00:00Mas pinalawak pa ng PhilHealth ang beneficyo para sa mga miyembro nito.
00:04Base sa direktiba po yan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07na tutukan ang paghatid ng dekalidad na servisyong medikal sa mga Pilipino.
00:12Inangulat ni Bian Manalo.
00:15Lahat po tayo ay miyembro ng PhilHealth.
00:19Pinataas at pinaganda na rin natin ang mga beneficyo.
00:22Lalo na para sa mga karamdaman na laganap dito sa ating bansa.
00:26Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
00:34Base na rin sa mandato ng kanyang administrasyon na tutukan ang paghatid ng dekalidad na servisyong medikal sa lahat ng Pilipino.
00:42Dahil dyan, pinalawig pa ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang kanilang mga beneficyo.
00:48Bukod sa pagpapalakas ng primary care na konsulta, sakop na rin nila ang Outpatient Emergency Care Benefit Package.
00:55Tinaasan ang benefit package para sa acute myocardial infarction o sakit sa puso.
01:01Mula sa dating P30,000 sa gamutan, itinaas ito sa P130,000.
01:07Para naman sa angioplasty, pinalawak pa ito sa P530,000 mula sa P30,000.
01:15Nariyan din ang cardiac rehabilitation na nasa P66,000.
01:19Isinama na rin sa benefit package ang ibang-ibang uri ng cancer gaya ng liver, lung, prostate, cervical, ovarian at colorectal cancer na ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino.
01:34Bukod dyan, palalakasin pa ang kanilang programang yakapa o yaman sa kalusugan programa.
01:40Dito po sa ating yakap na ito, meron tayong mga serbisyo.
01:45Una, libreng konsultasyon at saka check-up.
01:49Pangalawa, meron po itong kasama na labing tatlong laboratorio na libreng makukuha rin.
01:56Kasama po dyan yung mga eksaminasyon sa dugo, x-ray, ECG, kati po yung mga eksaminasyon sa taba ng dugo, creatinine, sa ihe.
02:06At kung kinakailangan, meron pong libreng 21 drugs na ibinibigay para sa ating lahat ng niyembro.
02:15Samantala, itinaas pa sa 2.1 million pesos ang kidney transplant benefit mula sa dating 600,000 pesos.
02:24Bukod sa living donor, sakop na rin ngayon ang PhilHealth ang tinatawag na deceased organ donor na umaabot sa 800,000 pesos hanggang mahigit 1 milyong piso.
02:34Mula naman sa 90 sessions para sa hemodialysis, magiging 156 sessions na ito kada taon.
02:41Ang dating 260,000 pesos, ngayon ay nasa 1.2 million pesos ang benepisyo para sa peritoneal dialysis.
02:49Malaking tulong po talaga sir, kaya nagpapasalamat po sa PhilHealth na may karoon na ako ng gantong PhilHealth.
02:58Isinama na rin ng PhilHealth sa kanilang benefit package ang 10 rare diseases, kabilang na ang Invoin Errors of Metabolizema.
03:05Samantala, bagamat zero subsidy ngayong 2025, tiniyak naman ng PhilHealth na may sapat pa rin silang pondo para ipagpatuloy ang kanilang mga servisyo.
03:16Alinsunod na rin sa umiiral na Universal Healthcare Law.
03:20BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.