24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Matapos ang masayang pagsalubong sa bagong taon,
00:03mapangalib naman sa kalusugan ang naitalang kalidad ng hangin
00:08sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa usok
00:11na dala ng mga sinindihang paputok at pailaw.
00:14Nakatutok si Darlene Kai.
00:18Kung nagliwanag at naging makulay ang langit sa pagsalubong ng bagong taon,
00:24ganito na kinaumagahan.
00:26Balot ng smog o pinaghalong usok at hamog ang iba't ibang lugar sa Metro Manila.
00:31Sa Quezon City, halos matak pa na ng smog ang ilang gusali.
00:35Malabo ang paligid, tulad sa kuha ng isang motorisa sa Commonwealth Avenue kaninang alas 9 ng umaga.
00:41Batay sa monitoring ng Environmental Management Bureau ng DNR sa Kalidad ng Hangin sa Metro Manila,
00:47as of 4pm, umabot sa emergency level ang air quality sa North Caloocan at Makati.
00:53Acutely unhealthy naman sa tagig.
00:55Batay yan sa PM2.5 o Particulate Matter 2.5.
00:59Ito yung mas pinong piraso ng dumi o pollutant sa hangin.
01:03Batay sa guidelines ng DNR, kapag umabot na sa emergency level ang PM2.5,
01:08dapat manatili ang mga tao sa loob ng bahay at dapat gamitin lang ang mga sasakyan kapag may emergency.
01:14PM10 naman yung coarse dust.
01:16Unhealthy for sensitive groups ang PM10 level sa Marikina.
01:20Halos pareho ang dato sa nakuha ng Swiss research firm na IQ Air.
01:23Umabot sa mapanganib na level ang hangin sa ilang lugar sa Metro Manila tulad sa tagig kaninang alas 7 ng umaga.
01:31Very unhealthy o lubhang nakasasama sa kalusugan ang hangin kanina sa Pasay City.
01:36Bukod sa Metro Manila, naobserbahan din ang pag-asa sa kanilang field stations ang smog sa Central Luzon.
01:41Pero posible raw yung mawala bagong matapos ang araw, lalo kung umambon o umulan.
01:47So maraming po tayong emission po ng mga particulate matters na galing po sa mga paputok and also yung mga usok.
01:54Ito po yung nagkakos bakit medyo nagkakaroon po ng reduction sa visibility sa ilang bahagi po ng ating bansa.
02:00Maaari po sila maka-experience sa mga light rains na possible po na mag-wash out doon sa mga areas po na medyo mataas yung concentration ng air pollutants.
02:08Paalala ng Department of Health, seryosong banta sa kalusugan ng maaaring idulot ng paglanghap ng particles sa hangin o alikabok.
02:17Pag ito kasi pumasok sa ating baga, pwedeng pumunta yan doon sa kalalim-laliman noong ating baga at manatili doon.
02:25At pag nangyari doon, nagkakaroon ng irritation.
02:27May mga pag-aaral pa nga na nagsasabi na maaaring tumawid ito papunta sa ating dugo.
02:33And later on, magkaroon ng problema sa ating circulatory system.
02:37Kung nasa loob ng bahay, isara muna ang mga bintana at pinto.
02:41Mainam din daw maglagay ng basang tela sa mga siwang.
02:44Kung lalabas, maiging magsuot ng face mask.
02:47Ideally, gumamit tayo ng N95 mask.
02:50Kung wala naman, kahit pong anong medical mask or mga tela na basa, pwedeng itakip natin.
02:56Sa ating pong mga kapuso na meron na mga kondisyon sa baga,
02:59lalo na yung mga hikain o kaya yung mga may COPD,
03:03meron tayong mga tinatawag na rescue inhaler.
03:05Pero mas mainam raw na iwasang lumabas habang hindi pa gumaganda ang kalidad ng hangin,
03:10lalo ang mga senior citizen, malilit na bata o mga may sakit.
03:14Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment