00:00Pinunan ng Commission on Audit ang malaking bahagi ng pondo ng MMDA na hindi nagamit noong nakaraang taon.
00:07Pantugon pa naman ang pondo sa baha at traffic sa Metro Manila.
00:10Nakatutok si Maris, umali!
00:16Lumala na lang siguro tuwing Christmas rush, pero all year round naman talaga ang traffic sa bansa.
00:223.5 billion pesos pa nga ang nalulugi sa ekonomiya ng Pilipinas dahil dyan.
00:26Ayon sa Foreign Aid Agency na Japan International Cooperation Agency.
00:31Pinalala pa ang traffic pag may mga binabahang kalsada.
00:35Sa Metro Manila, isa sa nakatokang mag-ayo sa traffic at sa baha ang Metro Manila Development Authority o MMDA.
00:42May pondong inilaan para dyan, pero hindi lubusang nagamit noong 2024?
00:47Yan ang lumabas sa audit report ng Commission on Audit sa mga gastusin ng MMDA noong 2024.
00:53Katunayan, mahigit isang bilyong pisong pondo ng MMDA noong nakaraang taon ang hindi nagamit.
00:59Bukod sa mababang budget utilization, sunod-sunod ayon sa COA ang mga naantalang traffic management at flood control projects.
01:06Ayon sa COA report, sa kabuo ang 11.8 billion pesos na budget ng MMDA,
01:1191.30% ang naobliga o pinangakong gagamitin sa mga proyekto,
01:16pero 75.25% lamang ang nailabas o nagastos.
01:20Kaya haabot ng 1.028 billion pesos ang hindi nagamit.
01:25Ang sanhiraw nito ayon sa COA ay ang pagkaantala ng mga proyekto at proseso ng procurement,
01:31kabilang na ang bidding, pagkuhan ng contractors at pagbili ng mga kagamitan.
01:36Ang resulta, naantala rin ang serbisyo para sa publiko.
01:39At may banta rin ang pagbalik ng pondo sa National Treasury.
01:42Ibig sabihin ito, oras na maibalik sa National Treasury, hindi na ito magagamit pa ng MMDA sa kanilang mga proyekto.
01:51Sa traffic management projects, hindi nasunod ang target schedule sa annual procurement plan.
01:56Kaya kinailangan mag-request na extension para hindi maglaps ang pondo.
02:00Sa flood control projects, labim-pito ang tuloy naman, pero may zero disbursement rate
02:05o hindi pa nagbabayad sa contractor dahil hindi sila nagsusumitin ng billing o kulang sa dokumento.
02:11May inutang ding pondo para sa Metro Manila Flood Management, pero 40.40% lang ang nagamit para sa Phase 1 hanggang October 2024.
02:20Kaya nagbayad pa ang gobyerno ng 37.4 milyon pesos mula 2018 hanggang 2024, bilang multa sa hindi paggamit sa pautang sa oras.
02:29May 29.57 milyon pesos na pondo ang hindi pa rin nagagamit.
02:33Sa 68 proyekto, may 40 dipa tapos noong panahon ng audit, bukod pa sa limang dipa na ipatutupad dahil sa pumali ang bidding.
02:42May 21 milyon peso projects din na delayed dahil sa kahinaan sa interagency coordination, external disruptions at permit issues.
02:506 na 700 milyon peso project naman ang hindi natapos noong 2024.
02:55At may halos 30 milyon pesos na advance payment ang hindi nabawi mula sa mga kontraktor ng mga proyektong tinerminate o inabandonan na.
03:04Sabi ng MMDA ng hingan namin ng pahayag, hindi na sila magbibigay ng komento dahil nasa COA report na rin ang sagot nila sa mga obserbasyon ng COA.
03:13Sabi nila tutugunan nila ang mga kakulangan at patitibayan ng monitoring, procurement efficiency at coordination na pinuna ng COA.
03:20Para sa GMA Integrated News, Marise Umali Naktutok, 24 Horas.
Comments