humugot naman ang inspirasyon at emosyon
16:33sa panunood ng horror films.
16:36Tampok din sa pelikula ang sparkle actor na si Nicky Ko
16:39na nagkaroon ng spooky experience
16:41habang nasa shooting.
16:46Nakapalibot kami dun sa i-exercise.
16:49Tapos biglang may tumunog sa gilid.
16:51Walang gano'n sabi ng props.
16:53Oo, nagtanong kami. May gano'n ba dito? Wala.
16:56Oh my God.
16:57Nasa ganap kami, baka may cellphone, baka may natitrip.
16:59Wala talaga.
17:00Weather update tayo sa bagyong inaasahang papasok
17:05ng Philippine Area of Responsibility ngayon pong weekend.
17:08Usapin natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
17:12Magandang umaga at welcome po sa Balitang Haliw.
17:15Magandang umaga, Connie, at sa lahat po na ating taga-subaybay.
17:18Oo, gaano kalakas ang hangin at ulan
17:20at kailan humararamdaman ba ang bagyo na tatawaging uwan?
17:24Well, sa ngayon po, ang bagyong may international name na Pungwong
17:28ay nasa severe tropical storm category na, no?
17:32At inaasaan natin na posibleng pang umabot ng typhoon
17:35hanggang super typhoon category
17:36bago itutuloy ang mag-landfall dito sa may bandang
17:39northern and central Luzon area.
17:41Kaya, yun nga, yung paunang abiso natin,
17:43at the moment, meron tayong press conference
17:45para hanggat maaga, maabisan natin yung mga kababayan natin
17:48generally over the Luzon and some parts of the Visayas area
17:52patungkol nga sa paparating na bagyong si uwan.
17:55Para lang kung mas malinaw, doon sa mga dadaanan nitong bagyo,
17:58anong mga probinsya po ito?
18:00Pati po ba Metro Manila makakaramdam din
18:02nitong super typhoon over the weekend?
18:06Sa ngayon, ang pagtaya po natin,
18:08ang pagkilos nitong bagyong si uwan ay
18:10posibleng nga itong mag-landfall dito sa may bandang
18:13southern sa Bella Northern Aurora area
18:17sa darating po na sa pagitan ng linggo ng gabi
18:20hanggang lunis ng madaling araw.
18:22Then yung centro nito ay nasang tatawid nga
18:24ng northern and central Luzon area.
18:27Subalit dahil malawak po yung tinatawag nating radius
18:30o yung nasasakupan ng bagyo,
18:31posibleng hanggang sa Metro Manila,
18:34southern Luzon area maging sa ilang pahagi po
18:36ng Eastern Visayas ay maramdaman nga itong
18:38epekto ng bagyong si uwan sa mga susunod na araw.
18:41So, ang pagtaya po natin sa darating na Sabado bukas,
18:45once na pumasok na ito na ating PER
18:47at binigyan nga ng local name na uwan,
18:49ang unang makakaramdam ng epekto
18:51ay itong mga lalawigan sa silangang bahagi ng Luzon
18:54at ng Visayas.
18:55Itong Bicol Region, Eastern Visayas
18:58at maging itong lalawigan ng
18:59Cagayan, Isabela at Aurora.
19:02Then, Sabado ng Tanghali hanggang Linggo ng Tanghali,
19:07of course, magiging mas marami yung pag-ulan,
19:09yung mga more than 200mm of rain
19:12sa nakararaming bahagi po ng Northern Luzon
19:14at ilang bahagi rin ng Central Luzon.
19:16And of course, may mga pag-ulan din tayong inaasahan
19:18dito sa Metro Manila
19:19at sa ilang bahagi po ng Southern Luzon.
19:22Okay, so lilawin lang hoon natin dito sa Metro Manila,
19:25lalo na ngayong weekend.
19:27Mararamdaman ho ba ito sa Sabado na rin
19:29yung malalakas na ulan
19:31o ito ho ba ay yung mga
19:32kumbaga pabugso-bugso lang na
19:34hindi ganung kalakas na ulan pa?
19:37Bukas po, generally,
19:39hindi pa naman ganong ramdam
19:40sa Metro Manila epekto nito.
19:42Pero yun nga, possibly sa Bicol Region
19:44at ilang bahagi na Eastern Visayas
19:46ay mararamdaman na yung immediate effect nito.
19:48And then, habang patuloy na lumalapit
19:50ang Bagyong Si Iwan
19:51dito sa Northern Central Luzon area,
19:53Saturday afternoon up to Sunday
19:56and then Monday and Tuesday,
19:57of course, mas maraming uulanin
19:59kasama na nga dyan ang Metro Manila po.
20:01Alright, so may parang paghahanda pang po
20:05pwedeng maganap,
20:06at least doon po pagdating ng Sabado
20:08in the Metro at Karatig Provincia
20:11except for doon po sa mga area
20:13sa may Northern Luzon
20:14ang talaga makakaramdam na po nito.
20:17Well, tama po.
20:19Yun nga, yung pinapalabas po natin
20:21Tropical Cyclone Advisory
20:22ay dinidiseminate,
20:24pinapamahagi po natin yan
20:25sa mga partner agencies natin
20:27sa paghahanda.
20:28At ito nga, available po sa ating official website
20:30para yung mga kababayan din natin
20:32ay agarang makita
20:33yung update natin patungkol na dito
20:34sa paparating na bagyo.
20:36Alright, marami pong salamat
20:37sa inyo pong update sa amin.
20:38Yan po naman si Pag-ASA
20:39Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
20:43Marami salamat din po at magandang araw.
20:4848 days na lang before Christmas,
20:51mga mari at pare,
20:52nagdagdag-ningning ang ilang kapuso stars
20:54sa kabikabilang Christmas events.
20:57Yan ang grand reveal sa giant Christmas tree
21:05sa isang mall sa Mandaluyong.
21:07Tadtad yan ang iba't-ibang Christmas lights
21:09at character designs.
21:11Present dyan si Kapuso Primetime Queen
21:13Marian Rivera at
21:14Miss Universe 2015 Pia Wortsback.
21:17Game rin silang nagpo-picture sa fans.
21:20Nag-ningning ang isang iconic giant Christmas tree
21:31sa Gerson City.
21:33Personal kong natunghayaan
21:34ang lighting ceremony nito kagabi.
21:37Spotted ko rin sa event
21:38sina PBB Celebrity Collab Edition
21:40Big Winners Mika Salamangka
21:42at Brent Manalo.
21:43Pati na sina ex-PBB housemates
21:45Clarice de Guzman,
21:47Bianca de Vera,
21:48PBB host Alexa Ilan,
21:50at Uncavogable Star Vice Ganda
21:53na nag-perform sa event.
Be the first to comment