Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 4, 2025


- Breaking News: DTI Sec. Roque: Herbert Matienzo, nag-resign bilang PCAB executive director


- Flood control project sa Brgy. Sipat na ginagawa pa rin kahit dapat tapos na noong 2024, iinspeksyunin ng DPWH


- Unang batch ng immigration lookout bulletin orders para sa mga sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, pirmado na ni DOJ Sec. Remulla | ilang taga-DPWH at contractors na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, ipinalalagay sa immigration lookout bulletin | Sen. Marcoleta: ilang isinasangkot sa maanomalyang flood control projects, wala na sa Pilipinas | Sen. Marcoleta: Marami pang contractors at taga-DPWH na gustong tumestigo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay sa flood control projects | Sen. Dela Rosa: Dapat imbestigahan ang flood control projects sa iba't ibang administrasyon | Mahigit P881B panukalang budget ng DPWH sa 2026, pinapa-review ni PBBM | Bidding sa DPWH projects na popondohan ng gobyerno, pinasuspinde muna ni DPWH Sec. Dizon | Pasig City Gov't., nakikipagtulungan din sa imbestigasyon sa flood control projects


- Career sa DPWH ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, inusisa ng House Infra Committee | Bulacan 1st District Engineering Office, may pinakamalaking project cost sa mga implementing office ng DPWH | Ghost project sa Brgy. Piel na nabuking ni PBBM, Ipinatupad sa ilalim ni Alcantara | Alcantara, inaming siya ang nag-propose na maisali sa National Expenditure Program ang ilang kinukuwestiyong flood control projects sa Bulacan | Rep. Terry Ridon: Reklamong plunder ang posibleng isampa laban kay Alcantara | Sen. Joel Villanueva, itinangging naka-transaksiyon si Alcantara | Malacañang sa pagsusugal ng mga taga-gobyerno: Hindi na dapat sila pagsabihan; responsibilidad nilang maging matinong opisyal


- Malacañang sa sinabi ni VP Duterte na kayang tapusin sa 1 araw lang ang imbestigasyon sa flood control projects: Absolutely preposterous. Hindi ito tokhang


- Presyo ng karneng baboy, taas-baba sa pagpasok ng "ber" months


- Mga tricycle driver, maaari na ring bumili ng P20/kg bigas mula Sept. 16, ayon sa Dept. of Agriculture


- Ilang jeepney na depektibo ang ilaw o pudpod ang mga gulong, pinuna ng SAICT | Mga motoristang nahuling lumabag sa road safety rules, sinita rin ng SAICT


- Rocco Nacino, sasabak sa professional wrestling sa September 14


- Allen Ansay, gumaganap na Police Corporal Allan Matibag sa "Sanggang-Dikit FR"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Personal daw ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Matienzo.
00:33Matatandaang nadadawid sa kontrobersyal na flood control projects, ang PCAB, na itinanggi ng ilan nilang opisyal.
00:43I-inspeksyonin ngayong umaga ng Department of Public Works and Highways na isang flood control project sa Bulacan na ginagawa pa rin kahit tapos na dapat noong nakaraang taon.
00:52May unang balita live si Bea Pinla.
00:55Bea!
01:00Marilis, narito po tayo sa Barangay Sipat, Plaridel, Bulacan.
01:04Kasama natin ang DPWH para silipin itong flood control project sa lugar.
01:08Kung makikita natin, bahagi nitong dike ay ginagawa pa rin.
01:12Ayon sa barangay, extension lang daw ito ng proyekto na nasa tatlong linggo pa lang mula ng simulang gawin.
01:18Ayon sa DPWH, may flood control project dito na dapat 2024 pa natapos.
01:22Sa ilalim yan ng kontraktor na Wawaw Builders.
01:25Isa ang Wawaw Builders sa mga nasa listahan ng top 15 kontraktors na tinukoy ni President Marcos na nakakorner ng malalaking flood control projects at ipinatawag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
01:39Umarap ang kinatawa ng kumpanya sa Senado pero tumangging sumagot sa mga tanong.
01:44Marisa, ngayon inihintay pa rin natin na dumating si DPWH Chief Vince Dizo na siyang mangunguna sa inspeksyon dito ngayong umaga.
01:52Yan muna ang latest mula rito sa Plaridel, Bulacan.
01:54Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
02:03Nakatakdang ilabas ng Department of Justice ngayong araw ang buong listahan na matauhan ng Department of Public Works and Highways at contractors na ipinalalagay sa Immigration Lookout Bulletin.
02:13Sila po yung mga sangkot o mano sa mga kwestiyonableng flood control projects.
02:18Ngayon ang balita si Joseph Moro.
02:2426 na individualang pinababantayan ng DPWH kung lalabas sa bansa batay sa request sa DPWH Secretary Vince Dizon sa Department of Justice.
02:34Kasama sa hiniling ng DPWH na Immigration Lookout Bulletin Order,
02:38si na dating Bulacan District 1 Engineer Henry Alcantara,
02:41dating OIC Bulacan District 1 Engineer Bryce Erickson Hernandez,
02:45at OIC Assistant District Engineer JP Mendoza.
02:49Ipinalista rin sa Lookout Bulletin ang pinakamataas na opisyalo,
02:52may ari ng labing limang kontraktor na may pinakamalaking na corner ng mga flood control project,
02:58tulad din na Alex Abelido ng Legacy Construction,
03:00at mag-asawang Sara at Curly Diskaya ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation.
03:07Sinabi na ng mga diskaya na hindi sila magtatago at igagalang ang buletin.
03:12Ang isa rin kontraktor na LRT Key Builders Incorporated,
03:15handa rin daw dumalo at nagbigay ng impormasyon sa investigasyon ng Senado at Kamara.
03:20Sinusubukan naman naming hinga ng pahayagang iba pang nakalista na madadagdagan pa ayon kay Dizon.
03:26May hiwalay na rin request ang Senate Blue Ribbon Committee para ilagay rin sa buletin
03:31sina Alcantara Hernandez at DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
03:36Di gaya ng whole departure order hindi haharangin ang mga nasa Lookout Bulletin,
03:41pero ipapaalam sa Justice Department kung nasa airport sila o mga pantalan
03:45para malaman muna kung may arrest order laban sa kanila.
03:49Sa impormasyon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcureta,
03:52may mga sangkot sa isyo ng flood control na wala na sa Pilipinas.
03:56Yung mga nagsasabi sa akin na patawarin ko na sila, nasa Amerika, nagtalanig.
04:01Iba?
04:01Hindi naman, ibig sabihin, lumabas dahil doon.
04:05Meron nandyan sa ibang bansa.
04:08Maamalay mo, baka umuwi naman sila.
04:10Hindi ko naman sinabi na nagtago o usang tumakas.
04:14Hindi.
04:15Kasi sa impormasyon, inahanap nga kung present sila,
04:19may nagsasabing nasa ibang bansa.
04:21Yan lang.
04:23Dagdag ni Marcureta, may mga interesado o manuntumistigo na nagparamdam sa kanya,
04:28ilan sa kanila kontraktor at meron ding taga DPWH.
04:32Sa lunes, ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon ukoy sa mga flood control project.
04:37Yung pinakauli, isang pina, hindi niya pinakinggan, warant of others talaga ang hahabo sa kanila.
04:45Sabi naman ni Sen. Bato de la Rosa, lahat ng flood control projects sa iba't ibang administrasyon dapat imbestigahan.
04:52Noong hearing nitong lunes, sinabi ni Sara Descaya na pumasok sila sa flood control projects
04:57mula noong 2016, panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:01Ano mo, pera ng bayan yan eh, pera ng bayan yan eh.
05:05Hindi, hindi porque during the time of PRRD, i-exempt natin sa imbestigasyon.
05:10Noong gumawa sila ng kulukuhan, kahit na panahon pa ni Pinoy,
05:13noong pa yan, panahon pa ni Pinoy sila dahil nagkakuha ng mga kontrata sa gobyerno, di ba?
05:19Eh, kung meron sila mga ginagawang kulukuhan, noong dapat imbestigahan lahat yan.
05:25Pinare-repaso rin ang Pangulo kay Dyson at kay Budget Secretary Amena Pangandaman
05:30ang mahigit 881 billion pesos na hinihingin budget ng DPWH sa Kongreso.
05:36Puna kasi ng ilang senador, pare-pareho ang halagaan ng ilang proyekto para sa magkakaibang lugar.
05:42Susuyurin din ang DPWH yung mga umunig ghost project.
05:45Ayon kay DPWH Secretary Vince Dyson, personal niyang i-inspeksyonin
05:50ang mga umunig maanumalyang flood control projects sa mga susunod na araw.
05:54Iniutos din ni Dyson na dalawang linggo munang suspendido ang bidding
05:58para sa mga proyekto ng DPWH na pupondohan ng lokal na budget
06:03para matiyak na hindi maanumalyak kabilang ang pagbibid ng iba-ibang kumpanya
06:07pero iisa lamang pala may-ari.
06:09Lahat muna, pause. Foreign assisted projects will continue.
06:15Kasi yun, kampante tayo na maayos yun dahil nakabantay
06:20ang ating mga advisors, ang ating mga foreign funders doon.
06:25Yung mga na-bid na, na-award na, kaya nga yun, babantayan natin.
06:30At hindi tayo papayag ng ghost, hindi tayo papayag ng substandard.
06:35Nakikipagtulungan naman ang Pasig City Hall at ibinigay sa hindi tinukoy
06:38ng National Government Agency ang hiningi nito mga dokumento
06:42kaugnay ng ilang kumpanya sa Pasig kabilang ang business permits.
06:46We're doing our own parallel investigations. Ang importante dito, managot ang kailangan managot.
06:53Whether they're government officials, contractors, suppliers, politicians or career officials.
07:05Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
07:16Nagbabala ang House Infra Committee na posibleng sampahan na reklamang plunder
07:19ang dating pinuno ng First Engineering District Office sa Bulacana si Henry Alcantara.
07:24Sa gitna ito ng pagkakadiskubre sa mga anomalya-umano sa flood control projects sa ilalim ni Alcantara,
07:29ay unang balita si Tina Panganiban Perez.
07:31Bago pa pumutok ang issue ng flood control projects, nakapanayam ng GMA Integrated News si dating District Engineer Henry Alcantara
07:43ukol sa problema ng mga lubak-lubak na kalsada noong 2022.
07:48District Engineer pa siya noon ang First Engineering District Office ng Bulacan.
07:53Actually, most of the national roads po namin, ang Manil-Lot Road, ay talaga naman pong medyo heavily damaged na po yan
08:02because of the overloaded trucks na dumadaan sa amin.
08:05Tatlong taon makalipas, si Alcantara ginigisa ngayon sa kaugnayan niya sa ilang ghost flood control projects sa Bulacan
08:13na bunyag pati ang pagkakasino niya at paggamit ang alyas para makapagsugal.
08:18Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee, inusisa si Alcantara sa kanyang naging karera sa DPWH.
08:26Kwento ni Alcantara, natubong Bukawe Bulacan, engineering graduate siya mula sa University of Santo Tomas.
08:34Nagsimula raw siya sa DPWH noong 1994.
08:38Ano pong unang posisyon na hinawakan po ninyo?
08:40I was a, nagsimula po ko, job order. Ang item ko po ay laborer 1, naging laborer 2, naging engineer 1.
08:50Every 6 months po because I was a casual employee at that time.
08:54Taong 2019, naging district engineer siya ng First Engineering District ng Bulacan.
09:00Sino ang nag-assign sa iyo to be a district engineer?
09:04The former Secretary Mark Villar.
09:06Secretary Mark Villar. Ano pong ibig sabihin nun? Malakas ka ba ka Secretary Mark Villar o ikaw lamang ay tamang tao na ilagay dyan?
09:20Nag-apply lang po kayo nun.
09:21Bago siya na-relief, na-promote pa si Alcantara bilang officer in charge ng Office of the Assistant Regional Director ng DPWH Region 4A nitong Junyo.
09:33Bilang pinuno ng Bulacan First District Engineering Office, hawak ni Alcantara noon ang labintatlong LGUs sa Bulacan,
09:40kabilang ang mga bahaing bayan ng Hagonoy, Baliwag, Kalumpit at Malolos.
09:45Ang kanyang District Engineering Office ang may pinakamalaking project cost sa lahat ng Implementing Office ng DPWH.
09:54Merong 450 flood control projects.
09:57Ang total cost ay $28.9 billion, basa sa dato, sa sumbong sa Pangulo website mula 2022 hanggang 2025 noong panahon ni Alcantara.
10:08Sa ilalim ni Alcantara, pinatupad ang Reinforced Concrete River Wall Project sa Barangay Piel, Baliwag, Bulacan na inaward sa Sims Construction Trading.
10:18Ito yung proyektong na booking ni Pangulong Marcos na isa palang ghost project.
10:23I'm getting very angry.
10:26Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee, lumabas na inaprobahan ni Alcantara ang pagbabayad ng P55M sa proyekto kahit hindi ito nagawa.
10:35Si Alcantara rin ang pumirma sa dalawa pang kontrata para sa dalawa pang konekwestyong flood control project sa Bulacan.
10:43Isa kasama ang St. Timothy Construction Corporation ni Sara Diskaya at isa kasama ang Wawaw Builders.
10:50Kayo po ba ang nag-propose ng mga projects na ito para may sali doon sa NEP ng district office niyo?
11:01Yes, Sir Ronald.
11:02Yes.
11:02So, kayo ang nag-propose?
11:05Walang iba kundi kayo?
11:06Yes, Sir Ronald.
11:07Okay.
11:08So, walang politiko na involved dito.
11:11Kayo po ang nag-propose na ito?
11:14Yes, Sir Ronald.
11:15Babalaan ng House Infrastructure Committee, reklamong plunder ang posibleng harapin ni Alcantara.
11:22As soon as I've seen the documents and as soon as I've heard the admissions of District Engineer Alcantara,
11:29ang malinaw po sa akin ang maximum criminal charge na pwede po ikaso kay District Engineer Alcantara sa SIMS Construction Trading,
11:38yung kanila pong managing officer po doon, ay kaso na hindi po bababa dapat sa plunder.
11:45Again, ang project amount po ay 55 million.
11:49Ang threshold for plunder ay 50 million.
11:53Sa pagharap ni Engineer Alcantara sa House Infrastructure Committee,
11:57inamin niyang may pagkukulang siya.
11:59Pero hindi ito ubra sa Infracom dahil malaki raw ang papel ni Alcantara
12:03sa mga umanoy ghost at substandard flood control projects.
12:08Negligence is going to be his defense in court.
12:13And this is something that we reject.
12:14Ikaw yung boss ng opisina, hindi uba?
12:17So you cannot pin the staff down, you cannot pin the ordinary employee down.
12:22It was you who was the boss in the District Engineering Office.
12:27Wala hong iba.
12:28Sinisika pa namin makuha ang panig ni Alcantara.
12:32Pagtitiyak ng House Infrastructure Committee,
12:35mananagot ang iba pang sangkot sa mga questionabling flood control project.
12:39Hindi lang ho siya fish, baka whale.
12:44Kasi talagang, ang dami ho talaga mga bagay na talagang pinakialaman niya.
12:50Dito po, and syempre may showing pa ho talaga na yung kanyang lifestyle is really different from ordinary engineers,
12:57ordinary employees of DPWH.
12:59Ang majority leader sa Senado na si Sen. Joel Villanueva, dumistan siya at iginiit na wala siyang transaksyon kay Alcantara.
13:08Pinaplano rin daw niyang magharap ng reklamo laban sa mga nagpapakalat na mga larawan at video na kasama niya si Alcantara.
13:16Sir, wala kayong transaksyon with Alcantara?
13:19Wala kayong transaksyon?
13:20Ano ba yung transaksyon?
13:21District engineer siya.
13:23Lahat ng senador, lahat ng sekretary na pumunta sa presidente ng Pilipinas, nandun nakakasama siya.
13:29So, yun ba? It's an evidence na sangkot?
13:33Bakit si Joel lang yung tinuturo?
13:36Bibigyan ko kayong lahat ng picture nilang lahat.
13:38Bibigyan ko kayong lahat ng video nilang lahat.
13:41So, bakit? Bakit ako?
13:43Bakit ako?
13:43Kasi nagpapagulo sila.
13:45Gusto nilang guloy.
13:46Kognay naman ang nabunyag na pagsusugal ni Alcantara, kahit bawal sa mga taga-gobyerno, nagpaalala ang Malacanang.
13:53Alam po nila yan. Hindi na po sila dapat pagsabihan.
13:56Kahit po yung online gambling, hindi po pwede.
14:00Bawal po yun.
14:01So, manalaking na po sila.
14:03Responsibilidad nila yan na dapat maging matino silang public official.
14:08Ito ang unang balita.
14:09Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
14:13Absolutely preposterous o malaking kalokohan.
14:19Yan ang sagot ng Malacanang sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na kayang tapusin sa isang araw ang investigasyon sa flood control project sa bansa.
14:27Ang seryoso lang talaga ang Presidente.
14:34Tapos na yan isang araw lang, matuturo niya lahat na may kagagawa ng korraksyon sa flood control.
14:44That is absolutely preposterous.
14:48Ang Pangulong Marcos Jr., hindi po siya nagsasagawa ng investigasyon alatokhang way.
14:58Niririspeto ng Pangulo ang due process.
15:00Kung isang araw lang po dapat ito naimbestigahan,
15:03sana po ay ito ay kanyang nasagyes noon sa kanyang ama.
15:09Ipinakita pa ng Malacanang isang artikulo kung saan binanggit ni Nooy Pangulong Rodrigo Duterte na talamak
15:15ang ghost project sa Department of Public Works and Highways.
15:19Sa isang briefing noong November 5, 2020, sinabi ng dating Pangulo na pinaiimbestigahan niya ang umanoy ghost projects
15:24na anya'y pinakamalaking source ng korupsyon sa DPWH.
15:29Ngayon man, sabi ni Castro, walang nagawang solusyon ang dating Pangulo.
15:32Taas mo ba raw ang presyo ng karnin baboy sa pagpasok ng bare months?
15:45Bago mag-add to cart, price check muna tayo at live mula sa Marikina, may unang balita si EJ Gomez.
15:51EJ?
15:56Iga, nasa ika-apat na araw pa lang tayo ng September.
15:59Kapag ganitong kapapasok ko kasi simula lang ng bare months, maraming items ang kalimitan, tumataas ang presyo gaya na lang ng baboy.
16:10Chinack natin ang latest na presyuhan dito sa Marikina Public Market.
16:13Tuwing madaling araw namimili sa palengke ang pamilya ni Thelma.
16:21Ngayong araw, gumastos daw siya ng 660 pesos sa mga pinamili niyang baboy.
16:27Nalulutuing adobo at sinigang para sa kanyang pamilya.
16:31Ramdam na raw ang bahagyang pagtaas ng presyo ngayong nagsimula na ang bare months.
16:36Sabi ng tinderong si Rexter, taas ba ba raw ang presyo ng karneng baboy nitong mga nakalipas na araw.
16:51Ang maganda yung presyo ngayon na baboy ngayon kasi hindi masyadong tumataas, bumaba-aba pa, mga 5 peso lang ano.
16:59Susunod na buwan niyang madam, taatas na yan. Sana hindi pa tumakas para maganda-ganda pa yung paninda natin.
17:05Kasi matumal, tapos mahal pa ang baboy, lara.
17:07Ang kada kilo ng liyempo rito sa Marikina Public Market, nasa 360 pesos hanggang 390 pesos ngayon.
17:15300 pesos to 320 pesos naman ang iba't-ibang klase ng laman.
17:20Ang ribs, aabot sa 330 pesos ang kada kilo. Habang ang pata, mabibili sa 260 pesos.
17:28Ang kasambahay na si Ninita, namamalengke ng dalawang beses sa isang linggo. Medyo nag-a-adjust na raw siya ngayon ng budget.
17:35Baka mga next month o next week, baka po tumaas. Sana po ma'am huwag tumaas para sakto lang sa budget pagdating ng December.
17:50Igan, sabi pa ng mga nakausap natin, nagtitinda dito sa Marikina Public Market, okay naman daw sa ngayon yung supply na nakukuha nila.
17:58Pero sa mga susunod na buwan daw, posibleng tumaas ang presyo kada kilo ng baboy mula limang piso hanggang sampung piso.
18:06At yan, ang unang balita mula rito sa Marikina City.
18:10EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
18:14Nag-aabang na ang super sa Kern City para makabili ng 20 pesos kada kilong bigas.
18:21At yan, ang unang balita live ni Alan Gatos ng Super Radio DCWB.
18:24Alan.
18:27Igan, masaya ang mga tricycle driver dito sa kanilang terminal sa Old Capital site na mapapasama na sila sa mga makakabili ng 20 pesos kada kilong bigas.
18:36Ito'y matapos na inanunsyon ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr. na umpisa sa September 16 ay sisimulan na ang pagbibenta ng 20 pesos kada kilo ng bigas sa kanilang sektor.
18:48Ayon sa ilang tricycle driver, malaking tulong ito sa kanila.
18:52Malakian nila ang kanilang matitipid, lalo pat hindi naman malaki ang kanilang kinikita sa pagpasada ng tricycle.
18:58Sa ngayon kasi, mahal ang kanilang nabibidim bigas sa palengke na kadalasan ay umaabot ng 50 pesos kada kilo.
19:06Nakikipagugnay na ang DE sa Department of Transportation para matukoy na ang mga benepisyaryo.
19:11Sa ngayon ay lima ang tinukoy na pilot area para sa pagsisimula ng pentahan ng burong bigas.
19:18Igan?
19:19Maraming salamat. Alan Gatos ng Super Radio DCWB.
19:22Kinumpis ka ang lisensya ng ilang motorista sa Maynila dahil sa iba-ibang paglabag sa batas trapiko.
19:29May unang balita live si James Agustin.
19:31James!
19:36Igan, good morning. Umabot na sa labing dalawang driver yung natikitan sa inspeksyon ng SAIC ngayong umaga dito po sa lungsod ng Maynila.
19:44Maga nagkasan ang inspeksyon ng Special Action Intelligence Committee for Transportation o SAIC sa Quezon Boulevard sa lungsod ng Maynila.
19:50Sunod-sunod na pinara mga pampasaherong jeep.
19:53Wala naman nakitang paglabag sa unang tatlong jeep pero ang isa, depektibo ang lahat ng ilaw.
19:58May dalawa rin jeep na pudpud na ang mga gulong.
20:00Ang mga pasaherong na abala, bumaba na lang para makalipat ng masasakyan.
20:04Pinahinturi ng isang UV Express na hindi nakasuot ng seatbelt ang driver.
20:08Hindi rin pinalampas ang isang motorcycle rider na walang suot na helmet ang angkas nito.
20:13Habang ang isang motorsiklo ay tatlo ang sakay, kabilang na ang isang bata.
20:16Kinuha ang lisensya ng mga driver at inisuhan sila ng Temporary Operators Permit o TOP.
20:22Ang mga jeep naman ay tinanggalan ng plaka.
20:46Mga driver or operators na i-check or i-monitor mabuti yung jeepney so that hindi maabala yung mga computers.
20:54May mga natanggap po tayo mga reklamo galing po dun sa ating mga kababayan na sinasabi nga po maraming pampublikong sasakyan na dumadaan dito po sa kahabaan ng Quezon Boulevard
21:05na napapansin po nila hindi ligtas na pumasada sapagkat may mga problema po o may mga depektibong parte yung kanika nila mga sasakyan.
21:14Samantala, Igan, nagpapatuloy ngayon yung inspeksyon ng mga operatiba ng SAIC.
21:23Yung mga jeep naman na tinanggalan ng plaka ay subject for actual inspection sa LTO Central Office sa Quezon City.
21:31Yan ang unang balita mula dito sa lungsod ng Maynila.
21:33Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
21:44Alright, the stage is set para sa professional wrestling debut ni Sparkle Artist Rocco Dacino.
21:50Wow, nirevilla ng Filipino Pro Wrestling sa kanilang social media accounts.
21:56Mga katapat ng Encantadio Chronicles Sangre Star sa wrestling arena si Tiago The Gym Bro Santiago sa September 14.
22:04Last April, nang i-prank ni Rocco ang wifey niyang si Belisa na mag-cameo ang aktor sa wrestling match ng FPW.
22:11Grabe naman, tinawag ni Rocco na Price Test ang reaction ni Melissa sa pangulo niyang birthday drama.
22:19Kilala si Rocco sa pagiging sporty na marunong sa Jiu-Jitsu, Mixed Martial Arts at iba pa.
22:25Sa kanyang vlog, sinair ni Rocco na gusto daw niyang pasukin ang professional wrestling.
22:31Why not?
22:32Kaya!
22:33Samantala, another poggy reinforcement ang napapanood sa JMI Prime Action Series na Sanggang Dikit for Veal.
22:43Ready for action na si Sparkle star Alan Ansay na gubaganap bilang Police Corporal Alan Matibag na assigned sa undercover mission kontra droga sa serye.
22:52Siya ang kapalit ni Police Corporal Wilbert Mariano, played by Will Ashley.
22:58Kasangga ng karakter ni Alan si Sparkle Talent Matthew Uy na gumaganap bilang Vince.
23:04Abangan niyan gabi-gabi sa JMI Prime ang Sanggang Dikit for Veal, 8.50pm.
23:09Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
23:22Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended