Skip to playerSkip to main content
May mga person of interest na ang pulisya kaugnay sa nawawalang babaeng ikakasal na sana noong Linggo. Kabilang diyan ang kaniyang fiancé, pero paglilinaw ng mga pulis’ di siya itinuturing na suspect.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mga person of interest na ang polis, kaugnay sa nawawalang babaeng ikakasal na sana noong linggo.
00:08Kabilang dyan ang kanyang fiancé, pero paglilinaw ng mga polis, hindi siya'y tinuturing ng suspect.
00:15Nakatutok, si Marisol Abdurama.
00:21Missing in person pa rin ang turin ng polisya sa dapat ay bride-to-be na si Shara Dewan,
00:26habang ang fiancé niyang si Mark J. Reyes, kabilang na sa mga itinuturing na person of interest.
00:32Pero hindi naman anila nangangahulugang, suspect na si Reyes na kinukuhanan pa natin ng pahayag.
00:37Since siya po ang partner na sila ang magkasama for how many years,
00:44at siya rin po ang huling merong conversation at sila ngayon nagsasama,
00:49at tingin namin siya rin ang makakatulong po sa amin sa pag-solve nitong missing bride niya.
00:59Kaninang umaga, mismong si Quezon City Police Director Glenn Silvio ang nanguna
01:03sa walkthrough na ginawa ng special investigating team na tumututok sa nawawalang bride-to-be.
01:08Pinuntahan nila ang bahay ni Reyes at Dewan.
01:11Tinignan natin kung how long yung paglakan niya.
01:15Basa namin, sumakay siya, either sa bus or yung kasunod ng bus.
01:21Hinahanap yung driver ng bus at yung konduktor para ipakita kung talagang sumakay si Mishira.
01:30Gusto natin makita, baka may iba siyang cellphone na hawak
01:33during nagwalakad siya from his residence up to dun sa Petron.
01:40Isinailalim na rin ngayon sa forensic exam ang mga gadget ng nawawalang bride-to-be
01:45Pinapaka-expedite po natin yung laptop ni Mishira at yung cellphone niya for forensic exam.
01:54Pinuntahan na rin ng mga otoridad ang mga kamag-anak ni Dewan sa kanyang probinsya pero wala siya roon.
01:59Wala rin informasyon ang kanyang mga kaanak tungkol sa kanya.
02:02Wala rin itong record na nagbiyahe sa ibang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng eroplano.
02:07Nagtanong na rin po tayo sa PNP-ABSI group, nag-check tayo kung merong nag-travel locally
02:15at so far wala naman na pangalan Mishira Dewan.
02:21Nakikipag-ugnay na rin ang Quezon City Police sa Bureau of Immigration
02:24para ma-check kung nag-abroad ito simula ng mapaulat na nawawala.
02:28Aminanong Quezon City Police na hamon sa kanila ang kaso ni Dewan
02:33kaya lahat daw ng anggulo kanilang tinitingnan.
02:37Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended