Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ang malawakang Trillion Peso March sa linggo,
00:04mauuna ng mga lampag ang ilang transport group laban sa katiwalian sa gobyerno.
00:09Tatlong araw ang ikakasang tigil pasada ng isang grupo.
00:12Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Kung hirap mag-commute ang marami tuwing rush hour,
00:22maaaring hihirap pa yan bukas na unang araw ng transport strike ng grupong Manibela.
00:27Simula yan ang alas 5 ng umaga at tatagal hanggang Biyernes, September 19.
00:33Mahiwalay na transport strike din ang grupong Piston sa September 18,
00:37simula alas 5 ng umaga rin.
00:40Kung noon humingi sila ng dagdag pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng langis,
00:44ngayon linggo, ang pinoprotesta nila ay ang katiwalian sa gobyerno.
00:49May value added tax na tayo na 12%.
00:52Hindi pa ba sila kontento dito?
00:54Tapos may excess tax pa na 6 pesos kada litro.
00:59Tapos napupunta lang pala sa korupsyon.
01:01Napupunta sa luho ng mga contractor, ng mga taga DPWH, ng mga district engineers.
01:08Humihingi po kami ng paumanhin sa ating mga mahal na mananakay.
01:12At the end of the day, para din po sa ating lahat ito.
01:14Hindi nila nararamdaman yung pagbalik ng mga counterpart sa gobyerno na dapat sana gumabalik sa mga driver sa anyo ng mga beneficyo o servisyo.
01:25Subalit tinanakaw lang ito at binubulsa ng mga tiwaling mga politiko.
01:30May libreng sakay naman ang gobyerno sa mga araw ng strike.
01:33Inatasan din natin ng LKFRD na tignan kung anong mga ruta at mga lugar kung saan makakaapekto itong tigilpasada.
01:43Babantayan rin ng polisya ang strike.
01:45As much as possible po, huwag humarang sa karsada para hindi po makaapekto sa traffic.
01:50At sana po pagkatapos po ng rally ay tumulong sa amin na maglinis po ng mga kalat na maiiwan.
01:59So sana po maging peaceful po yung ating mga rallies.
02:05At asahan niyo po na magde-deploy kami ng sufficient personnel para po i-manage yung traffic.
02:12Isang paaralan na ang humimok sa mga guru nito na mag-asynchronous modes of learning muna mula September 17 hanggang 19.
02:22Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
02:28Sinampahan ng reklamo ang dalawang dating engineer ng DPWH kaugnay ng paggamit nila ng Peking Driver's License para makapagkasino.
02:38Inihain yan ang Transportation Department at nakatutok si Oscar Oida.
02:47Iniimbestigan pa ng Anti-Money Laundering Council ang duda ni Sen. Pantilolakson na nalulunder o nalilinis sa kasino
02:55ang mga kickback ng mga binansagan niyang BGC Boys o Mulakan Group of Contractors.
03:01Posiblean niyang nagsusugal sila roon para palabasing napanalunan sa kasino ang posibleng nakukubra sa mga proyekto kontrabaha.
03:11Habang sinisiyasit yan, sa isang pag-amin muna kaugnay niyan, susubukang panagutin ang ilan sa kanila.
03:18Partikular sila dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
03:22At dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez na umamin sa Senado ng paggamit ng peking lisensya sa kasino.
03:31Kasong paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code o paggamit ng falsified documents
03:38ang reklamong inihain ng Transportation Department laban sa kanila.
03:42Hindi po natinaya nalapastanganin ang lisensya po ng DOTR at ng LTO.
03:48The first time that we are running after yung gumagamit ng lisensya, they're equally liable under the law.
03:56Bukod kina Alcantara at Hernandez, sasampahan din ng reklamo ang iba pang binansagang BGC Boys o Bulakan Group of Contractors.
04:05Ang pagkakaalam ko po, tinatapos na po, bukas umakalawa, magsasampa rin po ang kaso, ang LTO at DOTR.
04:13Kung mga patunayan nagkasala, di hihigit sa 6 na taon ng parusang kulong at aabot sa 1 milyong piso ang multa.
04:21Iniimbestigahan na rin kung bigay nga ng kasino ang mga peking lisensya dahil pati nagbigay ay maaaring ireklamo.
04:29Sinusubukan pa rin naming hinga ng pahayag si Alcantara.
04:32Sabi naman ang abugado ni Hernandez na nakausap namin sa telepono, di pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
04:41Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok 24 Horas.
05:02Magpapaulan ang bagyo.
05:03Salamat, Emil, mga kapuso.
05:07Kasabay ng patuloy na paglayo ng low pressure area na minomonitor po natin itong mga nakalipas na araw,
05:13ang pagkakabuo naman ng panibagong sama ng panahon na pinangalanan po natin na Bagyong Mirasol.
05:19Dahil po sa Bagyong Mirasol, nakataas ang signal number 1 dyan po sa Batanes, Cagayana,
05:23kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, northeastern portion ng Nueva Biscaya,
05:28northern and central portions ng Aurora, pati na rin sa Apayaw at Kalinga.
05:33Signal number 1 dyan dito po yan sa Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Pulilyo Island,
05:39northern portion ng Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur, at ganun din sa Catanduanes.
05:45Sa mga nabanggit na lugar, posibig pong makaranas ng pabugso-pugsong hangin na may kasamang mga pagulan
05:50at magiging maalon din kaya delikado pong maglayag yung maliliit na sasakyang pandagat.
05:55Huling namataan ang sentro ng Bagyong Mirasol sa lahing 210 kilometers east-northeast ng Infanta, Quezon.
06:02Taglay po ang lakas ng hangin na abot sa 55 kilometers per hour at yung pagbugso naman, 70 kilometers per hour.
06:09Kumikilos po yan sa direksyong northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
06:15At sa latest track po ng pag-asa, posibleng mag-landfall o tumama po itong Bagyong Mirasol dyan po sa may Isabela
06:21o di kaya naman sa northern portion ng Aurora, bukas po yan ng umaga.
06:26Pero mga kapuso, sakali man po na magbago yung direksyon yan at mas maging pahilaga yung paggalaw,
06:32ay posibleng pong manatili na lang po yan dito sa dagat o sa coastal waters ng northern at ng central Luzon.
06:38Tatahakin naman po nito itong Luzon Strait.
06:40At ayon po sa pag-asa, posibleng na makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility pagsapit po na nga Webes ng hapon
06:48o kaya naman po ay sa gabi kaya patuloy pong tumutok sa magiging pagbabago,
06:53lalo't posibleng may iba pang sama ng panahon na mabuo at pumasok po dito sa loob ng PAR sa mga susunod na araw.
07:01Bukod po sa Bagyong Mirasol, nagbabalik din yung southwest monsoon o yung hanging habag
07:05at kaya naman magiging maulan po ulit yung lagay ng ating panahon sa malaking bahagi po yan ng ating bansa.
07:12Base nga sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi may mga kalat-kalat na ulan pa rin dito po yan sa Luzon kasama po ang Metro Manila.
07:19Meron dito po mga ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Visayas at ganun din dito sa Mindanao.
07:24Pero again, scattered o mga kalat-kalat na ulan lang po yan.
07:27Bukas ng umaga, mas maraming pag-ulan na po ang dapat paghandaan dito po yan sa northern Luzon.
07:32Ang titang kita po ninyo, concentrated po dito yung rainfall natin at may mga malalakas sa buhos
07:37at may mga kalat-kalat na ulan na rin po dito po yan sa ilang bahagi ng Mimaropa.
07:42Ganun din dito sa may Bicol Region at Calabar Zone.
07:45Maging dito po yan sa may Western Visayas, Eastern Visayas at pati na rin sa may Zamboanga Peninsula.
07:51Pagsapit po ng hapon at gabi, halos buong Luzon na po ang makakaranas ng mga pag-ulan.
07:56May mga malalakas o matitinding buhos po ng ulan kaya maging alerto mula po yan dito sa northern, central Luzon,
08:02Calabar Zone, Mimaropa at Bicol Region.
08:04At inaasahan po natin na posible po na kapag nagtuloy-tuloy po yung mga pag-ulan, may banta pa rin ng baha o landslide.
08:11At posible po hanggang gabi maranasan yung mga pag-ulan lalong-lalo na dito po sa malaking bahagi ng extreme northern Luzon.
08:18May mga pag-ulan din po bukas ng hapon dito po yan sa Visayas at ganun din sa Mindanao.
08:23At may mga kalat-kalat na ulan pa rin na pagsapit po yan ng gabi kaya patuloy po kayong mag-monitor ng updates.
08:28Dito naman sa Metro Manila, pwedeng magpatuloy yung mga kalat-kalat na ulan hanggang bukas po ng umaga.
08:34Pero mas malawakan po yung mga pag-ulan pagsapit po ng hapon at gabi kaya dobliingat pa rin mga kapuso.
08:41Yan ang latest sa ating panahon.
08:43Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
08:47Maasahan anuman ang panahon.
08:49Kanselado ang pasok sa ilang lugar bukas dahil nga sa inaasahang epekto ng Bagyong Mirasol.
08:56Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Laguna.
09:02Wala rin pasok sa Lopez Quezon.
09:04Sarado rin ang tanggapan ng pamahalaan sa bayan maliban sa mga essential worker.
09:10Patuloy pong tumutok dito sa 24 oras at social media pages ng GMA Integrated News para sa iba pang anunsyo.
09:19Mabusisi ang pag-aproba sa budget ng gobyerno na dapat lang.
09:24Hindi po ba?
09:25Dahil galing sa buwis na pinagpagulan ng bawat Pilipino.
09:29Tulad ng kalta sa sahod at VAT.
09:31Na yan po yung dagdag sa presyo na mga bilihin.
09:34Ang problema, halos bawat hakbang na pinagdadaanan ng budget.
09:40E nagiging pagkakataon din umano para maisingit o magsingit ang pondo ang ilang nasa gobyerno.
09:49Pagkatapos, sila rin umano ang kukubra ng porsyento.
09:54Himayin kung paano sa special report ni Maki Pulido.
09:58Saan nagsisimula ang korupsyon?
10:05Sa mga flood control project.
10:07Sa NEP pa lang ba, Mayor?
10:09O naman.
10:09Nagmamantay ng kontraktor?
10:11O naman, meron na. Meron na sa buwatan ng mga contractors, pati mga DPWH.
10:21NEP o National Expenditure Program ang panukalang budget na inihahanda ng Department of Budget and Management o DBM.
10:29Lahat ng mga department at ahensya nagsusumite sa DBM na mga gusto nilang proyekto at budget.
10:37Dahil may sabuatan umano ang mga politiko, DPWH at mga kontratista, dito pa lang daw, nakakapagsingit na,
10:46sabi ng ilang civil society groups na nagbabantay ngayon sa budget deliberations.
10:50Yung ibang congressman or kontraktor na matatalino o mautak, siguro ang gagawin na nila ay para hindi mahalata na through insertion,
10:58sa NEP pa lang, isasama na nila yung project.
11:01Ang NEP, isusumite ng DBM sa kamera.
11:04At dito, may naggaganap umano ulit na hokus-pokus.
11:08Sa rules ng kamera, kung pumasa na sa plenaryo ang isang panukalang batas, tulad ng national budget, hindi na pwedeng amyandahan.
11:15Pero sa kamera, kahit pumasa na sa second at third reading, binigyan ng otoridad ang tinatawag na small committee para galawin ito.
11:23Ito raw ang ikalawang insertion.
11:26Ang small committee noong 2025 budget ay sin Ako Bicol Partylist Representative Zaldico,
11:31dating chair ng House Committee on Appropriations,
11:34dating Marikina Representative Stella Kimbo,
11:37dating House Majority Leader Manuel Dalipe,
11:39at dating House Minority Leader Marcelino Libanan.
11:42Sa 2025 budget, ayon kay Nabotas Representative Toby Tshanko,
11:48si Zaldico ang proponent ng mahigit 13.8 billion pesos na flood control project sa iba't-ibang distrito.
11:56May tawag si Tshanko sa ilang paraan kung paano nakakapag-singil ng pondo sa budget.
12:01Ang parking at ang sagasa.
12:05Yung parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa District Congressman,
12:11umayag yung District Congressman.
12:13Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
12:18Mula sa kamera, ipapadala ang panukalang budget sa Senato
12:21para sa panibagong round ng deliberasyon at pag-amienda.
12:25Para mapag-isang House at Senate version ng budget,
12:28bubuo ng bicameral conference committee.
12:30Sabi ni Tshanko, hanggang dito, may nagaganap na pangmamadji.
12:35Kaya makikita mo siyang insertion kasi siningin tapos pumunta doon sa ibang distrito
12:43na hindi naman re-request ng congressman.
12:46Kung pasado na sa Kamara at Senado, lalagdaan na ito ng Pangulo
12:49at tatawagin ang General Appropriations Act o GAA.
12:53Sabi mismo ng Congressional Policy and Budget Research Department ng Kamara,
12:57ang ending ng proseso, nagiging higit na mataas ang budget ng DPWH sa GAA
13:03kung ikukumpara sa unang hinihingi sa net.
13:07Ganyan ang nangyari noong 2021 hanggang 2025.
13:11At itong 2025 nga, halos 900 billion pesos na hinihinging DPWH budget sa net
13:19naging mahigit, isang triyong piso pagdating sa GAA.
13:23Sa oras na isang line item na, pwede nang simulan ng DPWH ang bidding para sa proyekto.
13:30Na ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalong, kadalasan ay moro-moro.
13:34Even before the bidding, alam na kung sinong panalo.
13:38Ang unang qualification ng mananalong bidder is,
13:43sino ba ang pinaka malaking magbigay ng korsento?
13:47Ang next na parameter, sino sa inyo makapagbibigay ng pinaka malaking advance?
13:51Iba't iba ang modus ng bigayan ng kickback.
13:55Pwede raw na ang kontraktor magbibigay sa proponent o politiko
13:58o kaya taga DPWH ang kukolekta para ibigay sa politiko.
14:03Okay, Nutelas, before this committee, kung gaano nakalaki ang binalang pera ni Sally Santos sa office mo?
14:12Mula po noong 2022, billion na po.
14:16Pwede rin ang politiko na mismo ang kontraktor
14:19o kaya ang taga DPWH, kontraktor na rin.
14:23Kaya bibigyan na lang niya ng SOP ang politiko
14:25at babayaran ang nirentang lisensya ng construction company.
14:30Si Engineer Bryce Erickson po at si JP Mendoza,
14:33nagpapairam na po sila ng lisensya sa akin.
14:36So ako naman po, nagtiwala po dito sa dalawa na to
14:39na humana po na lisensya na gagamitin po sa mga proyekto nila.
14:46E iisipin ko po ba na isa pong opisyal ng DPWH na nire-respeto ay gagawa po ng ghost project.
14:54May porsyento rin ang congressman na pinaradahan ng inserted project
14:59na kung tawagin ay parking fee o pass-through.
15:02Dahil sa hatian sa pera ni Juan, may mga ghost project
15:07o kaya substandard na flood control project.
15:10Dahil swerte na kung may matirang 30% para ipatupad ang isang proyekto.
15:17Maraming scheme eh, kasi bulky yung peso.
15:19Kung minsan ang gusto na nung funder is
15:23i-convert mo na into, deliver mo na into dollars
15:27o euros, kung anong denomination.
15:30Trivia time! Alam nyo ba kung gano'ng kabigat ang isang bilyong piso?
15:35Ang bawat isang perang papel, tinatayang nasa isang gramo ang bigat.
15:39Kung pig isang libong piso yan,
15:41kailangan ng isang libong piraso ng 1,000 peso bills
15:45para makabuo ng isang milyong piso.
15:47Kaya ang isang milyong piso, tinatayang nasa isang kilo ang bigat.
15:52At ang 1 billion pesos, nasa humigit kumulang isang tonelada.
15:57Talagang heavy gut.
15:58Ayon sa People's Budget Coalition, insertions ang pinalit ng mga nasa gobyerno
16:03nang tanggalin ang pork barrel noong panahon ng Aquino administration.
16:07Nagsimula raw lumobo ang insertions noong 2018.
16:11Yung pork barrel din, nakalista yung amounts.
16:13Yung insertions, hindi siya obvious.
16:15Sa ngayon, you really have to do like some forensic accounting.
16:18Ngayon siya lumalabas kasi nga parang lumabasin mong lahat ng data.
16:20Para raw mangyari ang ganitong kalawak na korupsyon,
16:24ayon kay dating BPWH Secretary Rogelio Simpson,
16:27sangkot lahat ng sangay ng gobyerno.
16:30Lahat sila, inborn.
16:31Lahat meaning legislative, executive, lower house, senate, executive.
16:38Let's face it, liwanag naman, di ba?
16:41Nagtuturoan na ngayon.
16:43The contractor was the linspin na pinagsama lahat yan.
16:49Kaya sabi ni Magalong, isa itong highly organized crime syndicate sa ating gobyerno.
16:55Tinuro niyang isa sa mga mastermind ay si Congressman Zaldi Co.
17:01Pamilya ni Co ang may-ari ng SunWest Inc.,
17:04isa sa labing limang contractor na naka-corner ng 20% ng total budget para sa flood control projects,
17:11sa nakalipas na tatlong taon.
17:13Dati nang sinabi ni Co na nag-divest na siya ng interes sa kumpanya.
17:17Hirap na hirap silang banggitin ba yung isa sa mga mastermind nila dyan,
17:21si Zaldi Co, hirap na hirap pa silang banggitin.
17:23For some reason, eh,
17:26for some reason, di ko rin alam kung bakit takot na takot,
17:29baka meron pa mas mataas sa kanya.
17:32Hindi naman basta-basta gagalaw yan.
17:34Nagulat naman daw si Co na nabanggit ni Magalong ang kanyang pangalan
17:37nang hindi sinasabi kung ano ang ginawa niya.
17:39Muli rin niyang itinangging nasa likod siya ng anumang katiwalian.
17:43Nabalitahan na raw niyang makakasama si Magalong sa independent commission
17:47na mag-iimbestiga ng flood control project,
17:50pero nagsasalita na si Magalong laban sa kanya patay sa chismis at haka-haka.
17:56Mahaba at masalimuot ang magiging investigasyon sa kontrobersya sa flood control projects.
18:02Kaya dapat maging mapagmatsyag sa ating pagbabantay sa kaban ng bayan.
18:07Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, nakatutok.
18:12Ben, 4 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended