Skip to playerSkip to main content
Aired (September 14, 2025): PAMILYA MULA NORTH COTABATO AT NAVOTAS CITY, MAY INAALAGAANG TOTOONG BUWAYA SA KANILA MISMONG TAHANAN?!

Buwaya, ginagawang alaga ng isang pamilya sa Makilala, North Cotabato?! At lagi raw itong nakakatakas sa hawla tuwing bilog ang buwan?!

Sa Navotas naman, may namataan ding buwaya! Pero hindi raw ito kinatatakutan sa halip… kinakata-cute-an ang alaga ng veterinary medicine student na si Ron!

Sa gitna ng isyu ng mga diumano, buwaya sa pamahalaan, paano rin ba inaalagaan ang mga totoong buwaya?

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa tuwing kabilugan ng buwan, ang mga tigabarangay saging sa makilala North Cotabato,
00:07natatakot na lumapit sa bahay na ito.
00:10Siyempre, sir, kay Mga Gatman, ma-hand look ka eh.
00:13Ang kanilang kinatatakutan, hindi aswang, kundi isang guwaya.
00:22Opo, ang me-ari kasi ng bahay na ito, may pet o alagang guwaya.
00:27At lagi raw itong nakakataka sa hawla tuwing kabilugan ng buwan.
00:33Tako na kayo ng buhaya, de ba?
00:34Yung ma-hand look may mugawas, kaya basig mapakanta na nila.
00:37Nakalabas daw po yung buhaya nila.
00:39Takot ako kasi may anak akong maliit dito, baka makagat kami.
00:45Meron daw bahay sa makilala North Cotabato na ang alaga, buhaya, yung totoo ha?
00:54Sinabiyan namin ang kinatatakutang bahay at pinatuloy kami ng ne-ari ang negosyanteng si Vincent.
01:02Hindi na raw kailangan pa ng hearing o trial.
01:06Inamin agad ni Vincent na siya'y guilty.
01:09Your honor!
01:13May alaga akong buhaya for 16 years.
01:15Ito si Crocs, isang Philippine freshwater crocodile.
01:19Si Crocs po ay nasa 7 feet. Ang estimate ko, nasa 200 kilos.
01:24Simple lang alagaan.
01:25Dahil sa laki ni Crocs, at hindi ligtas na makihalo-bilo sa iba nilang mga kasama,
01:31pinagawan siya ni Vincent ng sarili nitong hawla.
01:35Ito wala pa. Ito dating, maliit pa lang itong bakal.
01:38So parati siyang lumalabas.
01:39Kulungan na pinagawa ko, siyempre may drainage, tapos may bakal, parang rehash.
01:44So every time ako maglinis sa kanya, may drain ko yung tubig.
01:47At taliwas sa akala natin, napapakaw ang mga buhaya.
01:54Isa hanggang tatlong beses lang daw kada linggo.
01:58Ito pinapakain.
02:01Right.
02:05Kung gutom talaga siya, kumakain talaga siya ng tatlong manok.
02:07At taliwas pa rin sa akala natin,
02:10ang mga buhaya, katulad ni Crocs, may kabusugan.
02:15Hindi katulad ng iba dyan.
02:17Kung busog siya, hindi na lang kumakain.
02:20Pinapababayaan lang niya yung pagkain sa pond niya.
02:22Hindi kagaya po ng mga politiko.
02:24Yun ang mga gahaman talaga.
02:25Kahit busog, ilalagay pa rin sa bulsa yung pera.
02:28Si Crocs, isa raw sa pinakaunang buhayang namataan sa bayan ng makilala.
02:34Nakita siya ng mga manging isda sa isang fish pond o palaisdaan.
02:39Taong 2009, plano raw sanang patayin si Crocs noon hanggang sa ialok nila ito kay Vincent.
02:45Ang benta niya sa akin is 30 mil.
02:48Mahal ang benta. Kung hindi ko daw bilhin, is kakatayin nila, gawin nilang pulutan.
02:52Pag tingin ko sa pitaka ko, may isang libu ako.
02:55So sabi ko, okay na ba ito?
02:56Pang bilhin ninyo ng pulutan.
02:58So yun, binigay sa akin yung buhaya.
02:59Yung baby pa siya, binubuhat ko.
03:01Pero ang hindi raw may paliwanag ni Vincent ang tila pag-iba ng ugali ng dambuhalan niyang alaga tuwing kabilugan ng buwan.
03:11Lumalabas siya sa kulungan.
03:15Mga 10 times siguro siya na nakawala sa hula.
03:17Taka kami, bakit siya makaakyat na ang bigat niya?
03:19Pumasok yung kabilugan ng buwan doon sa cycle ng breeding nila na mas active sila.
03:24Maaring yung month na yun na breeding season nila, mas nagiging agresibo sila.
03:30Dalawang araw nilang hinanap si Crocs.
03:33Mabuti na lang at wala naman daw itong inatake.
03:36Kaya ang masasabi lang niya sa kanyang mga kapitbahay, safe ka!
03:46Ginaumagahan, nakita ko lang siya sa gilid ng bahay.
03:52So yun, tinawag ko mga tao ko, ipabalik ko sa kulungan.
03:55Yung mga kapitbahay namin dito, hindi na sila magdaan dito sa highway kasi nandun doon doon buwan.
04:00Pero ang ilang kapitbahay ni Vincent, pakot na maulit ang insidente.
04:05Kaya minsan na raw parang may nag-whistleblower o nagsumbong sa kanya sa mga otoridad.
04:12Pinuntahan ako ng taga-DNR dito.
04:14Saan ba daw ang lisensya ko?
04:15Wala akong napakitang documents.
04:17Sabi ko sa kanila na sige, kung bawal itong alagaan, pwede ko naman i-turnover sa inyo.
04:22Kunin nyo ngayon.
04:23So hindi nila inuha sa akin.
04:25Kasi sabi nila, kipaboldo ako ng kapakain sa buhaya ko.
04:28Nitong Webes, muling binisita ng SENRO o ng Community Environment and Natural Resources Office si Crocs.
04:36Malawa po yung tulungan nyo. Maayos na na po yung kalagayan. Mas nakapakain po nila.
04:40Peace sa Republic Act 9147, bawal talaga mag-alaga ng mga wildlife, lalo na yung crocodile, na wala tayong karapatan ng mga permit.
04:50Huwala tayo ng permit.
04:51Okay, sige po.
04:52Go next week.
04:53Susunod sa nabotas, may namataan ding buhaya.
05:00Nag-entition yan. Spa time na yan.
05:02Maliit man, pero matapang. Number ako natakot.
05:06Shh! Fine na, behave na, behave na, behave na.
05:09Dito naman sa nabotas, may namataan ding buhaya.
05:13Pero hindi raw ito kinatatakutan.
05:17Sahalip, kinakatakutan.
05:21Para kasi itong Nepo Baby na alagang-alaga ng kanyang amo,
05:26ang veterinary medicine student na si Ron.
05:30Siya, ang Philippine crocodile na si Amihan.
05:34Takot po ba kayo sa buhaya?
05:36Hindi po, pwede niya pong hamasan sa likod.
05:38Para, o, di ba, hindi naman nakakatakot.
05:40Kinariang pinapaliguan gamit ang toothbrush.
05:45Okay na, behave na, behave na, behave na.
05:48Tinatanggal lang natin yung mga sludge, yung mga lumot sa mga scales niya.
05:51Para sure kami na malinis si Amihan para pang hinawakan.
05:55Nag-entition yan. Spa time na yan.
05:57Usually, hindi namin siya tinatalian nung maliit.
05:58Pero dahil medyo malaki na si Amihan, it's better safe.
06:01Pagkatapos maligo, hilig naman daw nitong manood ng TV.
06:05Spoiled sa pagkain at ang kanyang paboritong mukbangin, hilaw na manok.
06:13Ang crocodile pala, hindi siya talaga normally greedy.
06:16Kasi kakain lang siya ng around 2 to 8% ng kanyang body weight every week.
06:22So, maliit na portion lang yun.
06:23Mag-aapat na taong gulang na si Amihan.
06:26Nung nabili ni Ron sa isang zoo sa Rizal taong 2021,
06:30nasa 3 feet lang ang kanyang haba.
06:334 kilos ang timbang, simbigap tao ng isang bagong panganak na sanggol.
06:38Maliit man, pero matapang.
06:40Number ako natakot.
06:41Alam ko yung gestures niya, alam ko yung sounds niya.
06:45Alam ko yung paano siya magtampo, paano siya magalit.
06:49Basically, part siya ng life ko.
06:50Bata pa lang daw si Ron.
06:52Hilig na niya ang exotic animals.
06:54Nanood ako ng Jurassic Park.
06:57So, sobrang na-amaze ako sa mga itsura nila.
06:59Nung kakaedod na ako, nakakita ko ng crocodiles.
07:02Sali ko, very similar yung itsura niya sa mga dinosaurs.
07:05Para mas marami raw ang maka-appreciate sa mga buwaya,
07:08si Amihan parang politikong panauhing pandangal
07:12sa tuwing may pagtitipon sa kanilang eskwelahan.
07:15Ang mga buwaya ang nare-rescue naman sa wild sa Palawan.
07:27Madalas i-turn over sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center sa Puerto Princesa City.
07:33So, yun lang yung ating pinaparami, kinoconserve.
07:37Yung ating indigenous na Philippine crocodile.
07:40Pinapangalanan din ang mga ito na kadalasan hango sa lugar kung saan sila na-rescue.
07:46Gaya ng isang ito, si Aklan.
07:49Makikita mo nga lang, minsan nasa ibabaw, parang hindi gumagalaw, nagbibilad sila sa araw.
07:54Ang pinakamalaki naman daw, si Makaraskas.
07:58Matagal na siya dito eh. Siguro mga late 80s and 90s pa siya dumating dito.
08:03Napakalakas ng bite force ng buhaya.
08:06Ika nga pagka sinagpang kang gano'n ng buhaya, yung full-grown ng buhaya,
08:10siguro parang isang sasakyan.
08:13Ganun kadalikado ang buhaya.
08:15Kung makakita ka yan sa wild, huwag na huwag mong lalapitan.
08:21Hindi lahat may papang na mag-alaga at magpalaki ng buhaya.
08:26Espesyal ang mga nilalang na ito.
08:29May mahalagang papel na ginagampanan.
08:34Bagamat mabangis,
08:37pinapanatili ng mga ito ang balanse sa kalikasan.
08:41Kumakain dahil kailangan,
08:44hindi dahil sa kasakiman.
08:48Kaya sa susunod na ihalintulad sila sa mga kurakot,
08:53mahiya naman daw tayo.
08:56Thank you for watching, mga kapuso.
09:01Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
09:04subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
09:08And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
09:12Hii.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended