Skip to playerSkip to main content
Aired (August 10, 2025): ISANG MAKIPOT NA DAAN SA ISANG KUWEBA SA DARAM, SAMAR, SINASABING TAGONG LAGUSAN PAPUNTA RAW SA KABILANG ISLA?!


Sa Brgy. Mayabay sa Daram Island, may isang kuweba na lagusan daw patungong Kandiwata— ang mga rock formation na maihahalintulad daw sa Coron at El Nido!


Para patunayan ‘yan, ang grupo ng cave explorer mula Calbayog, lakas-loob na sinuyod ang kuweba.


Mapapatunayan na kaya ang kuwento-kuwento na sa Cave Capital ng Pilipinas, may lagusang nagdurugtong sa dalawang isla na pinaghihiwalay ng malalim na karagatan?!


Panoorin ang video. #KMJS



"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS


Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa Samar, may kuweba kung saan may makipot na daan patungo sa kabilang isla.
00:13Sa bayan ng Daram, sa Samar, may maliit na isla na umaakit sa mga turista.
00:23Ang mga rock formation kasi na makikita rito, maihahalin tulad daw sa Coron at El Nido.
00:29Kaya binansagan ito, Little Palawan.
00:36Nakakaenkanto raw talaga ang ganda ng Kandiwata Rock Formation.
00:42Halos tatlong kilometro ang layo nito mula sa isa pang isla, ang Daram Island.
00:52Para marating ito,
00:54Kinakailangan munang maglayag ng lagpas limang minuto sakay ng bangka.
01:03Pero may kwento-kwento na hindi na raw kailangan pang tumawid ng dagat para lang marating ang isla ng Kandiwata.
01:12Sa barangay Mayabay raw kasi sa Daram Island, may isang kuweba na lagusan daw patungong Kandiwata.
01:23Simula doon sa may sinasabi ng kauburang hanggang Kandiwata, nga bahaba no, paano mangyayari yun?
01:29Para patunayan yan,
01:32ang grupo ng cave explorer mula Kalbayog na si Arnold,
01:36Lakas loob na sinuyod ang kuweba.
01:43Matuntun lang ang lagusan na di umano.
01:47Nagkokonekta sa dalawang magkalayong mga isla.
01:50Hanggang sa narating niya ang isang maliit na butas.
01:55Ito na yung nagkokonek ng Kandiwata.
02:00Yan lang yung pababa nito pagdating doon, patat na siya.
02:03Mapapatunayan na kaya ang kwento-kwento na sa cave capital ng Pilipinas,
02:09may lagusang nagdurugtong sa dalawang mga isla na pinaghihiwalay ng malalim na karagatan?
02:17Taong 2021, nung naimbitahan si Arnold na magsagawa ng cave exploration sa Durham Island.
02:30Dito raw niya unang narinig ang tungkol sa misteryosong lagusan.
02:35Na-excite ako doon kasi kakaiba to.
02:38Ang nagsisilbi raw pinto, ang bukana ng kuwebang ito sa barangay Mayabay,
02:43na ang kabilang dulo raw, di umano, nakadugtong sa kuwebang ito sa Kandiwata Rock Formation.
02:51Ang distansya sa pagitan ng dalawa, nasa halos tatlong kilometro na napapagitnaan pa ng dagat.
02:59Napag-isip-isip ko rin na medyo malayo po yung kinaruroonan ng kuweba.
03:03Para sa akin, imposible siya.
03:05Nagdadalawang isip man, itinuloy pa rin ni Arnold ang expedition.
03:10Nung malapit na kami sa kuweba, medyo kinakabahan ako, pero mas excited ako kasi gusto kong makita yung sinasabi nilang lagusan.
03:19Ang daan sa lagusan, pahirapan.
03:25Sir, exit din ni sir!
03:27O, arena.
03:29Gayunman, tunay raw na nakamamangha ang madadaanan ditong rock formations.
03:35Shark tip started formation here in the Ham Summer Cave.
03:40Maya-maya pa, narating na nila ang kanilang sadya.
03:44Ang maliit na butas na ito, si Arnold ang unang pumasok.
03:48Ikaw ang kakasya.
03:51Ito na yung nagkakunik ng Kandiwata.
03:54Hindi pa man ako nakakalayo, parang nagsosupukit na ako.
03:58Hanggang sa...
03:59Hindi rin ako natuloy dahil mayroon siyang mga palatandaan na wala ng cave system na malalim sa kabila.
04:08Pati si Jason, ang mag-anak mismo nung mi-ari, bigo rin daw na mapasok noon ang butas.
04:18Sinubukan namin bumaba.
04:19Hindi na kami tumuloy.
04:20Kasi delikado rin, baka umulan na malakas.
04:22Imposible talaga na may lagusan papunta ng Kandiwata.
04:27Pero, pinabulaanan ito ng mga tiga barangay mayabay.
04:30Totoo raw ang lagusan at ang tangi lang daw nakakapasok rito, mga albularyo.
04:37Mayroon sila, kami nakayang maylilipang mababa.
04:39Katunayan, ang ilan sa mga diumano, nakalusot, pakandiwata, nakasulat ang mga pangalan sa mga bato sa bukana ng kuweba.
04:48Araw makita sa mga tao, sila nakasudirin.
04:50Ang unang nakadaan daw sa lagusan na nagkokonekta sa dalawang mga isla,
04:56nagngangalang Aong.
04:58Mukini, ang unang nakasudirin. Sukad pa sa tabata ko.
05:02At dahil wala pang opisyal na pangalan ng kuweba,
05:05sa kanya muna isinunod ang pangalan nito, Aong Cave.
05:12Isa pa sa sinasabing nakalusot na raw sa kuweba,
05:15ang bayaw ni Lola Consor na nagngangalang Pablo Pait.
05:19At kung hindi pa rin daw kayo naniniwala,
05:27baka raw magbago ang isip nyo.
05:29Dahil si Pablo Pait, na isa sa mga diumano,
05:33matagumpay na nakalusot sa lagusan, pakandiwata,
05:38buhay na buhay pa!
05:41Ano ang mga ilalahad ni Pablo Pait tungkol sa mahiwagang lagusan?
05:47Nailang ba nga ako?
05:49Wala yun nga, naka-antigod niya pag-pagsan ako, kurang.
05:53Sasang-ayunan kaya siya ng mga kawani
05:56ng Municipal Environment and Natural Resources Office
05:59at ng Bureau of Fire Protection ng Darang.
06:02Posible, may huwi siya pa punta ng kandiwata.
06:05Sige, banan.
06:05Sige, nakatisara.
06:06Hila, hila, hila.
06:07Hila, hila, hila.
06:09Sige, pira, pira.
06:09Ano ang mga sikretong nagkukublik sa mahiwagang kuweba sa Daram?
06:16Dadaan.
06:16Sabay-sabay na nating pasukin ang lagusan sa aming pagbabalik.
06:22Anong nasa loob?
06:23Ano ang nasa loob?
06:24Sa Daram, Samar, may kwentong bayan.
06:28Na ang kuwebang ito sa barangay Mayabay na tinatawag na Aong Cave.
06:33May tatlong kilometrong haba raw ng lagusan na kumukonekta patungo sa kabilang isla
06:40kung saan makikita ang Kandiwata Rock Formation.
06:45Ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office
06:49at ang Bureau of Fire Protection ng Darang
06:52nagsagawa ng cave assessment sa Aong Cave.
06:56Narating ng grupo sa loob ang maliit na butas na pinasok noon ni Arnold.
07:06Sinuyod nila ito.
07:08Sige, nakatisara.
07:10Hila, hila, hila.
07:10Hila, hila, hila, hila.
07:12Sige, pira, pira.
07:13Oops, oops.
07:15Anong nasa loob?
07:15Maluwag na siya.
07:16Maluwag na?
07:18Tapos, mababa na naman.
07:20Hindi na kaya.
07:21Why?
07:22Bawal talaga.
07:23Hindi tayo ikpeter.
07:24Masyado talagang masukal yung cave.
07:27Hindi kayang pasukin.
07:28Yung nakuha naming distance from entrance ng Aong Cave
07:32hanggang doon sa ikalawang entrance ng isang cave
07:36ay aabot lang ng 300 meters.
07:41Sunod nilang pinuntahan ang kuweba naman sa Kandiwata
07:45na siya raw kabilang dulo ng Aong.
07:48May butas dyan.
07:49Papasok.
07:49Dito yung sinasabi na kuwan.
07:53Tagusan ang kuwan papunta sa kanaong.
07:55Pero katulad sa Aong,
07:57napaka-piligroso rin daw na suyo rin pa ang pusod ng kuweba.
08:02Trinay namin, lapitan.
08:03Kaso nga lang, masyadong umaalon na.
08:06So, hindi na namin pinagpatuloy.
08:07Masyado pa siyang piligroso
08:09pag hindi talaga ma-assess ng DNR.
08:11Ang tanging makapagpapatutuon na lang daw
08:14sa mga kwento-kwento
08:16ang di o mano albularyong nakatawid daw
08:19mula sa Aong Cave
08:21si Pablo Pait.
08:24Kailan nga si Pablo Pait?
08:26Nakaharap ng aming team
08:27ang matanda na ngayon 78 anyus na.
08:32Ito ang tatay ko.
08:33Hello, ta.
08:34Kwento ni tatay Pablo.
08:35Labas-masok raw talaga siya noon
08:37sa mga kuweba ng Aong at Kandiwata.
08:40Nailangong ba nga ako?
08:42Wala yun nga.
08:43Naka-antig ko niya pag-pagsanaw.
08:46Doon daw kasi siya nakapanghuhuli
08:48ng mga ibong balinsa sayaw
08:50at mga ugat para sa panggagamot.
08:53Nangis naman, may mga kahoy nga.
08:56Nakisanaman ng kwanlangong ba.
08:58Nagkama kayo ng langgap.
08:59Uyaw na riyaw.
09:00Magpatak-arabang tao po sa loob.
09:03May dagang mga hayop sa lagat.
09:05Ang kuweba kasi ay tinituring na
09:07tagpuan ng Diyos at ang tao.
09:10Kaya ang ginagawa ng mga alwalaryo
09:12o yung mga tao na papasok itong
09:14sa tinatawag na kahariyan ng spiritual,
09:17gumagawa sila ng paglilinis sa sarili nila.
09:21Pero si Pablo may isiniwala.
09:24Dilitin mo ng ilang historia
09:25nga dirito sa Kandiwata.
09:28Ako mora guwapa ko.
09:29Tanawagin niya.
09:31Dikan sa Kandiwata.
09:33Nga ito sa...
09:34Anya, hindi raw totoo
09:36ang mga kwento-kwento
09:37na may lagusan sa Aong Cave
09:40patungong Kandiwata.
09:41Ngayon yung langob mo,
09:42delikado mo yun eh.
09:44Gawas na lang po.
09:45Imposible talagang merong lagusan.
09:48From Aong Cave to Kandiwata.
09:50Undiscovered pa itong cave na ito.
09:52So, hindi pa ito nasali
09:53sa list ng DNR
09:55for inventory
09:56and for assessment.
09:58Punta muna kami ng barangay Mayabay.
10:00Mag-ipag-coordinate kami
10:01sa mga barangay official doon
10:03na ipagbawal muna.
10:04Pasukin yung kuweba
10:05kasi napakadelikado.
10:07Lalo na at wala pa tayong
10:08mga kagamitan
10:08sa pagpasok sa cave.
10:10Nabigyan man ng linaw
10:12ang maalamat na lagusan
10:14sa dara.
10:15Ito na yung
10:15nag-upulit ng Kandiwata.
10:18Hanggat hindi tuluyang
10:19nasusuyod
10:20ang bawat sulok ng kuweba,
10:23ang mga sikreto't misteryo nito
10:25patuloy na magkukubli
10:27sa dilin.
10:31Thank you for watching,
10:32mga kapuso.
10:33Kung nagustuhan niyo po
10:35ang video nito,
10:36subscribe na
10:37sa GMA Public Affairs
10:39YouTube channel.
10:40And don't forget
10:41to hit the bell button
10:43for our latest updates.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended