Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Itinaas ng FIVOX ang babala sa Bulkang Mayon sa Alert Level 2.
00:05Isa sa mga dahilan nito ang pagdami ng mga rockfall event o pagkahulog ng mga bato mula sa bulkan.
00:12Indikasyon kaya yan ng nagbabadyang pagputok ng bulkan?
00:16Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21Namumuti sa usok ang dalisdis ng Bulkang Mayon.
00:24Nang mag-zoom in ang kamera, makikitang naglalaglaga ng mga bato sa slope nito.
00:30Kapansin-pansin din ang usok mula sa crater.
00:34Kaya naman efektibo ngayong araw ipinag-utos ng Albay Provincial Government na limitado muna ang ATV rides sa Cagsawa Ruins.
00:43Pansamantala rin ipinagbawal ang pag-akyat sa skyline sa Tabaco City at ang planting activity sa paligid ng Mayon.
00:50No activities. All types of activities like yung ATV rides, yung tourist natin, attraction natin,
00:59and of course yung planting medyo get away from the area.
01:03Mula alert level 1, itinaas na ang alert level 2 sa Mayon volcano ngayong araw.
01:08Ayon sa DOST-PhiVox, ang alert level 2 ay nangangahulugang may increasing o moderate level of unrest ang bulkan.
01:16Nangangahulugan ito na mayroong kasalukuyang unrest dulot ng shallow magmatic processes na maring magdulot ng mapanganib na magmatic eruption.
01:25Pero sa ngayon wala pa po tayong eruption, but the probability po nito is higher compared to say when the volcano is on alert level 1.
01:35Pinapayuan ang publiko na maging mapagmatyag at iwasang pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone
01:42para hindi malagay sa panganib nang bigla ang pagsabog, rockfall at iba pa.
01:48Isa raw kasi sa palatandaang tinitignan ng PhiVox ay ang pagkahulog ng mga bato mula sa bulkan.
01:53Kasi yung 2023 eruption natin, nagkaroon po tayo ng rockfall events prior to its effusive activity.
02:01Almost the same yung nakikita natin ngayon.
02:03Ang ibig po kasi sabihin nito, may magma na umaakyat and nadidisludge niya yung mga bato na nasa tuktok ng bulkan.
02:10Kaya nagkakaroon tayo ng rockfall events.
02:12Patuloy daw nilang binabantayan kung puputok ang bulkan, kung maglalabas lang ba ito ng lava
02:17o kaya'y huhupa na lang ang aktividad nito kalauna.
02:21Sa ngayon, paalala ng PhiVox.
02:24Lagi naman po pinapaalala ng PhiVox na yung pag-iwas sa pagpasok sa loob ng 6km permanent danger zone
02:31dahil doon po nakapaloob yung lahat ng iba't ibang uri na volcanic hazards.
02:37Maaaring magkaroon doon ng PDC or pyroclastic density current, mga lahar flow or ashfall.
02:44Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
02:51Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
02:53You
Be the first to comment
Add your comment

Recommended