-Babae, patay matapos mahulog sa bangin ang minamanehong SUV; 5 iba pang sakay, sugatan
-Mahigit 200 bata, binigyan ng libreng torotot at laruan/7 biktima ng paputok, naitala sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center
-Ligaw na bala, tumama sa isang bahay
-Presyo ng ilang bilog na prutas sa Bankerohan Public Market, tumaas na
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang babae ng maaksidente sa Bontoc Mountain Province.
00:14Chris, paano nangyari yung aksidente?
00:18Rafi, nahulog sa bangin ang minamanehong SUV ng isang 53-anyos na biktima.
00:24Ayon sa mga otoridad, nasa 20 talampakan ang lalim ng bangin sa bahagi ng Bontoc Mainit Provincial Road.
00:31Inaalam pa ng otoridad ang sanhin ng insidente.
00:34Limang iba pang sakay ng SUV ang sugatan na agad dinila sa ospital.
00:38Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
00:42May kanya-kanyang paraan at paandar ang ilang lugar para hikayatin ang ating mga kababayan na salubungin ng ligtas ang bagong taon.
00:51Sa parangay-poblasyon sa Rosario Cavite, namigay ng mga libreng turotot at naruan ang mga opisya ng sangguniang kabataan.
00:59Mahigit dalawang daang bata ang nabigyan.
01:01Umaasa ang mga SK official na maiwasan sa lugar ang iba't ibang panganib na posibleng maidulot ng mga paputok tulad ng sunog at pagkasugat ng katawan.
01:12Sa Kabanatua Nueva Ecija naman, handang-handa na ang mga pasilidad at gamit ng Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center
01:19para sa posibleng pagdagsa ng mga biktima ng paputok.
01:23Handa na rin ang mga doktor at medical team.
01:26Sa ngayon, pitong biktima na ang isinugod doon ngayong salubong 2026.
01:31Lima sa kanila, edad siyam hanggang labing apat na taon.
01:35Ito ang GMA Regional TV News.
01:42Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:46Tinamaan ng ligaw na bala ang isang bahay sa Lapu-Lapu, Cebu.
01:51Sara, may nasaktan ba?
01:52Rafi, sa kabutihang palad, walang tao noon sa kwarto kung saan bumagsak ang ligaw na bala.
02:01Kwento ng padre de familia, ginising siya ng kanyang misis nang makita ang bala gabi noong araw ng Pasko.
02:07Wala raw silang narinig na nagpaputok ng baril noon.
02:11Inireport na nila ito sa pulisya.
02:13Nang suriin, isang 9mm na bala ang tumama sa bubong at nahulog sa sayig ng bahay ng mag-asawa.
02:19Nag-iimbestiga na ang mga otoridad para matukoy kung saan posibleng nanggaling ang bala.
02:26Sa mga bibili pa lang ng prutas pang medya noche,
02:30tumaas na ang presyo ng ilang bilog na prutas sa Bankeruhan Public Market dito sa Davao City.
02:36Mabibili sa 20 pesos hanggang 35 pesos ang kada piraso ng mansanas doon.
02:4210 piso naman kada piraso ang ponkan.
02:45Ang kada pack ng kiyat-kyat, mabibili sa halagang 80 pesos.
02:48Mabibili naman ng 40 pesos ang kada kilo ng melon, habang 60 pesos ang Chinese melon.
02:55Tig 100 pesos ang kada kilo ng mangustin, rambutan, pati pomelo.
02:59150 pesos naman ang kada kilo ng bayabas.
03:03200 pesos ang snake fruit o kalapi.
03:05May ubas na 200 pesos hanggang 250 pesos.
03:09250 pesos din ang kada kilo ng avokado, habang 300 pesos ang lansones na longkong variety.
Be the first to comment