Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Metapos ang kaliwatka ng selebrasyon,
00:03nabalot ng smog ang ilang bahagi ng Metro Manila,
00:06sandamakmak na basura rin ang iniwan ng mga selebrasyon.
00:10Saksi si Darlene Kai.
00:15Kung nagliwanag at naging makulay ang langit sa pagsalubong ng bagong taon,
00:20ganito na kinaumagahan.
00:22Balot ng smog o finaghalong usok at hamog ang iba't ibang lugar sa Metro Manila.
00:26Sa Quezon City, halos matakpa na ng smog ang ilang gusali. Malabo ang paligid, tulad sa kuha ng isang motorisa sa Commonwealth Avenue kaninang alas 9 ng umaga.
00:37Batay sa monitoring ng Environmental Management Bureau ng DNR sa Kalidad ng Hangin sa Metro Manila, as of 4pm, umabot sa emergency level ang air quality sa North Caloocan at Makati.
00:49Acutely unhealthy naman sa tagig. Batay yan sa PM 2.5 o Particulate Matter 2.5.
00:55Ito yung mas pinong piraso ng dumi o pulyutan sa hangin.
00:59Batay sa guidelines ng DNR, kapag umabot na sa emergency level ang PM 2.5, dapat manatili ang mga tao sa loob ng bahay at dapat gamitin lang ang mga sasakyan kapag may emergency.
01:10PM 10 naman yung coarse dust. Unhealthy for sensitive groups ang PM 10 level sa Marikina.
01:16Halos pareho ang dato sa nakuha ng Swiss research firm na IQ Air.
01:19Umabot sa mapanganib na level ang hangin sa ilang lugar sa Metro Manila tulad sa tagig kaninang alas 7 ng umaga.
01:27Very unhealthy o lubhang nakasasama sa kalusugan ang hangin kanina sa Pasay City.
01:32Bukod sa Metro Manila, naobserbahan din ang pag-asa sa kanilang field stations ang smog sa Central Luzon.
01:37Pero posible raw yung mawala bago matapos ang araw, lalo kung umambon o umulan.
01:43So maraming po tayong emision po ng mga particulate matters na galing po sa mga paputok and also yung mga paputok.
01:50Ito po yung nagpukos bakit medyo nagkakaroon po ng reduction sa visibility sa ilang bahagi po ng ating bansa.
01:56Maaari po sila maka-experience ng mga light rains na possible po na mag-wash out doon sa mga areas po na medyo mataas yung concentration ng air pollutants.
02:05Paalala ng Department of Health, seryosong banta sa kalusugan ng maaaring idulot ng paglanghap ng particles sa hangin o alikabok.
02:13Pag ito kasi pumasok sa ating baga, pwedeng pumunta yan doon sa kalalim-laliman noong ating baga at manatili doon.
02:21At pag nangyari doon, nagkakaroon ng irritation.
02:23May mga pag-aaral pa nga na nagsasabi na maaaring tumawid ito papunta sa ating dugo.
02:29And later on, magkaroon ng problema sa ating circulatory system.
02:33Kung nasa loob ng bahay, isara muna ang mga bintana at pinto.
02:37Mainam din daw maglagay ng basang tela sa mga siwang.
02:40Kung lalabas, maiging magsuot ng face mask.
02:43Ideally, gumamit tayo ng N95 mask.
02:46Kung wala naman, kahit pong anong medical mask or mga tela na basa, pwedeng itakip natin.
02:52Isa pang banta sa kalusugan ang sandamakmak na basura na mula sa mga paputok.
02:57Tulad sa kanto ng Central at Visayas Avenue sa Quezon City na pinagtulungan ng mga tagahakot sa dami.
03:04Sa Summer Street, maraming nagkalat na pabalat at papel ng paputok.
03:08Sa bahagi ng Maynila, madaling araw pa nagsimulang maglinis ang mga street sweeper.
03:13Pati mga residente at tauhan ng barangay, tumulong din sa paglilinis.
03:17May mga nahakot din na basura sa tondo.
03:19Bayanihan din ang diskarte sa Samson Road sa Kaluokan para mas madaling makolekta ang mga basura.
03:24Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended