00:00Arestado sa Ninoy Aquino International Airport ang isang babaeng sangkot sa pagpuslit ng tatlong individual para magtrabaho sa Scamhub sa Cambodia.
00:10Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:14Huli sa akto ng Bureau of Immigration ng isang babae na nagtangkang magpuslit sa Ninoy Aquino International Airport ng tatlong individual para magtrabaho sa Scamhub sa Cambodia.
00:26Ang babae, kinilala bilang si Alias Rosa at ginamit pa umano nito ang kanyang apat na taong gulang na anak para pagmukain magkakasama lang sila sa bakasyon sa Kuala Lumpur.
00:38Pero kalaunan, napaamin ang mga individual na inalok talaga sila na makapagtrabaho sa Cambodia bilang customer representatives at mula Kuala Lumpur ay saka sila babiyahe papuntang Cambodia.
00:50Inami naman ang mga individual na nakita lang nila ang trabaho online at si Alias Rosa ang nag-ayos ng kanilang mga dokumento upang makabiyahe.
01:00Sa ngayon, nasa kustodiyan na ng Interagency Council Against Trafficking o IACAT si Alias Rosa at sasampahan na ito ng patong-patong na kaso.
01:09Ayon naman kay BI Commissioner, ang modus na ito ay tinatawag na bit-bit scheme kung saan may kunyaring travel company ang mag-aasikaso ng mga dokumento para makabiyahe palabas ng Pilipinas.
01:21Pero peke pala ito.
01:23Muli namang nanawagan ng BI sa mga nagahanap ng trabaho.
01:26Huwag basta-bastang maniniwala sa mga inaalok sa social media o online dahil talamak ngayon ang mga nabibiktima ng mga scum hubs sa ibang bansa.
01:35Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.