Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lord, please!
00:30Sa gitna ng trahedya ng pagkasawi ng isang batang naputukan sa Maynila, limang person of interest kaugnay sa napulot na paputok ang inibitahan na ng MPD para magpaliwanag.
00:43Patuloy naman ang crackdown sa mga iligal na paputok gaya sa Calabar Zone.
00:47Nang ilan, sinktindi ng bomba ang lakas. May report si Ian Cruz.
00:51Sa pagsabog ng paputok na sinindihan ng dalawang minor de edad noong December 28 sa Tondo, Maynila, isa ang nasawi at kritikal ang kaibigan niya.
01:04Natuntunan ng mga otoridad ang pinagmulan ng dala nilang paputok.
01:08Yan ay ang nahulikam na grupong ito ng mga lalaki. Madaling araw ng December 28, naglakad sila mula Almeda Street.
01:15Palabas sa Yoseco Street, pinahinto pa nila ang ilang motorista.
01:20Dahil ang bitbit na paputok, sinindihan nila sa mismong intersection ng Yoseco at Abad Santos.
01:27Umusok ang paputok pero hindi sumabog.
01:31Binusan ito ng tubig ng lalaking nagsindi.
01:34Makalipas ang labing limang minuto, nagsindi sila ng isa pang paputok pero di rin tumalab.
01:40May sinasabi sila barkada nila yun, nakakula, tagabulakan daw po yun.
01:45Yun daw po yung may dala ng paputok para magtry kung malakas.
01:50Kaso hindi naman siya pumutok.
01:54Matapos ang mahigit labing walang oras, nagpaputok sa parehong lugar ang dalawang bata pero dahil nasita, ay umalis.
02:02Tumawid sila at huminto sa bangketa.
02:04Hindi nagaanong kita sa CCTV pero sabi ng barangay 226,
02:08doon na nila napulot ang paputok na di sumabog noong madaling araw at binitbit nila patungong A. Lorenzo Street.
02:16Limang lalaking persons of interest ang inibitahan na sa MPD para magpaliwanag.
02:22Hindi natin muna i-reveal yung kanilang mga identity.
02:25Ang sa atin dito, magkakaroon tayo ng masusing pag-iimbestiga.
02:29Titignan natin kung meron silang pananagutang kriminal.
02:32Nakakalungkot na kailangan pa may magbuwis bago tayo matuto.
02:36Magbuwis ng buhay bago tayo matuto.
02:40Sana talaga kapulutan ng aral yun, yung nangyari na yun.
02:45At huwag na sana maulit.
02:47Ang malabombang pagsabog sa disgrasya sa tundo.
02:50Arnold!
02:51Singlakas ng mga kumpiskadong iligal na paputok na sinira sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.
03:03Nilublob naman sa malalaking dram ng tubig ang iba habang dinurog at ginulungan ang mga boga.
03:10Maggit 4 milyong pisong halaga ng paputok ang nasamsam sa 300 operasyon ng mga polis sa Calabar Zone.
03:16Sa Carmona Cavite, may naarestong lalaking nagbebenta online ng iligal na paputok.
03:26Nahuli rin sa Calamba, Laguna, ang lalaking nagbebenta ng malalakas na iligal na paputok gaya ng dart bomb
03:33at mga paputok na sobrang laki at lamang pulbura.
03:37Ang ginagawa ng mga ibang manufacturer at seller natin na mga iligal is pinapalaki nila yung sukat nung binibenta nila
03:46at saka tinadagdagan nila ng pulbura.
03:48Kaya nga nagiging delikado ito para dun sa mga tao na bibili dahil yung sabog niya, yung lakas niya is lumalakas.
03:58Sa Barili, Cebu, arestado na rin ang lalaking nagsindi umano ng triangle at itinapon sa mga tindang paputok.
04:06Na nagresulta sa pagkasunog ng siyam na tindahan, inihanda na ang mga reklamo laban sa kanya.
04:13Improvised paputok naman ang sinasabing mitya ng sunog itong weekend sa mahigit limampung bahay sa barangay Commonwealth, Quezon City.
04:21Kahit siyam na taon ang bawal ang paputok sa barangay.
04:25Kaya mayat maya ang paglilibot ng mga tanod at nakasamsam sila ng mga bogang improvised o gawa mismo ng mga bata.
04:34Doon po sa mga magulang na nanonood po ngayon, pakibantayan po yung mga anak po natin.
04:40Ngayong araw, sa datos ng DOH, 140 na ang firework-related injuries sa binabantayan nilang 62 Sentinel Hospital sa buong bansa.
04:5068% na mga naputokan ay edad labinsyam pababa.
04:55Kahit legal ang paputok, dapat ingatan para di matulad sa nangyari sa mag-amang bumili ng paputok sa Santa Barbara, Pangasinan.
05:03Biglang sumindi at sumabog ang paputok nila habang sakay ng motorsiklo ang dala nilang kwitis.
05:10Hinihinalang na dikit sa tambucho o sumayad at nakiski sa simento.
05:16Kaya sa Bukawe, ang mga polis mayatmayang nag-iikot sa mga tindahan ng paputok at namigay ng mga pulyeto sa mga mamimili.
05:25Lalo-lalo na sir yung mga tinagtatanong sila kung safe ba sir kung nasa likod ng sasakyan, nasa labo ng sasakyan.
05:31Ang inaano po namin sir na huwag lang po siyang mababasa, safe na safe po siya.
05:36No smoking, gano'n. Safety muna bago para iwas aksidente.
05:42Basta maayos lang po yung lagay sa sasakyan, maayos yung patas para hindi pakalog-kalog yung...
05:49Basta secure lang, hindi kumakalog yung mga paputok.
05:53Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:58Health check mga kapuso ngayong holidays.
06:01Di lang sa perigro ng mga paputok, pati na rin sa mga handa, lalo yung mga putok-batok.
06:07Marami kising na ospital dahil sa high blood at stroke.
06:10May report to Jonathan Nandar.
06:15Nakikipagtawaran na si Mang Cesar habang hinihintay lumutong ang mga lechon sa tindahang ito sa Laloma, Quezon City.
06:22O 14 milyon eh. O natawaran kung naging gish.
06:27Okay na ko yan?
06:27Okay na, okay na.
06:29Kumpara nung isang taon, mas mahal na ang lechon doon.
06:32Ramdam din na mga lechonero ang matumal na bentahan.
06:36Siguro po nasa mga 30% to 40% na nawala sa tao.
06:42Kasi noong dati, noong last year, ganitong pecha pa lang, halos talagang puno na tao rito eh.
06:49Sa Djaraw, mahal ang baboy ngayon.
06:51Hindi ko naka-apekto yung ASF sa benta niyo?
06:54Hindi naman po. Dahil talagang pre-portage sa Laloma.
06:57So talagang yung kung lang, kakulangan lang ng pera ng mga customer?
07:00Opo, yun na lang talaga. Dahil sobrang taas po ng baboy.
07:04Mayat-maya naman ang pag-iikot ng mga taga-QC veterinary department
07:08para tiyaking sumusunod ang mga lechonero sa panuntunan kontra ASF
07:12gaya ng pagkakatay sa accredited na slaughterhouse.
07:16Dahil mahal ang lechon, nag-advance order na ang ilan para makamura at bukas na lang kukunin.
07:22May free taste pa.
07:23Okay naman, masarap. Kaya ano, dito kami pumunta.
07:28Kahit star ng medya noche ang lechon, abay hinay-hinay.
07:32Ang putok-batok na sarap nito na sinabayan ng taas presyo, literal na nakakataas presyon.
07:39Sakit na isa sa binabantayan ng health department ngayong holiday season.
07:42Maari kasi itong humantong sa stroke.
07:45Bukod sa high blood pressure, ang iba pang dahilan ng stroke ay injury sa ulo,
07:49blood clot o pamamuunang dugo sa utak, baradong ugat o kaya'y pagputok mismo ng ugat.
07:54Paano ba malalaman kung ang kasama mo ay may senyales na ng stroke?
07:58May lagi po ninyong babantayan yung mga may napansin yung nabubulol na kamag-anak
08:05o biglang may parte ng katawan na hindi nagagala o nangihina.
08:10Meron din ibang pasyente na sobrang taas ng blood pressure o biglang nalabuang paningin,
08:15itakbo agad sila sa hospital.
08:17Kasi po, sa loob ng 4 hours dapat na-evaluate sila kaagad kung anong klaseng stroke sila.
08:24Kapag naagapan, pwede pangot natin silang masalba.
08:28Buti si Mang Angelito, itinakbo ng asawa niya sa hospital itong pagtapos ng Pasko.
08:33Bumubuti na ang kalagayan niya.
08:34Na-stroke na rin siya noong 2023.
08:37Medyo okay na po kasi nagagalaw niya na to at saka to.
08:41Kasi na nagpunta kami dito as nindi niya nagagalaw siya.
08:44Isa si Mang Angelito sa 35 stroke patients sa Tondo Medical Center mula pa December 21.
08:51Katumbas ng tatlong stroke patients kada araw ngayong holiday season.
08:54Mas mataas kaysa mga nagdaang buwan ayon sa ospital.
08:57Ang malungkot, tatlo ang namatay.
08:59May stroke po na sa ER pa lang po namatay na.
09:04Ang nakikita namin dahilan dito, sir, is una-una yung compliance sa gamot.
09:08Imbis na ipambili pa ng gamot, pinambibili pa ng mga panghanda.
09:12O nakakalimutan na uminom ng gamot.
09:15Nauunahin yung pagkain ng mga bawal.
09:19Sabihin, minsan lang naman.
09:22Kung alam niyo po na kayo ay atris na may stroke at lalo na may mga high blood, diabetes,
09:27o mataas ang kolesterol, iwasan po lahat ng mga bawal.
09:30Sa datos ng DOH mula December 21, 165 na ang naso stroke.
09:3470 ang inatake sa puso, 27 ang sinumpong ng hika o asma.
09:40Si Emma Deline Sevilla, hinika kamakailan.
09:43Nagsikip yung dibdib ko na hirapan akong huminga.
09:46At ang pangamba niya, baka matrigger ito ng mga pulbura at usok sa pagpapalit ng taon.
09:51Nagpikulong na lang ako ng kwarto, hindi lumalabas.
09:55Lahat yan, apektado sa dami ng usok pagdating ng fireworks display.
10:00So very important yung pinapatupad ng mga PNP sa LGUs, yung community fireworks display.
10:08So that is safer kasi malayo.
10:10Ang recommendation ko, if you have respiratory illness, sa loob kayo ng bahay, isara mga bintana.
10:16Kung lalabas ka, mag-mask kayo.
10:18Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:21Magkahiwalay ng pagkalunod sa Antiqui at Negros Occidental at pagkahulog ng SUV sa Mountain Province.
10:29Ang mga disgrasya sa probinsya sa report ni John Consulta.
10:35Wasak ang SUV na ito.
10:37Matapos mahulog sa 20 talampakang lalim na bangin sa Bontoc Mountain Province.
10:42Nasawi ang mabaing driver na edad 53.
10:45Sugatan ang lima pang pasahero.
10:47Iniimbisigahan ang sanhinang disgrasya.
10:49Malungkot na magbabagong taon ang pamilyang ito.
10:56Nalunod kasi ang kaanak nilang kininalang si Roniel, 20 taong gulang,
11:00sa ilog sa Talisay City, Negros Occidental.
11:03Ayon sa polis siya, kasama ng naligo ng biktima ang tatlong kaibigan.
11:07Nang madulas siya sa bato, kaya napunta sa malalim na bahagi ng ilog.
11:19Nang kalungang, nagpalakpalak, saka nagpanik siya.
11:22Sinubukan pa rong i-revive ang biktima, ngunit wala nang buhay.
11:27Sa isang resort sa Pandan Antike, nalunod din ang isang nalaking edad 23.
11:32Pinagtulungan siyang maiahon at tinangkang i-revive.
11:35Dead on arrival na siya sa ospital.
11:38Hindi pa malinaw kung paano siya nalunod.
11:40John Konsulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:46Isa na namang masipag sa pag-iipo ng nakainan ng mga pera dahil sa mga anay.
11:52Pero sabi mismo ng BSP, mapapalitan pa ang mga yan kung pasok sa tatlong batayan.
11:57Alamin sa Tip Talk ni Mark Salazar.
12:03Ang ipong minanifest ng isang taon ni Sirilo Bitang,
12:07ang nakinabang mga anay. Aray!
12:10Kwento ni Sirilo, maayos pa naman ang tig 500 pesos na impok niya
12:14nung i-check niya noong November.
12:17Sa pinaglagyang wooden tip box na nakatago sa locker.
12:20Pero nang tingnan ulit noong December 19,
12:23tumambad ang mga pira-pirasong perang papel.
12:27Anayang may anay pala ang divisyon ng kanyang kwarto na hindi naagapan.
12:31Sa ipon niyang 25,000 pesos,
12:33isang pirasong 500 peso polymer bill lang ang natira.
12:37Hindi na bago yung mga ganitong kaso.
12:40Mga perang pinaghirapan ipunin, pero sa tagal ng pagkakatago,
12:44may ibang nanginain.
12:46Ang tawag dito ng Banko Sentral,
12:48Mutilated Bank Notes.
12:50Ang mga mutilated bank notes ay ang mga klase ng pera na sira-sira,
12:55katulad ng nasunog,
12:57inanay,
12:58o nginatngat ng aso.
13:00May pag-asa pa naman daw na mapalitan ng mga yan,
13:02basta dapat dalhin agad sa mga authorized bank.
13:06Doon sa masusuri ng BSP kung pasok ang mga nasirang pera
13:10sa tatlong requirement na S.
13:13Size, Signature, at Security Thread.
13:16Ang size ay kailangang may natirang 60% o 60% ng nasirang pera.
13:24Pangalawa, Signature.
13:26Ang Signature ay kailangang may natirang alinmang porsyon
13:32o parte ng signature ng BSP Governor
13:35o ng President ng Pilipinas.
13:38At pangatlo ay ang Security Thread
13:41na kailangang nakikita sa sirang pera.
13:44Kung pasado naman ay mapapalitan ng bago ang perang nasira.
13:48Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:52Bukas pa ang bispras ng 2026
13:56pero maaga nang sumalubong ang Marikina
13:58sa kanilang libreng year-end concert at fireworks display.
14:03May live report si EJ Gomez.
14:05EJ?
14:10Atom, ilang oras ginanap ang year-end concert dito sa Marikina City
14:15at napuno ng mga tao itong Marikina Sports Center.
14:19Bukod kasi sa libre ang concert dito sa lungsod,
14:22may mga personalidad na inabangan na nag-perform sa entablado.
14:26Meron ding engranding fireworks display na hinintay ng lahat.
14:33Highlight ng year-end concert na libre o free for all dito sa Marikina City
14:39ang engranding fireworks display ngayong gabi.
14:42Nagliwanag at napuno ng samutsaring kulay ang kalangitan.
14:46Ang programa naman puno ng tugtugan, kantahan at good vibes.
14:52Ang Marikina Sports Center na puno ng mga bisita.
14:55May mga nandito kasama ang kanila mga pamilya.
14:58May mga magbabarkada at magkakasintahan.
15:02Bukod sa mga taga Marikina, may dumayo pa galing sa ibang lungsod at bayan.
15:08First na apo namin yan, ang gusto namin maging masayang bata,
15:12maranasan niya yung ganitong event sa Marikina.
15:14Kaya kahit taga-kainta kami, pumunta kami nito para lang sa apo namin.
15:17Parang naging tradisyon na rin po na every year nagpupunta po kami dito sa Marikina.
15:22Bukod po dun sa kung sino po yung star-up ng magpe-perform,
15:27yun po yung fireworks and yung essence po ng family po.
15:30Banding.
15:30Opo, yung banding po.
15:32I'm proud Marikenyo.
15:35Yes, syempre, tinahabangan natin dito yung fireworks display,
15:40pati yung buksahan 2025.
15:44Syempre, sa Marikina iba ang saya.
15:46At talaga namang level up sa Marikina.
15:50Kaya tara na sa Marikina, makisaya ka na.
15:57Tutal, maaga na nilang sinalubong ang 2026.
16:02Inusisa na namin ang New Year's resolution ng ilan.
16:06Mga bagay na gusto nilang i-let go sa 2025 at di na dadalhin sa 2026.
16:13Ayan po, yung mga bad habits ko po.
16:17Tsaka gusto ko na rin i-let go yung mga bad choices.
16:20Tsaka New Year's resolution po, yung more investment sa health.
16:24Magbabawas ako ng bisyo kasi kailangan na rin sa edad natin.
16:31Dahil tumatanda, bawas-bawas na po tayo.
16:34At tulad ng mga pag-iinom ng alak, sigurin nyo.
16:38Ayaw ko nang gawin ulit yung pabayaan yung pamilya ko.
16:42Lagi ko silang kasama na lang.
16:45Every time na mga may rest day, kapag ka magkatapos ang trabaho,
16:50So, diretso ng pamilya ko. Hindi na po kung saan sa pangkukunta ko.
16:55Happy New Year!
17:03Atom, nako, dito sa kinatatayuan ko mismo, kanina ay siksikan dito.
17:08Talagang mainit at makikita mo lang mga taong talagang tutok doon sa entablado.
17:14Tsaka doon sa ginanap nga na fireworks display.
17:16Agad namang umalis yung mga tao dahil mga nagutom, tsumibog at pumunta doon sa paligid nitong sports center
17:22kung saan merong hile-hilera ng mga late night food tray para yan sa kanilang ganap, no?
17:28Eksena after nga nitong libreng year-end concert.
17:32Happy New Year, Atom! Balik sa'yo!
17:35Happy New Year at maraming salamat, EJ Gomer.
17:37Happy New Year at maraming salamat, EJ Gomer.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended