Alagaan ka
[Take care of you]
Kaya’t nais kong alagaan ka sa lahat ng panahon.
Alalayan ka sa bawat araw;
Get Mga Liham ni Ibarra’s stories in your inbox
Join Medium for free to get updates from this writer.
Isilong ka sa payong ng puso kong hitik sa tibok ng pagmamahal;
Isaisip ka sa diwa kong sagana sa kulay;
Ilagak ka sa kubli ng aking aruga;
Maulap man o maulan,
Matingkad man ang araw o nagbabadya man ang dilim,
Ang lahat ng ito sa iyo ay gagawin.










