-Sen. Lacson: May allocables sa 2025 budget ang 5 Cabinet secretary at ilang undersecretary, batay sa mga dokumentong ibinigay ng abogado ni dating DPWH Usec. Cabral/Rep. Leviste: Maraming pumipigil sa akin na ilabas ang mga pangalan sa "Cabral Files"/Malacañang, gustong paimbestigahan kung paano nakuha ni Leviste ang "Cabral Files;" lahat ng dokumento ay puwedeng i-verify, ayon kay Leviste
-INTERVIEW: SEN. SHERWIN GATCHALIAN, CHAIRMAN, SENATE COMMITTEE ON FINANCE
-6 na sakay ng nasirang pumpboat, nasagip
-Block screenings ng fans sa MMFF entry na "Love You So Bad," dinaluhan nina Dustin Yu at Bianca De Vera
-Dating Brgy. Chairman, patay sa pamamaril ng mismong kapatid; suspek, sumuko
-Lalaki, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pahanocoy/Babae, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala nang magpaputok ang kapitbahay
-INTERVIEW: FSUPT. ANTHONY ARROYO, CHIEF, PUBLIC INFORMATION SERVICE | SPOKESPERSON, BFP
-Asst. Ombudsman Clavano: Ilang bahagi lang ng "Cabral Files" ang ipinakita ni Rep. Leandro Leviste sa Office of the Ombudsman/Asst. Ombudsman Clavano: CPU ng computer ni dating DPWH Usec. Cabral, isasailalim sa digital forensic examination
-Online survey na nag-aalok ng rewards, pinabulaanan ng DSWD
-Ilang celebrities, nagsimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: SEN. SHERWIN GATCHALIAN, CHAIRMAN, SENATE COMMITTEE ON FINANCE
-6 na sakay ng nasirang pumpboat, nasagip
-Block screenings ng fans sa MMFF entry na "Love You So Bad," dinaluhan nina Dustin Yu at Bianca De Vera
-Dating Brgy. Chairman, patay sa pamamaril ng mismong kapatid; suspek, sumuko
-Lalaki, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pahanocoy/Babae, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala nang magpaputok ang kapitbahay
-INTERVIEW: FSUPT. ANTHONY ARROYO, CHIEF, PUBLIC INFORMATION SERVICE | SPOKESPERSON, BFP
-Asst. Ombudsman Clavano: Ilang bahagi lang ng "Cabral Files" ang ipinakita ni Rep. Leandro Leviste sa Office of the Ombudsman/Asst. Ombudsman Clavano: CPU ng computer ni dating DPWH Usec. Cabral, isasailalim sa digital forensic examination
-Online survey na nag-aalok ng rewards, pinabulaanan ng DSWD
-Ilang celebrities, nagsimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Gustong paimbestigahan ng Malacanang kung paano nakuha ni Batangas Rep. Leandro Leviste
00:05ang mga dokumentong nanggaling daw kay dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
00:11Sagot ng kongresista, lahat ng sinasabi niya ay pwedeng ma-verify.
00:15Isiniwalat naman ni Sen. Ping Lakson na merong mga cabinet secretary
00:18na humingi umano ng allocables sa 2025 budget,
00:21ayon na rin sa mga dokumentong muna raw kay Cabral.
00:25Balitang hati ni Mav Gonzalez.
00:30Isiniwalat ni Sen. Pro Tempore Ping Lakson na hindi bababa sa limang cabinet secretary
00:36at ilang undersecretary ay may bilyong-bilyong pisong allocables at non-allocables sa 2025 budget
00:42base sa dokumentong hawak niya.
00:45Sabi ni Lakson, galing ito sa abugado ni yumaong dating DPWH QSEC Catalina Cabral
00:51at mga dokumento mulaan niya mismo sa DPWH.
00:54Kabilang daw rito ang isang ES na may 8.3 billion pesos
00:59at si dating DPWH Sekretary Manny Bonoan na may 30.5 billion para sa 2025 lamang.
01:06Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Bonoan kaugnay nito.
01:10Sabi ni Lakson, ang allocable ay patungkol sa mga mambabatas na nanghihingi ng proyekto.
01:15Kaya tanong ni Lakson, bakit nagkaroon nito ang mga cabinet secretary?
01:19Base rin daw sa pahayag ni dating DPWH USEC Roberto Bernardo,
01:24bukod kay Bonoan ay naghatid din siya ng kickback sa isa pang miyembro ng gabinete.
01:29Dagdag ni Lakson, meron ding bilyong-bilyong pisong halagan ng allocable
01:33para sa House leadership at sa ilang partyless group.
01:36Maaari raw ipa-authenticate ang mga dokumentong ito
01:39sa Department of Budget and Management o sa DPWH mismo.
01:43Pagkatapos, pwede rin anayang ipatawag ng Senate Blue Ribbon Committee
01:47ang mga cabinet secretary.
01:49Nang tanungin si Batangas First District Representative Leandro Neviste
01:52kung may mga cabinet official sa listahang hawak niya,
01:56sagot niya, may mga acronym siyang nakita.
01:59Ang isang acronym po na kasali doon ay SAP.
02:04Hindi ko po masasabi sino si SAP,
02:07pero nandun po sa 8 billion pesos of projects si SAP.
02:14Hindi lang po yung listahang ito ang nakalap ko.
02:19Meron din po akong iba pang mga listahan ng mga insertions
02:23at ayon din po sa ibang mga nakalap kong mga ebidensya,
02:30lunglabas din po doon ang acronym SAP.
02:35Nag-post si Leviste ng kanyang email sa DPWH noong October 1
02:39nang mag-request siya ng DPWH budget kada legislative district,
02:44pati ang sagot sa kanya ng DPWH noon namang October 20.
02:48Kalakip ng email ng DPWH ang ilang dokumento,
02:51kabilang ang isang liha na may pirma mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon.
02:56Sabi ni Leviste, binigyan niya ng ilang araw ang DPWH
03:00para i-authenticate ang mga dokumentong in-upload niya sa Facebook.
03:03Never ni Secvins sinabi na hindi tunay ang aking mga dokumento.
03:08Ang sinabi lang niya, hindi pa niya napatunayan.
03:11Hindi pa na-authenticate ako.
03:13Kasi baka nasa abroad siya.
03:15Sinabi sa akin ni Secvins noong September na isa sa publiko niya ito.
03:20Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Dizon kaugnay sa mga bagong pahayag ni Leviste.
03:25Pero nauna na niyang sinabi na wala siyang in-authenticate na anumang dokumento.
03:30Hindi rin daw malinaw kay Dizon kung ano ang mga nakuhang dokumento ni Leviste.
03:34Sabi pa ng kongresista, maraming pumigil sa kanya na mag-privilege speech ukol sa Cabral Files
03:40at sila rin daw marahil ang pumipigil ngayon kay Dizon na ilabas ito.
03:44Lahat ng mga tao na nakapakalat dito,
03:49ayaw nilang lumabas ang mga pakalat na.
03:52At sila rin kaway mga kaibigan ng aking ina.
03:55Pero, gusto ko silang malaman kung saan nagastos yung 3.5 trillion pesos sa DPWH
04:05at nakakalungkot din na imbes na ilabas, mukhang pinagtatakpag pa.
04:11Kaya, sana si DPWH lang po at si Secvince Dizon ang maglabas nito.
04:18At hindi na lang hanapan sa akin.
04:21Gayun din ang ilan umano na ipinadaraan pa sa kanyang inang si Sen. Loren Legarda upang huwag ilabas ang listahan.
04:28Sinusubukan pa naming makunan na pahayag ang Senadora.
04:31Sinagot din ni Leviste ang aligasyon ni Dizon na sa apilitan niyang kinuha ang mga dokumento kay Cabral.
04:37Bakit after 5 days lang niya sinabi yan?
04:39Actually, November ko pa sinasabi, mayroon akong files from Yusek Cabral. Wala siyang sinabi na ganong kwento.
04:46Sabi ni Palace Press Officer Yusek Lair Castro, dapat imbesstigahan kung paano nakuha ang Cabral files.
04:53Lumalabas kung sa staff nang galing, mukhang hindi galing kay Yusek Cabral.
04:59Kasi sa staff eh, kung katotohanan lang din naman ang gusto natin, agad-agad mo nang ipakita.
05:05Yusek Claire Castro will make a fool of herself because everything that I'm saying can be verified even by publicly available data.
05:12Kaya ang sinasabi niyo po ay tama, ang dapat mangyari dito ay hindi natin pagtakpan ang mga proyekto na pinapropose ng mga mababatas.
05:21Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:24Ikinagulat at ikinagagalit ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na tila siya ang pinatutungkulan na ES ni Laxon
05:33na may 8.3 billion pesos na allocables umano sa 2025 budget.
05:38Giit ni Bersamin, wala siyang hiniling, inendorso o inaprubahang kahit anong DPWH project o budget allocation noong 2025.
05:46Handa raw siya makipagtulungan sa embestigasyon kaugnay sa umano ng allocables sa 2025 budget batay sa Cabral files.
05:55At kaugnay sa inasahang pag-ratipika sa Bicam Report sa 6.793 trillion pesos na 2026 national budget at iba pang mga issue
06:04nakasalang si Senate Committee on Finance Chairman, Senator Sherwin Gatchalian.
06:09Magandang amag at welcome po sa Balitang Hali.
06:12Good afternoon, Rafi. Good afternoon sa ating mga tagapakaning.
06:16Ano pong asahan ng taong bayan sa sinasabi ni House Appropriations Committee Chair Representative Mika Sonsig na people-centered budget
06:23o itong 2026 national budget?
06:27Sumasangayon ako sa kanya, Rafi, na ito ay isang people-centered budget.
06:32In fact, ang tawag ko nga dito nung una ay budget na nakatoon sa ating human capital development.
06:39Dahil kung titignan natin yung pinaka malalaking itinaas,
06:43edukasyon, health, at agriculture.
06:46Ito yung tatlong sektor na malaki ang itinaas sa loob ng ating budget.
06:51Lalo na ang education.
06:53Aabot na tayo sa 1.3 trillion ang budget natin sa education.
06:57Sa classrooms alone, aabot tayo ng almost 63 billion ang classrooms natin.
07:03Kaya matutugunan na natin ang maraming mga problema ang hinaharap ng sektor ng edukasyon.
07:09Gano po kayong kakumpiyansa na sapat yung inilagay ng safeguards
07:13pagdating sa implementation at paggamit ng pondo, lalo na po sa ayuda?
07:18Ang pinakamahalagang safeguard para sa akin, Rafi, ay yung mga safeguard natin sa infrastruktura.
07:24Dahil sa mga unang panahon, ang mga items sa infrastructure are either lump sum
07:32o wala siyang mga detalye, walang mga station number or coordinates.
07:37Kaya dito nangyayari yung ghost project o dito rin nangyayari yung mga substandard project.
07:43Ibang mga project hindi nga mahanap kung nasaan.
07:45So itong bagong inilagay natin, magusisi lang dahil nga sa libo-libong project na nakasulat sa loob ng budget.
07:54Mayroon na lahat ito ng mga coordinates at station number.
07:59Kaya mahanap na ito ng ating mga kababayan at makikita nila gano'ng kahaba,
08:03saan dadaan, anong barangay ang dadaanan nito.
08:06Paano po magagamit ng taong bayan yung transparency portal?
08:11Gano'ng kadali ito para sa ordinary mga mamayan na mamonitor itong mga proyekto ng pamahalaan?
08:16Aminado ko, ang budget documents ay komplikado dahil napakakapal siya.
08:22Itong enrolled copy lang ay 4,300 pages at talagang isa-isa nakadetalyod yun yung ibat-ibang aspeto ng ating budget.
08:34Pero dito sa Senate Transparency Portal, naka-upload na ngayon yung umpisa ng budget, yung National Expenditure Program.
08:44Pangalawa, in-upload rin namin yung General Appropriations Bill.
08:47Ito yung dumaan sa Kongreso.
08:49In-upload rin natin yung Senate Version.
08:51Ito yung inaprobahan ng Senado.
08:53At in-upload rin natin yung BICAM.
08:55At later on, ma-upload naman yung General Appropriations Bill.
08:59Ito na yung General Appropriations Act, yung gaahan na tinatawag natin.
09:02Ito na yung tapos, yung na-permahan na ng ating Pangulo.
09:05So makikita natin yung bawat proseso ay naka-upload na yung dokumento kasama na dito yung mga attachments.
09:13Makikita na natin dito kung paano na bago, paano na dagdagan, paano na bawasan, sino nagdagdag,
09:19sinong mga personalidad ang naglagay ng mga proyekto doon
09:25para masundan ng taong bayan kung paano naabot natin yung pinal na version ng ating budget.
09:31So yung implementation po nito, makikita rin po ba dito sa Transparency Portal?
09:36Magandang tanong yan.
09:38Implementation, ibang bagay yan, Rafi, dahil nasa executive na yan.
09:41Kaya isang aspeto lang yung pag-a-approba ng budget.
09:44At isang aspeto, pero mahalagang aspeto dahil nga doon sa mga nangyayari sa huling mga panahon.
09:51Kaya itong budget natin ay ginawa natin transparent, open, participative
09:56para marinig rin natin sa ating mga kababayan kung ano pa yung mga dapat natin gawin sa proseso ng budget.
10:02At maipakita sa kanila kung ano yung aming binabalangkas.
10:06Pero yung implementation, yan ay isa rin sa mga pinakamahalagang aspeto.
10:10So, dahil ngayon, aprobado na yung budget, yung susunod na hakbang dito, susunod na hamon,
10:18ay ma-monitor natin yung implementation ng budget.
10:21And of course, may oversight po dito yung kongreso.
10:24Sabi po na Pangulo, sa kanyang zona, haharangin nung ibabalik niya ang budget na malayo
10:29doon sa National Expenditure Program.
10:31Confident po ba kayo na pasado sa Pangulo itong buy conversion ng budget?
10:34Ako, 101% confident ako na ito ay sang-ayon o pareho ang direksyon na tinatahak ng executive
10:47nakapaloob dito sa budget na ito.
10:51So, nakikita ko na pareho ang direksyon ng executive at legislatura pagdating sa 2026 budget.
10:57At ito yung mga aspeto pagdating sa, tinatawag nga natin, human capital development.
11:03Education, health, agriculture.
11:06At nakikita ko, yan din naman ang mensahe ng ating Pangulo nung siya ay nagbigay ng kanyang zona
11:12na gusto niyang tutukan ang sektor ng edukasyon at aspeto ng kalusugan.
11:18Dahil nga ito ay napaka-importante aspeto para maging matibay ang lipuna natin.
11:25Very quickly po, bago pumunta sa ibang issue, ano pong pinakamalaking lesson na na-derive nyo dito sa
11:31kumbaga bagong paraan ng pag-a-appruva ng BICAM?
11:35Transparent na siya ngayon. Ano po yung lesson ninyo going forward?
11:39Well, Rafi, aminado ako na hindi perfecto yung proseso, hindi rin perfecto yung budget.
11:44Lalo na yung proseso dahil talagang first time na naging open yung BICAM,
11:49first time na nagkaroon ng technical working groups,
11:52first time na-upload yung mga dokumento.
11:54Pero yung pareho lang, kahit na first time lahat ito, in-apply namin yung dating calendar.
12:00Kaya aminado ako na yung pag-transmit ng budget this year ay delayed.
12:04Dahil dati natatransmit yan, second week of December natatransmit na sa executive,
12:10nare-review na ng executive at napepermahan bago magtapos ang taon.
12:14Pero ngayon talagang aminado ko delayed dahil nga yung lumang calendar ang ginamit namin sa bagong proseso.
12:20Kaya yan ang isa sa pinaka-masasabi kong mahalagang leksyon na nakuha namin na dapat mag-adjust yung calendar.
12:26Tingin ko, dapat agahan yung pagbabalangkas ng budget.
12:30Hindi pwedeng gamitin na yung dating kalendaryo.
12:33At para mabusisi din po ng taong bayan.
12:35Mapunta naman po ako sa ibang isyo.
12:37Anong po reaksyon nyo sa sinasabi ni Senate President Pro Temporary Ping Lakso na meron umanong mga secretary
12:42at undersecretary na may allocable funds doon sa 2025 budget?
12:47Well, Rafi, mahirap magkomento dahil hindi ko nakita itong listahan na ito.
12:51Maraming lumalabas na listahan sa iba't ibang news outlets.
12:55Kaya medyo hindi ko alam kung alin ang titignan.
12:58Kaya napakahirap magkomento kung ano ba talaga yung laman nitong listahan na ito.
13:04Ako personally, hindi ko nakita pa itong listahan.
13:07May mga nakita ko sa internet but hindi ko naman alam kung totoo yun o hindi.
13:12Sige po, abangan natin itong approval ng BICAM Report.
13:15Maraming salamat po.
13:16Maraming salamat, Rafi. Thank you.
13:17Salamat po sa Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian.
13:24Yan ang rescue operation sa nasirang pump boat sa dagat sakop ng Gihulungan City, Negros Oriental.
13:30Nailigtasang tatlong lalaki, isang babae at dalawang bata na tatlong oras na nagpalutang-lutang matapos masira ang sinasakyan nilang pump boat.
13:38Ayon sa Philippine Coast Guard, patungong dumanhog Cebu ang mga biktima nang may madaanan silang mga debris ng kahoy.
13:45Sinubukan ng operator na alisin ang debris pero nadulas siya at tinaman ang gilid ng bangka.
13:51Nabutas ang pump boat at bahagyang lumubog.
13:53Isang napadang barge ang sumaklolos sa kanila.
14:02Feel na feel ng Dust Bia ang pa-block screening ng fans para sa pinagbibidahan nilang MMFF entry na Love You So Bad.
14:11Sa isang mall sa Quezon City na nilungan nila, Dustin Yu at Bianca Devera ang block screenings.
14:17Present dyan ang maraming fans na nagtulong-tulong para maging success ang event.
14:23Overwhelmed daw sila sa magagandang feedback ng fans sa pelikula.
14:27Dream come true naman ito para kay Bianca na non-nominate pa bilang Best Actress.
14:32Super happy because like I always say, isa ito sa mga pinaka-masayang Pasko ng buhay ko.
14:41And siyempe this Christmas we're not only spending it with our families but we're spending it with our supporters as well, our newfound families.
14:4821 blocks screening on just one day.
14:51Talagang binuon nila yung pangarap namin and grabe yung support nila for the movie Love You So Bad.
14:58I mean maraming feedbacks, good feedbacks, maraming nagsasabi na sulit yung movie.
15:01So nakakatuwa lang talaga.
15:04Ito ang GMA Regional TV News.
15:11Patay sa pamumarilang isang dating punong barangay ng barangay Sagneb sa Bantay Ilocosur.
15:17Suspect sa primen ang nakababat ng kapatid niya na kasalukuyang chairman ng barangay.
15:22Ayon sa investigasyon dati ng may alita ng magkapatid dahil sa pamamalakad sa barangay.
15:27Narecover sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril.
15:31Kalaunan sumuko ang sospect na maaharap sa mga karampatang reklamo.
15:35Sinisikap ng GMA Regional TV na makunan ang pahayagang sospect at iba pang kaanak ng biktima.
15:40Sugatan ang isang lalaki matapos matamaan umanoon ng ligaw na bala sa barangay Pahanokoy, Bacolod City.
15:51Ayon sa doon siya, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kaliwang hita at kamay.
15:58Doon na niya nakita ang sugat.
16:01Isinailalim sa paraffin test ang biktima at ang dalawang kasama niya bilang bahagi ng investigasyon.
16:08Sa pavia iluilo naman, nagtamo ng sugat.
16:10Sa kaliwang paa ang isang babae matapos magpaputok ng baril ang kanyang kapitbahay.
16:16Base sa investigasyon, lasing ang kapitbahay ng magpaputok ng baril.
16:20Walang narecover na basyo sa lugar.
16:22Aristado ang sospect na isinuko rin ang baril na walang dokumento.
16:27Mahaharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injury
16:31na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
16:37Walang pahayag ang sospect.
16:41Kaugnay sa kahandaan at mga paalala ng Bureau of Fire Protection para sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon.
16:47Kausapin natin si BFP Public Information Service Chief at Spokesperson, Fire Superintendent Anthony Arroyo.
16:53Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
16:57Yes po, Sir Raffi. Ligtas na umaga po sa ating lahat.
17:02At itong bagong taon at sana po ay ligtas talaga.
17:07Sana nga po.
17:08Para itong masaya.
17:09Kumusta po ang monitoring ninyo ng mga naitatalang sunog at maging iyong kahandaan sa papasok na bagong taon?
17:14Sa kahandaan po na ginawa ng aming tanggapan ay mula po ng Code Blue ay tinaas na namin ito sa Code Red ng December 23.
17:25Yung Code Blue po ay more on prevention na kapag train na tayo doon ng mga community,
17:30ganun rin yung mga OPLAN na ligtas pamayanan natin.
17:34At na-intensified na po yung mga inspection sa mga critical infrastructure tulad ng mga hospital at iba pang healthcare facilities.
17:42Kayon din yung mga tindahan ng mga paputok at iba pang matataong lugar tulad ng mga sakaya ng mga bus at iba pang malls.
17:51At dahil po sa December 23 ay naging full alert status na kami dahil coded na nga at maasahan nyo po ang walang patid na servisyo mula po sa aming tanggapan.
18:03Maasahan nyo ang mahigit 3,000 fire trucks sa 31,000 fire fighters ay maasahan nyo nationwide.
18:12At kami po ay makikita nyo na sa mga pangunahing kalsada, ganun din sa mga matataong lugar at mga designated community fireworks.
18:21Yan po ang ginagawang kahandaan po ng aming tanggapan po.
18:25Ano pong kadalasang sanhin ang mga naitatalang sunog sa mga ganitong panahon?
18:30So for December po, medyo tumaas nga po. Ang bahagyang tumaas, ang insidente ng sunog.
18:37Meron na tayong reported na 1,135 for the month of December.
18:42At sa katunayan, apat dito ay dahil po sa firecracker and other pyrotechnics related.
18:50Apat po ang reported natin po this December. A totaling of 24 na po from January 1 hanggang this date po.
18:58Non-conclusive pa siya, i-compare natin siya last year ay merong 39 total fire incident related sa firecracker and pyrotechnics.
19:06So sana po itong remaining number of days at lalo na yung pagsalubong sa bagong taon ay wala nang madadagdaga na sunog dahil sa mga paputok at iba pang pyrotechnics.
19:18So ang number one cause po ay electrical cause pa rin. Pangalawa yung open flame at pangatlo naman yung embers and sparks.
19:26So nagdadagdag din ng factor talaga for this December kasi alam nyo mas marami ang gumagamit ng electrical appliance.
19:34Nagiging dahilan ng overload at nakababad na doon yung mga sound system and other electrical appliance din tulad ng mga cooking equipment.
19:44At pangalawa yung open flame.
19:46Opo.
19:46Ang maraming nagluluto.
19:47Opo at madalas gumagamit ng extension cord ang mga kababayan natin kapag nagpa-party sa mga kalya.
19:52Yes po. At yung mga extension cord, hindi naman DTI approved. Ang karamihan dyan, marami pa rin tumatangkilik available sa online o sa bakketa.
20:03Ang mumura, kaya talagang marami ang tumatangkilik.
20:08Yun nga, hindi nakadesenyo sa mga demand ng mga kagamitan. Kaya mabilis nagiging dahilan ng overload.
20:17At yung iba din ay kahit yung magandang klase, DTI approved nga, pero ginagamit naman pang outdoor.
20:24Nababasa sa ulan. So, hindi siya nakadesign talaga sa outdoor.
20:29At tatandaan natin, pag extension cord, sir, a pinabanggit nyo, ginagamit yan, panandalian lang talaga.
20:35After paggamit, unplugged po. Hindi po yan permanent o pang matagalan.
20:40Pero alam naman natin, karamihan po gumagamit na extension cord, halos hindi na nga tinatanggal.
20:46So, hindi po pwede sa Philippine Electrical Code, hindi pwede yung exposed na wire.
20:51Kasi madali siyang ma-trade, madali siyang masira, madali siyang maapakan,
20:56at pwede nga mag-cause ka ng short circuit or other electrical causes.
21:02Maganda paalala po yan sa mga gumagamit nitong mga extension cords.
21:06Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
21:08Yes, sir, happy at maganda yung tangahali rin po.
21:12Yan po si Bureau of Fire Protection Spokesperson, Fire Superintendent Anthony Arroyo.
21:19Mga inat na balita, sumagot ang Office of the Ombudsman sa pahayag ni Batangas 1st District Representative Leandro Liviste
21:25tungkol sa hawak-umanon niyang cabral files na may listahan ng insertions sa 2025 budget.
21:31Congressman Leandro Liviste presented only limited portions of the list responsive, in fairness, to specific inquiries.
21:42But he did not present the entire set of files he claimed to possess even when asked to do so.
21:49Yan ay matapos sabihin ni Liviste,
21:52na noong Nobyembre pa niya ipinakita sa Ombudsman at sa Independent Commission for Infrastructure ang cabral files
21:58na may listahan ng mga mga mababatas na pinaglaanan umuno ng pondo para sa DPWH projects.
22:05Ayon kay si San Ombudsman Mico Clavano,
22:07buhay pa si dating Undersecretary Catalina Cabral,
22:10naghingin nila ang kopya ng mga dokumento kay Liviste.
22:13Susubukan ng GMI Integrated News na kunan ang bagong pahayag sa Liviste tungkol sa sinabi ng Ombudsman.
22:20Sabi ni Clavano,
22:22kailangan suri ng budget insertions sa cabral files para matukoy kung may katiwalian.
22:27Dagdag ni Clavano,
22:28hawak din nila ang Central Processing Unit ng Computer ni Cabral sa DPWH
22:32para masuri ang mga dokumentong posibleng gamiting ebidensya sa ginagawa nilang imbistigasyon.
22:38The office is preparing to conduct a digital forensic examination of the CPU of the former USEC.
22:49And this will be done transparently and the office considers this a critical development
22:54as it allows the investigation to proceed on the basis of an original digital piece of evidence.
23:02Sa mga nakakita ng online survey daw ng DSWD na nag-aalok ng bigating rewards,
23:10hindi po yan tupo.
23:12Itinangin ang kagawa ra ng mga kumakalat na online survey na ito.
23:16Pusibli rao na ginagamit yan ng mga scammer para makuha ang mga pribadong impormasyon ninyo.
23:21Huwag daw basta-bastang mag-click ng link na makikita sa mga ganitong klaseng posts
23:25at yakin ang impormasyon ay galing sa official DSWD accounts.
23:29Mga maring muling mapapanood ang taonang countdown ng Kapuso Network sa December 31.
23:43Rehearsal pa lang para sa Kapuso Countdown to 2026 sa rangdam na ang energy.
23:48Dapat daw abangan ang performance ni na River Cruise at Rodgen Cruise na puspusan sa rehearsal.
23:54Ready na rin para sa New Year ang dance moves ng ex-PBB housemates sa sina AZ Martinez, Vince Maristela at Lee Victor.
24:03Mga kapuso sa December 31 na yan sa SM Mall of Asia, Seaside Boulevard sa Pasay.
24:09Libre ang admission at magbubukas ang gates ng 6pm.
24:13Mapapanood din ang Kapuso Countdown to 2026 sa GMA 10.30pm at sa official Kapuso online platforms.
24:20Mapapanood din ang sam.
Be the first to comment