Skip to playerSkip to main content
-Nawawalang pasahero na sumakay ng barkong biyaheng Batangas-Caticlan, patuloy na hinahanap


-Volcanic earthquake at 6 na rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon; mga nakatira malapit sa bulkan, pinag-iingat


-5, napatay sa engkwentro nang manlaban sa pagsisilbi ng arrest warrant/1, arestado matapos makuhanan ng ilegal na droga sa kanyang bahay; 3 iba pang subject ng search warrant, nakatakas


-Mahigit P30M, tinangay mula sa money changer at jewelry store sa isang mall


-Rider, sugatan matapos umanong mabangga ng sasakyan sa Brgy. Mandalagan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
00:11Puspusan ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa isang pasaherong napaulat na nawawala
00:16matapos sumakay ng barko sa Batangas Port noong Sabado.
00:20Chris, ang isang lugar na naghahanap ang PCG?
00:23Rafi, nagsagawa na sila ng aerial inspection sa dagat na sakop ng Batangas.
00:31Ayon sa PCG, naghalughog na rin sila sa mga bayan ng Pola, Pinamalayan at Rojas sa Oriental Mindoro,
00:38gayon din sa Western Visayas.
00:40Sa investigasyon ng mga otoridad, December 13, nang sumakay ng bus at roro si Danilo Villaluz
00:46na biyahing Batangas, Katiklan, para dalawin ang kanyang anak na may sakit sa Bakulod.
00:52Nakapagpadala pa raw ito ng litrato sa kanyang pamilya habang nasa loob ng roro.
00:57Ligtas sa mga nakarating sa Bakulod ang barko noong December 14,
01:02pero hindi na nakita pa ng kunduktor ng bus at mga tauhan ng shipping line si Villaluz.
01:07Naiwan din niya ang kanyang personal na gamit gaya ng sapatos, bag, wallet at cellphone.
01:14Nananatiling blanco ang mga otoridad sa sanhinang pagkawala ni Villaluz.
01:18Tiniyak naman ang PCG na gagawin nila ang lahat para mahanap ang nawawalang pasahero.
01:25Patuli naman na pinag-iingat ang mga nakatira malapit sa Bulkang Mayon,
01:29kasunod ng mga naitatalang rockfall event sa bulkan.
01:33Sa isang video, makikita ang pagbulusok ng mga bato mula sa crater ng bulkan.
01:38Sa tala ng FIVOX, simula kahapon, nagkaroon ng isang volcanic earthquake at anim na rockfall events sa bulkan.
01:46Nananatili sa Alert Level 1 ang Mayon, kaya bawal pa rin pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone.
01:52May init na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
02:05Napatay sa enkwentro ang limang lalaki sa Kabakan, Cotabato.
02:09Sarah, paano nangyari iyon?
02:10Rafi Magsisilbisana ng Warrant of Arrest ang mga otoridad ng manlaban umano ang grupo.
02:20Ayon sa Cotabato Police Provincial Office,
02:22kabilang sa mga nasawi ang isang lalaki na dating leader umano ng More Islamic Liberation Front o MILF.
02:29Sangkot daw ang grupo sa iba't ibang pagpatay sa probinsya.
02:32Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang kanikanilang pamilya.
02:36Bukod sa grupo, may isinilbiring search warrant sa kalapit na bahay na may kaungnayan sa iligal na droga at armas.
02:43Isang babae ang naaresto habang nakatakas ang tatlong iba pang subject ng search warrant.
02:49Nakumpiska raw sa bahay ng naaresto ang ilang iligal na droga at drug paraphernalia.
02:55Wala siyang pahayag.
02:56Mahigit 30 milyong piso ang tinangay mula sa isang money changer at jewelry store sa isang mall sa Pavia, Iloilo.
03:06Ayon sa Iloilo Police Provincial Office, nag-report ang gwardya ng mall sa kanila.
03:11Matapos makitang sira ang kisame na isang establishmento sa loob ng mall.
03:15Doon daw posibleng dumaan ang mga salarin.
03:17Nag-inspeksyon na ang polisya sa mga manhole na malapit sa mall kung saan posibleng raw lumabas ang mga nanloob.
03:24Tatlo ang salarin batay sa kuha ng CCTV.
03:27Ayon sa pamunuan ng mall, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga polis kaugnay sa insidente.
03:32Ito ang GMA Regional TV News.
03:41Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong ma-hit and run ng isang sasakyan sa Bacolod City.
03:48Nakahalbusay at wala ng malay ang rider nang puntahan siya ng maotoridad sa barangay Mandalagan.
03:54Base sa investigasyon, isang puting kotse ang nakabangga sa biktima na nakainom daw.
03:58Ayon sa polisya, nasa mabuting kalagayan na ang biktima at nakauwi na.
04:03Patuloy ang investigasyon at paghahanap sa driver na nakabangga sa rider.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended