Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong video]


EXCLUSIVE: Naospital ang isang estudyante sa Muntinlupa na sinaktan ng mga kaklase sa loob ng kanilang silid-aralan. Ang ulo ng biktima ay tumama sa sahig. Ang pananakit, hindi raw unang beses na nangyari.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Anaospital ang isang estudyante sa Montinlupa na sinaktan ng mga kaklase sa loob ng kanilang silid aralan.
00:08Ang ulo ng biktima ay tumama sa sahig.
00:11Ang pananakit, hindi raw unang beses na nangyari.
00:15Nakatutok si J.P. Coriano.
00:17Exclusive!
00:21Sa loob ng isang classroom sa isang pampublikong paaralan sa Montinlupa,
00:26Makikita ang isang babaeng estudyante na sa lapag habang hinihila ang kanyang buho ng kapwa-estudyante.
00:34Nakapalibot sa kanila ang ilan pang mag-aaral.
00:37Ang video ay binahagi sa GMA Integrated News ng nanay ng sinasaktang 15-anyos na bata.
00:43Sabi niya nasa ospital pa rin ang kanyang anak mula nang mangyari ito noong lunes.
00:47Nakaranas daw kasi ang anak ng pagkahilo at pagsusuka na pinagihinala ang resulta ng pagtama ng kanyang ulo sa sahig.
00:55Malakas po yung ulo yung unang tumama sa sahig.
00:58And then after na po noon, doon na po nag-start na may nakapag-video.
01:01Doon po nag-umpisa yung video na nandun na siya sa sahig kaya hindi siya makabangon.
01:06Kasi sa lakas daw po nung bagsak ng ulo niya, hilong-hilo daw po siya, hindi niya alam kung paano siya tatayo.
01:12So yun na, doon na po natin makikita sa video na yung mga classmates siya yung hinahawakan.
01:19And itong si offender, patuloy pang nananak, naisahan pa siya dito.
01:23Kwento raw sa kanya ng anak, bago ang pananakit, binantaan na umano siya ng kaklase.
01:28Nakatayo lang daw siya, lumapit itong si offender, and then bigla na lang siyang sinuntok dito banda.
01:35Ngayon, yung instinct niya pagkasuntok sa kanya, since medyo malapit, binalikan niya lang suntok.
01:42Noong unang beses na nagsumbong ang anak na may umaway at nanakit na kaklase, inakala raw niyang normal na away lang na mga bata, at handa na raw sana itong palagpasin hanggang sa nakarating sa kanya ang video.
01:55Ayon sa prinsipal ng paaralan kung saan nangyari ang pananakit at sa DepEd Muntin Lupa, agad din nila sa klinik ang estudyante.
02:03Agad din daw nilang inaksyonan ang insidente.
02:07Habang nagpapatuloy ang investigasyon, ginagawa raw nila ang lahat para matiyak ang kapakanan ng lahat ng estudyanteng sangkot.
02:14Prioridad daw nila ang siguridad at proteksyon ng mga mag-aaral.
02:18Bulieng giit ng DepEd at ang pamunuan ng paaralan na walang puwang kailanman ang anumang uri ng pananakit sa mga paaralan sa bansa.
02:26Sabay giit na nagpapatuloy pa rin ang zero tolerance sa bulieng.
02:29At dahil sa insidente, dumaraan ngayon sa psychosocial intervention ang mga batang sangkot sa insidente ito.
02:36Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended