Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handang mag-voluntaryo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at mag-imbestiga sa mga flood control project na alot hindi anya maaring kongreso ang mag-imbestiga sa sarili.
00:11Ikinwento rin niya ang kanyang mga nakuhang informasyon mula mismo sa ilang kontratista tungkol sa kung paano pinaghahatian ang pondo ng gobyerno.
00:21Nakatutok si Mackie Polido.
00:23Mahigit P272 billion ang ipinapanukalang budget para sa taong 2026 para sa flood control projects ng DPWH.
00:35Mas mababa ng higit P75 billion kumpara ngayong taon.
00:39Ang bulto ng panukalang budget na ito ay para sa nationwide flood control project ng DPWH habang higit P2 billion ang mapupunta sa MMDA.
00:48Kinaltasan ang pondo matapos sabihin ni Pangulong Marcos na 15 lang sa mahigit 2,000 aprobadong construction company ang nakakuha ng 20% ng flood control budget.
01:00Dapat ang implementing agencies po natin marunong mag-monitor to make sure na yung mga proyekto po ma-implement ng tama at saka sa tamang oras po.
01:12Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH, may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy na mga nasimulan na.
01:20Kung may palpak naman daw kasing proyekto, may legal na proseso tulad ng blacklisting ng construction company sa halip na tinatanggal ang pondo.
01:27Giit ni DPWH, Secretary Manny Bunuan, mahigpit ang kanilang bidding process.
01:44Pero ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalong, kalimitan, moro-moro ang bidding.
01:49Sabi niya, ang mga paboritong construction companies na mga politiko ay ang mga mabilis umanong magbigay ng kickback sa kanila.
01:57Ayon daw mismo sa mga nakausap niyang kontratista, sa 100% na project cost, 25% umanong ibibigay sa Committee on Appropriations ng Kongreso,
02:065 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
02:113% sa bids and awards committee ng DPWH, at may 3% din ang mga lumahok sa moro-moro na bidding.
02:17Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang umano ang matitira para sa mismong flood control project.
02:24Ang kwento nga dyan, ang mga de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento,
02:31siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
02:35Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan?
02:39Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung contractor.
02:45Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko, anong sabit? Paano sila masasabit?
02:52Handa mag-volunteer si Magalong para imbestigahan ang flood control projects.
02:56Hindi naman daw pwedeng kongreso ang mag-iimbestiga niyan kasi parang iimbestigahan nila ang sarili nila.
03:01Kung masimulan, tiyak, babaha daw ng ebedensya.
03:04People will volunteer to submit pieces of evidence, pati mga people involved, basically.
03:16Talagang maglalabas siya kasi takot din sila lahat eh. Alam nila na may iipit sila eh.
03:20Hinimok naman ang Malacanang si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anuman ang maitutulong nito.
03:25May naiset naman na daw kasing mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
03:30Pero hindi naman daw kailangan ng iba pang mamumuno sa investigasyon.
03:33Para sa GMA Integrated News, Makipulido nakatutok 24 oras.
03:39Walang takas ang manager at finance officer ng realty company sa Cavite na nagbebenta o manon ng lupa
03:44kahit walang pahintulot mula sa Department of Human Settlements and Urban Development.
03:50Dati na raw pinatigil ang operasyon pero hindi ito sumunod.
03:53Nakatutok si John Consulta, expert.
03:59Pagkakuha ng senyas na mga operatiba,
04:01pinasok na ng NBI Cavite District North ang target na opisina sa Naik Cavite.
04:15Agad inaresto ang manager at finance officer ng isang realty company.
04:19May license to sell ko bang.
04:22Pamanan ko ko mga mga on-process ko.
04:24On-process? Pero wala kayo, misensya.
04:27Inaresto ko namin kayo sa pagbibenta, pagtatanggap ng bayad, wala sa mga lot, bayad ninyo.
04:34Nawala po kayong kaukulang pahintulot.
04:38Sumbong ng dalawampung complainant sa NBI,
04:41umabot na sa milyong piso ang kanilang ibinayan sa realty company kahit walang permit.
04:47Walang kaukulang pahintulot mula sa ating Department of Human Settlement and Urban Development.
04:54Wala rin silang license to sell at hindi registered yung project mismo.
04:59Dati na nag-issue ng cease and desist order ang Department of Human Settlement and Urban Development
05:03o desood upang tumigil sila sa pagtanggap ng bayad.
05:07Ngunit patuloy pong nilabag ng nasabing realty company ang batas
05:13kung kaya tayo po ay nagsagawa ng isang entrapment operation.
05:17Ayon sa desood, dihado ang mga residenteng nabibentahan ng lupa
05:20ng mga kumpanyang walang permit. Paalala nila.
05:24Pwede pong pumunta sa aming opisina, sa regional offices
05:27or pwede pong puntahan ang site na sinasabi na binibenta po sa inyo
05:33para magkita po at inyo mismo kung talagang totoo na may project
05:36meron bang development na nangyayari dyan
05:38at merong karampatang permiss na galing po sa aming opisina.
05:42Dalawang kaso ang ating ifinal via inquest.
05:46Ito yung paglabag sa PD957 nga at kasama na rito ang estafa.
05:50Sinisikap pa rin naming makuha ang panig ng mga suspect na na-inquest na ng NBI.
05:56Para sa GMA Integrated News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.
06:01Feeling like a main character ang birthday girl na si Kazel Kinochi
06:08sa inihandang surprise sa kanya ng buong cast and crew ng seryeng My Father's Wife.
06:14At may bago pa silang makakasama sa series na dati na rin nakatapat ni Kazel
06:18sa abot kamay na pangarap.
06:21Kilalanin siya sa chika ni Aubrey Carambel.
06:23Ang kontrabida ng serye binigyan ng main character Spotlight
06:33to celebrate her special day.
06:35Isang surprise birthday bash ang hatid ng co-stars
06:38at production team ng GMA Afternoon Prime series
06:41na My Father's Wife para kay Kazel Kinochi.
06:44Patunay raw na ang karakter niyang si Betsy lang ang kinaiinisan
06:49pero off-cam, well-loved si Kazel na mga kasamahan.
06:54Today talaga I feel how much, how special I am, how loved I am.
06:58On-screen lang talaga yung kasamaan ni Betsy.
07:01Pero off-cam, mabait naman tayo.
07:05I think, I would like to believe na mabait ako.
07:07As she turns a year older, wala na raw material na bagay pa siyang mahihiling.
07:15On the top of my head, ang talagang nasasabi ko,
07:17gusto ko lang ng peace of mind.
07:20Peace of mind and of course health and to be protected.
07:25Not just me but also my family.
07:27Yan din ang wish ng kanyang co-star na si Kylie Padilla
07:30na hanga raw kay Kazel na off-cam ay mabait daw na katrabaho.
07:35My birthday wish is syempre peace of mind and happiness para sa kanyo.
07:42Syempre kasi deserve naman niya yun and syempre Kazel, happy happy birthday.
07:47Congratulations na maraming galit sa'yo kasi ibig sabihin effective kang kontrabida at magaling kang umarte.
07:54Kung ang mga karakter daw nilang sina Gina at Betsy ang laging magkaribal sa drama,
07:58next week may bagong karakter daw na ipakikilala na siya namang bagong makakaaway ni Betsy.
08:06Si Vivian, nagagampanan ng veteran actress na si Dina Bonnevie.
08:11May bago na naman ako aawayin aside from Gina.
08:14Hindi ko na muna siya pinansin si Vivian na muna.
08:18Pero I love Miss Dina on screen.
08:20I call her mama di ko.
08:21She's really like my second mom.
08:23Kasi magkasama kami sa abot kami.
08:25Happy naman si Kylie na makatrabaho for the first time si Miss D.
08:29Na kanya raw idol at magiging kakampi pa ng karakter niyang si Gina.
08:34I feel like I formed a friendship with her.
08:37Kahit short amount of time lang kami nagka-work together.
08:41We drive well together and we do really well in our scenes.
08:45And I feel like I can trust her sa mga sikreto sa buhay.
08:52Ganyan.
08:54Ganun naka-deep yung naging relationship namin.
08:59Aubrey Karampel, updated sa showbiz sa happening.
09:04Posible yung mag-iimbestiga ang Comelec ukol sa campaign donations ng mga government contractor,
09:08lalo't ipinagbabawal ito ng omnibus election code.
09:12Kasama po sa titignan ang Statement of Contributions and Expenditures na matumakbo noong 2022 at ngayong taon.
09:21Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
09:26Kinukonfirm nyo na nag-donate siya ng 30 million.
09:30Yes, nasa records yun.
09:31Si Senate President Jesus Gutero na mismo ang nagkumpirma na nag-donate sa kanyang kampanya sa pagkasenador
09:37ang kaibigan niyang contractor na nakakuha ng limang bilyong pisong halaga ng flood control projects.
09:44Tagal ko ng kaibigan at kakilala siya at tumutulong talaga sa amin.
09:48Sa gitna ng issue, sabi ngayon ng Commission on Elections,
09:51posible nilang investigahan ang pag-donate sa kandidato ng mga kontratista ng gobyerno.
09:56Kasama raw ito sa titignan ng Comelec Political Finance and Affairs Department
10:01sa pagsasuri ng mga sose o state pedof contributions and expenditures
10:06ng mga kumandidato nitong eleksyon 2025 at 2022.
10:11Maaaring nangyari ang lahat 2022-2025.
10:15It doesn't really matter sapagkat hanggat hindi tapos yung prescriptive period,
10:20ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang dahil nasa amin pong jurisdiction pa yan.
10:25Nakasaad sa Omnibus Election Code na hindi pwedeng magbigay ng kontribusyon
10:30para sa partisan political activity ang mga may kontrata sa gobyerno.
10:35Section 95 kasi paragraph letter C ng Omnibus Election Code
10:39yung mga prohibited na magbigay ng donation, contribution sa mga kandidato o sa political parties.
10:47At kung hindi tayo nagkakamali, na-mention doon yung may mga kontrata, servisyo sa pamahalaan
10:53o kaya mga may public works na kontrata sa pamahalaan.
10:57As to ano yung interpretasyon niyan, hindi ko muna mabibigay sa inyo
11:00sapagkat may posibilidad kasi na dahil nga sa mainit ang mainit ang issue,
11:04may mag-file ng mga kaso sa amin sa komisyon.
11:06Ganito rin ang pananaw ng election lawyer na sa attorney Romulo Macalintal.
11:10Sabi niya, nakasaad din ang pagbabawal na ito sa ilang resolusyon ng Comelec.
11:15Mabigat ang parusa dyan eh.
11:16Carries a penalty of one year to six years imprisonment and without any probation
11:22and with perpetual disqualification from holding public office.
11:26Pero sabi ni Macalintal, pwede rin idahilan ng ilan na personal ang kanilang kontribusyon.
11:32Malalim ang issue dyan kasi sa ilalim kasi ng ating batas sa corporation code,
11:36ay separate ang personalities ng stockholders or officers of the corporation from the corporation itself.
11:43Kung sasabihin naman ng officer ng corporation o stockholder ng corporation
11:48na ako ay nag-donate in my own personal capacity, maaaring makaligtas siya doon.
11:53Pero kung ang donation ay galing mismo sa corporation, yun may issue yun.
11:58Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Escudero.
12:02Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok, 24 oras.
12:09Plano ang kwestiyonin ng isang election lawyer ang batas na nag-urong ng barangay at SK election sa 2026.
12:15Imbes na sa Disyembre, labagaan niya ito sa saligang batas.
12:19Nagbabalik si Sandra Aguinaldo.
12:21Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na nagpapahaba sa termino ng barangay at sangguni ang kabataan officials sa apat na taon.
12:35Sa batas ding ito, pinagpapaliban ang barangay at SK election sa November 2, 2026, na dapat sana ay sa December 1 ng taong ito.
12:45Magkakabisa ang batas matapos ma-publish sa Official Gazette at Newspaper of General Circulation.
12:51Pero ngayon pa lang, naghahanda na ang election lawyer na si Romulo Macalintal na dumulog sa Korte Suprema para maharang ito.
13:00Anya, labag sa saligang batas ang pagpopostpone sa eleksyon.
13:04Ang term nila hanggang December 31, 2025 eh.
13:09So, pagka yan ina-ex, hindi tayo nagkaroon ng eleksyon sa December 1, 2025.
13:15Yung period from December 1 hanggang November 2026, yan ay hindi na natin sila inihalal.
13:22Ang sabi nga ng Supreme Court, that constitutes appointment, legislative appointment.
13:29Pino na rin niya kung bakit inilipat ang eleksyon sa November 2.
13:34Sa araw na ito, mas ginugunita ang araw ng mga patay sa ilang probinsya imbis na November 1.
13:40Pakikita mo na mukhang hindi ito pinag-aralan mabuti.
13:43Sinabi nila na ang susunod na halalan ay sa first Monday of November 2026.
13:48Iyan ay November 2 at iyan ay All Souls Day.
13:53Paano ka magkakaroon ng halalan sa November 2, 2026?
13:57Ganung karamihan sa mga electorate natin ay nasa kanika nilang mga probinsya.
14:03Sa mga namatay nilang mga kamag-anak.
14:06Aminado naman si Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi pa sila nakararanas ng eleksyon na ginawa ng November 2.
14:13Pero susunod daw sila sa batas.
14:15Wala namang kaming diskresyon sa mga date na nakalagay dyan.
14:19Siguro ang kadahilanan ng Kongreso, yun lang naman ang ating pwedeng mabasa sa ginawa ng Kongreso na date na yan,
14:24ay kaya nila naligay ang November 2 dahil at least vakasyonan, dire diretsyo naan dyan na yung mga kababayan natin sa bawat mga barangay
14:33na nagsiuwian para ma-observe yung All Saints Day, All Souls Day natin na isang traditional Filipino celebration.
14:40Pero dahil sa posibilidad na ma-question ang batas sa Korte Suprema, ipagpapatuloy ng Comelec ang paghahanda sa BSKE sa December.
14:49Nakaanda rin aniya ang Comelec na gumawa ng IRR o Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas sa loob ng siyam na pong araw mula sa efektivity nito.
14:59Pero kung tuluyang mapospo ng BSKE para sa susunod na taon, ay kailangan aniya ng dagdag na budget ng Comelec.
15:06Inaasahan kasi nilang madaragdagan ang botante dahil magsasagawa pa sila ng registration.
15:13Tatandaan po ng lahat na una, nagparehistory lang po tayo lately nung nakaraang linggo na inabot ng 2.8 million na mga bagong botante sa 10 araw lamang.
15:28Plus, kung walang eleksyon sa December 1, mag-re-resume tayo ng registration ngayong third week ng Oktubre.
15:34At ito'y matatapos ng July ng next year, 2026. We will require, request additional more or less, palagay ko mga 4 billion pesos.
15:44Sabi naman ni Budget Secretary Amen ang pangandaman, bibigyan nila ng karagdagang pondo ang Comelec para sa BSKE kung kakailanganin.
15:53Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
15:58Wala ng bagyo pero maulang panahon ang naranasan kanina sa ilang lugar.
16:06Maging handa dahil posibleng maulit po yan bukas.
16:09Kumpara kasi nitong mga nakalipas na araw, bahagyang lumakas ang efekto ng habagat sa malaking bahagi ng bansa.
16:16Ang isang pag-asa, posibleng makaapekto rin sa pag-iral ng habagat ang potensyal na low pressure area na maaaring mabuo sa mga susunod na araw sa paligid ng bansa.
16:25Patuloy na tumutok po sa mga update sa mga posibleng sama ng panahon.
16:30At base po sa datos ng Metro Weather, bukas na umaga may chance na ng kalat-kalat na ulan sa Mimaropa,
16:36Bicol Region, Ilocos Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.
16:44Bandang tanghali at hapon, halos buong bansa na makaranas ng maulang panahon.
16:48Meron din pong heavy to intense rains sa malaking bahagi ng Luzon, Summer Provinces, Western Visayas at Northern Mindanao.
16:57Kaya patuloy na magiging alerto sa bantanang baha o landslide.
17:01Sa Metro Manila, gaya ng naranasan kanina, posibleng rin ang malalakas na buhos na ulan, dala ng thunderstorms sa hapon o gabi.
17:09May tira pa, kaya hindi na humihingi ang budget department ng pondo para sa AKAP o ang ayuda para sa kapos ang kita program para po sa susunod na taon.
17:19Pero pag-uusapan pa rin yan sa kamera na siyang nagbabalangkas ng national budget.
17:25Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
17:27Sa hindihingi ang pondo ng Ehekutibo sa Kongreso para sa 2026, hindi na naglaan ang budget department para sa AKAP o ayuda para sa kapos ang kita program.
17:41Pero balak pa rin ni House Committee on Appropriations Chair Michaela Swan Singh na konsultahin ang mga kasama niya sa kamera tungkol dito.
17:48I-pinasama sa 2024 national budget ang AKAP paraan nila tulungan ang mga minimum wage earner na apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin.
17:58We see the value in AKAP, so that's why, as I said, I would need to confer with my colleagues in the House.
18:07Kabilang sa House Committee on Appropriations, ang makabayan block na kontra naman sa AKAP at mga katulad na ayuda.
18:14Yung mga ayuda, lalo na yung conditional cash transfer at iba pa ang mga expanded na ayuda.
18:22Sabi natin, hindi dapat yan ang pagbuhusan ng daan-daan milyong bilyong piso kung hindi ayuda, kung hindi trabaho.
18:35Dahil yun ang pangmatagalan.
18:37Na ipaliwanag na ng Department of Budget and Management na zero ang budget ng AKAP para sa 2026 dahil maraming ibang proyekto ang popondohan ng limitadong pera ng pamahalaan.
18:50May natirang pondo pa rin naman para rito ngayong taon. Yan din ang paliwanag ng Malacanang.
18:55Naka-usap din po natin ang DBM at malaki po kasi ang budget masyado sa AKAP at out of 27 billion allocation for 2025, 13 billion pa lang ang nagagamit ng DSWD.
19:10So may natitira pa pong 13B na pwedeng nilang gamitin until the end of 2026.
19:16Kinakailangan lamang pong i-prioritize ang dapat na ma-prioritize na agency.
19:21Sinabi rin ang Pangulo sa kanyang State of the Nation address na i-vito niya ang budget kung hindi sumunod sa inilatag ng budget department.
19:31Pagsiguro naman ang DSWD.
19:33Huwag kayong mag-alala, walang programa ng DSWD na titigil tulad ng sinabi ni Secretary Mina kahapon, fully funded ng departamento.
19:41Maaring hindi man pondohan ng AKAP pero meron tayong mga ibang instrumento katulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
19:48Handang-handa tumulong ang DSWD sa inyong lahat.
19:51Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatuto, dante 4 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended