00:00Timbog naman sa entromptment operation na Philippine National Police
00:04ang umunay scammer na sangkot sa bentahan ng online bank accounts.
00:09Kasabay niyan, muling nagpalala ang PNP na maging mapagbatsyag sa mga scam,
00:14lalo't papalapit na ang kapaskuhan.
00:16Si Ryan Lasiga sa Sentro ng Balita.
00:21Karaniwan nang tumataas ang online shopping scams at pecking delivery schemes
00:26tuwing sasapit ang kapaskuhan.
00:28Kaya naman ang Philippine National Police paigtingin na ang mga hakbang para malabanan
00:32ang pagdami ng tinatawag nilang Christmas online scams.
00:36Ang nasabing hakbang ay kasunod umano ng patuloy na pagtaas ng fraudulent transactions
00:41at pananamantala ng mga cybercriminal dahil na rin sa dami ng holiday spending at parcel traffic.
00:48Kaya ang PNP Anti-Cyber Crime Group agad kumilos.
00:51Ang online selling scam po, ito po yung merong legit na buyer na kung saan bumibili po sila online
00:58sa mga online shopping sites at ang nangyayari po doon ay hindi po yun yung mismong product
01:05yung natatanggap nila or yung mismong item.
01:08Kadalasan po ay substandard.
01:10At kung makapagbigay man po sila ng down payment,
01:13ay automatically binablock po sila ng mga sellers po or mga scammers po.
01:18Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Police Lieutenant Walen May Aransilio,
01:23aktibo ang kanilang cyber patrols upang mahuli ang mga nanloloko lalo at marami ang namimili online.
01:30Sa Pasay, isang individual ang naaresto dahil sa pagbebenta ng online bank accounts
01:35sa halagang siyam na libong piso na iniaalok ng sospek sa kanyang social media page.
01:40Dahil sa pinagting na cyber patrolling,
01:43nabuking ang modus ng sospek at agad ikinasa ang entrapment operation.
01:47According po sa sospek,
01:49ang pera po na makukuha niya sa pagbenta ng tatlong bank accounts na ito
01:55ay pambayad niya po dun sa motor niyang hinuhulugan.
02:00At yung trabaho po ng sospek ay sa umaga po,
02:05siya po ay rider at sa gabi naman po ay siya ay call center agent.
02:09Ang sospek ay maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 12010
02:14o Anti-Financial Account Scamming Act
02:18na may kaugnayan sa Section 6 ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.
02:22Ito po talaga pag napunta sa mga cybercriminals,
02:26makukuha din nila yung mga informasyon natin na personal at financial po
02:31at maaari itong gamitin sa mga illegal online activities po.
02:36Kaya talagang hindi po pwede na ipahiram o ibenta po natin ito sa iba.
02:41Paalala ng ACJ sa publiko, magdobli ingat lalo na ngayong papalapit na ang holiday season
02:47kung saan sinasamantala na mga manloloko na nais na kumita ng pera sa iligal na paraan.
02:53Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.