Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
DOJ, bumubuo ng grupo sa NBI para sa forensic accounting ng halagang nakuha ng mga Discaya sa mga proyekto | ulat ni Lousa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilatag ng Justice Department ang ilang kondisyon para makapasok sa Witness Protection Program
00:05gaya ng mag-asawang Sarah at Curly Descaya.
00:08Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:12Bukas ang Department of Justice sa posibilidad na gawing state witness ang mag-asawang Sarah at Curly Descaya
00:19matapos nga ang mga ibinulgar nila hinggil sa mga anomalya sa flood control projects
00:24sa naging Senate Blue Ribbon Committee kahapon.
00:27Pero hirit ni Remulya, hindi basta-basta ang pagiging state witness.
00:32Kung hanap nila ay immunity mula sa kaso, ibalik nila ang mga nakulimbat nilang pera mula sa mga nakuha nilang kontrata.
00:40Kung meron silang nakukuhang pera ang hindi dapat, isa-uling nila sa Republika.
00:46You give it back to the state where it rightfully belongs before you can even be considered for immunity.
00:55Hindi rin naman Anya magbabase ang DOJ kung magkano lang ang gusto nilang perang ibalik sa gobyerno.
01:01May binubuo ng grupo ang DOJ sa National Bureau of Investigation para gumawa ng forensic accounting
01:07sa halaga ng kabuoang perang nakuha ng mga diskaya at iba pa sa mga flood control projects.
01:14Ganito rin ang sentimiento ng Malacanak.
01:17Hindi Anya ipinagkakait ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hiling na proteksyon ng mga diskaya
01:23at sa mga lalabas na witness na magbubunyag sa katiwalian.
01:28Pero kung tutuusin, kulang pa ang detalyang ibinunyag ng mag-asawa sa pagdinig.
01:33Mas magandaan niya, ibulgar na nila ang buong kwento.
01:36Ang magusta natin madinig sa lahat ay yung mga kailan, yung kabuoang kwento.
01:43Baka kasi nagiging selective lang sila at wala tayo nakikitang kailan nag-start.
01:48Ito bang mga binanggit nila from the time ng 2016 o ngayon lang?
01:54Meron bang naprotektahan o selective lang?
01:58Pero hindi naman isasantabi ng Malacanang ang mga aligasyon na natalakay sa pagdinig,
02:03lalo na ang hingil sa isang opisyal umano ng DPWH na tumatawag pa
02:08at nag-aalok sa ilang senador na magsingit ng panukalang pondo para sa susunod na taon.
02:14Hindi pwedeng basta-basta tayo mag-name drop,
02:17dahil baka may maapektuhan naman mga inosente.
02:19Kapag po nakita ito na talaga po merong maaaring probable cause
02:24sa ibinibintang o inaakusa sa sino mang kawanin ng DPWH,
02:29yan po ay maaaring preventive suspension o kaya dismissal kagad.
02:34Samantala, handa naman anya ang DOJ na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order
02:39laban sa mga pangalang nabanggit sa pagdinig kahapon
02:42kapag hiniling ito ng Senate Blue Ribbon Committee sa kanila.
02:46Kahit ito pa ay opisyal ng ahensya, leader at miyembro ng Kamara
02:51o kawani ng gobyerno, walang sisinuhin ang DOJ.
02:54If it's in the names that are submitted to us, we will just act under the said principles that we have to follow.
03:05We do not choose between rich and poor.
03:07We do not choose to protect the rich and persecute the poor.
03:14We do not do that.
03:15Kung sino ang may sala, katamaan talaga sa batas.
03:19Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended