President Marcos is set to undertake a working visit to the United Arab Emirates (UAE) next week where he is expected to sign a free trade agreement and defense deal. (Video courtesy of RTVM)
00:00Nakatakdang umalis patungong United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na lunes, ikalabindalawa ng Enero.
00:11Ang working visit ni Pangulong Marcos Jr. ay para sa Abu Dhabi Sustainability Week kung saan tatalakayin ang mga hakbang upang isulong ang global sustainability.
00:22Ito'y buhat sa paanyaya ng kagalanggalang na Sheikh Mohammed bin Syed Al-Nayan ng United Arab Emirates.
00:33Makakasama ng Pangulo ang iba pang heads of state and government ng ibang-ibat-ibang bansa sa pagtalakay ng mga isyo patungkol sa enerhiya, tubig, usaping pinansyal, pagkain at kalikasan.
00:49Maliban dito, nakatakdaring daluhan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglagda sa dalawang mahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.
01:01Una ay ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o SEPA at ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation.
01:12Ang SEPA ang kauna-unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa mula sa Middle East na naglalayong palawakin ang market access ng ating bayan sa gitnang silangan.
01:26Samantala, ang Defense Cooperation Memorandum naman ay siyang magsisilbing matatag na pundasyong pakikipagtulungan sa UAE para paunlarin ang defense technologies ng ating bansa.
01:40Buo ang paniniwala ni Pangulong Marcos Jr. na magiging makabuluhan at kapakipakinabang para sa sambayan ng Pilipino ang kanyang papalapit na pagbisita sa Abu Dhabi.
Be the first to comment