Skip to playerSkip to main content
-Masangsang na usok galing sa lupa, inirereklamo ng mga residente ng Sitio Calingac

-Ilang simbahan, dinagsa sa unang Misa De Gallo ngayong taon

-Tradisyunal na Belen at Giant Christmas Tree, pinailawan sa St. Peter's Square

-#AnsabeMo: Ano ang ipinagdarasal mo ngayong Simbang Gabi?

-Rider, patay matapos makasalpukan ng bus ang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Mercedes

-Pagbubukas ng upgrade sa facilities ng NAIA Terminal 3, pinasinayaan ni PBBM/PBBM: Processing ng arriving passengers sa E-Gates, 20 seconds lang

-PNP: Iniimbestigahan ang ulat na nanggaling sa Pilipinas ang mga suspek sa pamamaril sa Bondi Beach

-AzVer, nakipag-meet and greet and bonding sa kanilang fans

-Mystery exchange gift pero pare-parehong panlaba at panglinis ang natanggap!

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inerereklamo ng mga residente ng Sitio Kalingak sa Barangay Bungyaong sa Buwaga City
00:06ang umuusok na bahagi ng lupa sa kanilang lugar.
00:09May masangsang na amoy ang usok.
00:11Mahigit 30 pamilya na raw ang apektado niya.
00:14Ayon sa ilang residente, nagdudulot ito ng sakit ng ulo at pagsusoka.
00:19Mahigit isang linggo na ang usok mula sa lupa.
00:22Sa inisyal na pagsusuri ng DENR Environmental Management Bureau,
00:25nakita ng sulfur ang lupang pinanggagalingan ng usok.
00:29Pinayuhan ang mga residente na magsuot ng face mask
00:31at iwasang kumuha ng tubig sa ilog na posibleng kontaminado na.
00:36Nakipagugnay na ang barangay ofisyal sa lokal na pamahalaan,
00:39Mines and Geosciences Bureau at sa FIVOX.
00:45Dinagsa na mga Katoliko ang pagsisimula ng simbang gabi o misa de gallo sa ilang simbahan.
00:52Gaya sa Quiapo Church sa Maynila,
00:54Napuno na ang loob ng simbahan kaya napilitan ng ibang Katoliko na sa labas ng simbahan makinig ng misa.
01:02Sa Cebu Metropolitan Cathedral,
01:04hindi pinapasok sa compound ang mga sasakyan dahil sa inasahang dagsa ng mga magsisimba.
01:10Isinagawa rin ng ilang pamilya ang tradisyon na tinatawag na bangaw o pagparada papuntang simbahan ng three wise men.
01:18Marami rin ang dumalo sa misa sa Pilgrim Center ng Basilica del Santo Niño.
01:24Dagsari ng mga nagsimba sa San Pedro Cathedral sa Davao City.
01:29Tinatayang nasa dalawang libo ang dumalo.
01:32Sa Lipa, Batangas,
01:34ramdam rin ang dami ng mga nagsisimba sa San Sebastian Cathedral.
01:38Sa labas ito, napunurin ng mga nagsisimbang pamilya at magbabarkada.
01:43Matapos ang misa, patok sa mga nagsimba ang puto bumbong.
01:45Sa Tagkawayan Queso, napunurin ng mga Katoliko ang Our Lady of Lourdes Parish Church.
01:51Hindi nila alintana ang malamig na panahon.
01:57Ramdam na rin ang kapaskuhan sa Vatican City.
02:00May giant Christmas tree na sa St. Peter's Square at bukas na rin ang tradisyonal na Belen doon.
02:11Kinamanghaan ng tradisyonal na Belen na idinisenyo ng isang diocese sa Southern Italy.
02:14Ang higanting Christmas tree naman, may sukat na 25 meters at mula sa Northern Italy.
02:21Instant Christmas feels ang dala niyan sa mga turista at debotong naroon.
02:26Masisilayan sa gitna ng parke ang mga nasabing Christmas display hanggang sa January 11.
02:31Mga kapuso, present o absent pa kayo sa day 1 ng simbang gabi.
02:42Sabi kasi ng ilan, matutupad daw ang mga kahilingan kapag nakumpleto ang siyam na gabi.
02:47Ang kapusong netizens, kaya natin ano-ano ang ipinagdarasal sa Misa de Galli?
02:53Ang isa sa mga namungunang comments ay good health, gaya ni na Annalyn Diniega at Shuny Perez.
03:00Ganyan din ang manifestation ni Mommy Renee, pero ang health, samahan na raw ng wealth.
03:06Uy, gusto ko yan.
03:06Oo nga, si Ann Sherry Quinto naman, prayers daw ang kaligtasan ng mister na si Julius sa araw-araw na biyahe.
03:13May halong mystery naman ang sabi ni Jean Bolaquinha na to be selected.
03:19Good luck kung anuman niya.
03:21Mga kapuso, makisala rin sa aming online talakayan sa iba't ibang issue.
03:24Kung may nais din kayong maibalita sa inyong lugar, mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Hali at U-Scoop.
03:32Ito ang GMA Regional TV News.
03:36Pataya isang rider ng motorsiklo matapos niyang makasalpukan ang isang bus sa Zamboanga City.
03:43Base sa embusyason, binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkabilang linya ng National Highway sa Bargay Mercedes ng magkasalubong at magbanggaan.
03:52Nadala pa sa ospital ang biktima, pero idiniklar ang dead on arrival.
03:57Inaalam pa ng polisya kung nakainom ang biktima.
04:00Sinusubukan pang tunan ang pahayag ang driver ng bus na nasa kusuliya ng polisya.
04:06Mas mapapabilis at mapapaganda ang biyahe ng mga pasahero sa Naiya Terminal 3.
04:14Binuksan na kasi ang mga upgrades sa facilities.
04:17May ulat on the spot si Chino Gaston.
04:19Chino?
04:19Yan trafi, pinasinayaan ng Pangulo ang pagbubukas ng mga upgrades sa facilities ng Naiya Terminal 3.
04:28Kasama si First Lady Liza Marcos.
04:30Ipinakita si New Nia Infra Corporation President Ramon S.
04:34ang bagong Tambayan Filipino Food Hall, Mezzanine Food Hall,
04:38ang Dignitarist Lounge at ang Electronic Immigration Gate.
04:41Nakausap ng Pangulo ang mga bagong dating na OFWs na gumamit ng E-Gate
04:45at nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa mabilis na immigration process.
04:49Sa kanyang tulumpati, sinabi ng Pangulo na 20 seconds na lang ang magiging processing time ng arriving passengers
04:56gamit ng mga pinasabing E-Gate.
04:59Mapapabilis at mapapaganaan niya ang experience ng pagdating ng mga passengers sa Paliparas
05:03na importante dahil ito ang usually ang first experience at yung last experience ng mga turista sa Pilipinas.
05:10Hindi lamang ito usaping infrastructure ayon sa Pangulo,
05:12kundi malasakit na rin para sa mga bibisita sa bagda at mga Pilipino na parating at paalis ng kanilang bayan.
05:19Kung maayosan niya ang sistema, natural lang na efficiency follows
05:24at ang kasunod nito ang pagtaas naman ng public trust sa gobyerno.
05:28So clear rin daw ang better services ng airport sa sakripisyo ng mga OFW at mga balikbayan.
05:34Sa ginawang pag-upgrade ng immigration facilities, target ng NNIC na nagyan ng kabuang total ng 78 immigration E-Gate
05:43sa Terminal 1 and 3 kung saan may mga international flights.
05:48Ayon kay NNIC, President Ramon ang aabot sa 51.7 million passengers at dumadaan sa Terminal 1 and 3
05:54mula na nga sila nag-takeover na isang taon na ang nakalilipas
05:59at napansin ang 3% increase daw sa usage ng mga paliparan.
06:03Ayon din naman sa DOT, mahalaga na maganda ang mga airport at facilities
06:07dahil ito ang shape or ito ang magbubuo ng perception ng mga turista sa imahe nito sa Pilipinas.
06:14Isa't sa kalahating milyong turista daw ang naisala noong nakarang taon na dumaan sa ating mga paliparan.
06:22Ang ukol naman sa balikbayan boxes na naipit sa customs, matagal na itong issue,
06:26inanunsyo ng Pangulo na simula ngayong atausi, simulan na ng Bureau of Customs ang pag-release at distribute
06:33ng tinatayang 130,000 na mga naipit na balikbayan boxes sa Bureau of Customs.
06:39Ito ang mga balikbayan boxes na deemed abandon ng BOC dahil di nabayaran ng lokal na distributor at service providers
06:45ang pagpaparelease nito sa customs.
06:48At yan ang latest mula rito sa Panayia Terminal 3. Balik sa inyo naman.
06:52Maraming salamat, Chino Gaston.
06:57Mainit na balita, iniimbestigahan ng Philippine National Police ang ulat na nanggaling sa Pilipinas
07:02sa mga suspects sa mass shooting sa Bondi Beach sa Australia.
07:06Ayon sa PNP, nakikipagugnayan na sila sa Bureau of Immigration para sa imbestigasyon.
07:12Batay sa ulat ng Reuters, sinabi ng Australian Police na nagpunta sa Pilipinas sa mga suspect
07:16at iniimbestigahan pa ang pakay ng biyahe nila rito.
07:20Nakita ng Australian Police na sasakyan ng mga suspect ang dalawang homemade na Islamic State flags.
07:25Ayon sa Reuters, mag-ama ang dalawang suspect na kumitil sa buhay ng labin limang tao.
07:30Nasawi ang ama sa enkwentro habang critical naman sa ospital ang anak.
07:39May meet and greet with fans ang PBB Celebrity Collab Edition 4th Big Placers,
07:44AZ Martinez at River Joseph o ASVR.
07:46Warm welcome ang sinalubong ng fans sa ASVR sa kanilang meet-up kahapon.
07:55Green ang motif ng venue na signature color ng Team ASVR.
07:59Nakatanggap naman sina AZ at River ng gifts at heartwarming messages.
08:03Happy and thankful naman ang AZ-ASVR sa overwhelming support.
08:07Kaya naman, game silang nag-do it at nakipag-group picture with fans.
08:11Abangan din ang ASVR sa upcoming TV series na Secrets of Hotel 88 na collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
08:25Sabi nga ng old saying, birds of the same feather flock together.
08:28Ganyan ang pinatunayan ng magkakatrabaho sa Makati City.
08:33Kasama si na Aliana Gambua sa mga nakijoin sa trend na exchange gift na
08:37Something Embarrassing.
08:38Ang resulta ng palitan, filled with love as in pang-love ah.
08:43Connectado kasi ang mga regalo nila sa paglalaba.
08:46May palangga na upuan, hanger at may alambre paano pwedeng gawing sampayan.
08:52Labahan starter pack.
08:54Pwede pang maglinis after niyan dahil may brush at duster.
08:58Hirit ng ilang netizens, perfect choices ang gift para sa mga trend tahin.
09:023.3 million views na ang video.
09:06Trending!
09:06At sa mga kuarintahin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended