Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Binatikos ng isang kardinal ang pagkulong sa mga nagkakara-cruz, gayong promotor daw mismo ang gobyerno ng sugal.
00:07Sinabi yan ng kardinal matapos mamatay sa leptospirosis, isang-isang lalaki matapos lumusong sa baha para hanapin ang ama na ikinulong pala noon dahil sa kara-cruz.
00:16Balitang hati ni Jonathan Andal.
00:17Pumukaw sa atensyon ni Kaloocan Bishop Pablo Vergilio Cardinal David ang sinapit ng pamilya ng 20-anyos na estudyanteng si Dion Angelo O'Gelo na namatay sa leptospirosis.
00:33Lumusong siya sa gabaywang na baha para hanapin ang amang bigla na lang daw nawala noon.
00:38Pero naaresto pala ang ama dahil umano sa pagkakara-cruz.
00:41Ayon sa kanyang pamilya, biktima ang ama ni Gelo ng tinatawag daw na pansakto ng mga polis.
00:46Kinagulat ako, bakit ka nakaditing? Tapos tinago ka pa ng tatlong araw na hindi ka man lang pinakontak sa pamilya mo.
00:55Hindi po kami gumagawa ng mga ganong insidente yung sinasabi nilang pangsakto o kukuha na lang kami nung sino-sino mang tao dyan para gawin namin for accomplishment.
01:10Pansamantalang nakalaya ang ama ni Gelo pero maaharap pa rin siya sa kaso ng iligal na sugal.
01:15Ang Presidential Decree 1602 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:20ang batas na nagtakda ng mas mabigat na parusa sa illegal gambling kabilang ang Cara Cruz.
01:26Ginawaraw ito noon para labanan ang salot ng lipuna na umuubos daw sa pera ng mamamayan.
01:31Sa kanyang post sa social media, ipinunto ni Cardinal David na mahihirap lang ang biktima ng batas na ito.
01:37Katulad din daw ng oplantokhang ng nakaraang administrasyon kung saan ginawaraw kota ang mga drug suspect para mapromote sa serbisyo.
01:44Sabi ni Cardinal David, ilang dekada na ang lumipas pero walang naaresto ni isa sa mga malalaking gambling lord.
01:51Isaan niyang matinding kabalitunaan na habang kinakasuhan ang mga mahihirap na nagsusugal ng Cara Cruz,
01:58wala naman daw tayong magawa sa gobyerno na promotor raw mismo ng sugal gaya ng online gambling sa pamamagitan ng pagkor.
02:05Hiningan namin ng tugon dito ang pagkor pero wala pa silang sagot.
02:08Hinihingan din namin ng tugon dito ang PNP pati ang Malacanang.
02:11Nito lang Pebrero, pinawalang sala ng Korte Suprema ang dalawang nalaking akusado rin ng pagkakara Cruz.
02:17Dapat lang daw ito, sabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvick Lione.
02:21Dahil bukod daw sa hindi sapat ang ebidensya laban sa dalawa,
02:25nakapagtataka raw kung bakit pinarurusahan pa rin ang mga nagkakara Cruz,
02:29gayong pinapayagan naman ang pagsusugal sa mga kasino.
02:32Ang ganitong sistema, target lang daw ang mga mahihirap na hindi kayang maglaro sa mga lisensyadong establishmento.
02:39Napansin din ni Justice Lione ang pattern sa ilang kaso ng mga pag-aresto dahil sa Karacruz,
02:44na ang kadalasang kasunod daw ay tila lehitimong warrantless search kung saan nakukuhanan ng iligal na droga ang mga naaaresto.
02:52Hiningan namin ng datos ang PNP kung ilan na ang mga nahuli nila sa Karacruz pero wala pa silang tugon.
02:57Nakaburol ngayon si Jello at ang gusto muna ng kanyang pamilya, magkaroon siya ng maayos na libing.
03:02Panawagan ni Cardinal David, ipagdasal ang pamilya ni Jello at maging ang ating mga sarili
03:06para matigil na aniya ang pagtaas ng pagbaha ng kawalang katarungan.
03:11Para wala na raw kabataan, katulad ni Jello,
03:14ang mapagkaitan ng kinabukasan dahil sa kabalintunaan ng sistemang nagpaparusa sa mahihirap at pumuprotekta sa mga makapangyarihan.
03:23Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment