Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 10, 2025

- Ex-Bulacan Asst. 1st Dist. Engr. Hernandez: Sen. Estrada at Sen. Villanueva, kumuha ng kickback sa flood control projects | Engr. Hernandez: Si Engr. Henry Alcantara ang nag-deliver ng pera kina Sen. Estrada at Sen. Villanueva pati kay DPWH Usec. Bernardo | Ex-Bulacan 1st Dist. Engr. Alcantara: Wala akong tinatanggap o dine-deliver na pera sa mga politiko | Engr. Alcantara, itinangging magkakilala sila ni Sen. Estrada | Mga larawan ng limpak-limpak na perang na-deliver umano kay Engr. Alcantara, ipinakita sa pagdinig ng Kamara | Screenshot ng mga mensahe umano nina Sen. Villanueva at Engr. Alcantara sa isang messaging app, inilabas din | Sen. Villanueva at Sen. Estrada, itinangging may kickback sila mula sa flood control projects | Sen. EStrada, hindi raw kilala sina Engr. Hernandez at Engr. Alcantara; sasampahan din ng reklamo si Hernandez | Sen. Villanueva, iginiit na wala siyang itinatago; handa raw makipagtulungan sa anumang imbestigasyon | Engr. Hernandez na ipina-contempt ng Senado, inilipat sa PNP Custodial Center | DPWH, hiniling na ilagay sa immigration lookout bulletin si Ex-Usec. Roberto Bernardo

- Ilang manggagawa, dismayado na napupunta lang sa katiwalian ang kanilang ibinabayad na buwis

- Report ukol sa luxury cars ng Pamilya Discaya, posibleng ilabas ng Bureau of Customs ngayong araw

- Kampo ni FPRRD, umaasang papayagan ng administrasyong Marcos Jr. na makauwi sa Pilipinas ang dating pangulo sakaling payagan ng ICC ang interim release

- Cast members ng "Sanggang-Dikit FR," hataw sa kanilang dance entry

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:30May unang balita si Tina Panganiban Perez.
01:00May unang balita si Sen. Jingoy Ejercito Estrada, Sen. Joel Villanueva, Yusek Robert Bernardo at D. Alcantara.
01:15Dalawang senador at isang dating undersecretary ng DPWH ang kanyang tinuro na kumikikbak umano sa flood control project sa Bulacan.
01:25Si Sen. Jingoy po ay nagbaba ng P355M ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan.
01:36At ang sabi po ng boss ko dito ay 30% ang commitment dito.
01:41P600M last 2023 from Sen. Joel Villanueva.
01:46At ang SOP nito ay 30% din.
01:48Ang 30% commitment o SOP na sinasabi ni Engineer Hernandez ay yung napunta sa mga senador.
01:56Kung susumahin, P106.5M ang 30% ng P355M.
02:04P180M naman ang 30% ng P600M.
02:08Naideliver daw ang SOP na ito kay dating District Engineer Henry Alcantara.
02:13Basis sa sinabi umano niya kay Hernandez.
02:16Si D. Alcantara namin ang masasabing chief implementor.
02:20Siya po ang kumakausap sa lahat ng politiko na involved dito.
02:25At least 3% po siya sa lahat ng projects na dumadaan sa opisina namin.
02:30At pinapasabi pa nga sa amin sa mga contractor na kung gusto niyong magkaroon ng maraming projects sa susunod,
02:37ay magbigay kayo ng additional na 2% sa kanya.
02:40Parang finders fee daw.
02:41Ayon kay Hernandez, si Alcantara umano ang nagde-deliver ng pera sa mga politiko
02:47at kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na nagbitiuna kamakailan.
02:53Ang para kay Villanueva, hinatid parao mismo sa bahay ng senador.
02:58D-deliver sa bahay niya sa Bukawi ni D. Alcantara at dating hepe ng aming construction si Engineer JP Mendoza.
03:07Minsan, sabi ni Hernandez, sa opisina niya sa DPWH Bulacan, pinadadala ni Alcantara ang pera tulad ng dinala ni Sally Santos ng Sims Construction.
03:18Sa office ko po, dinadala ni Sally Santos lahat ng pera na nakakahon.
03:23Can you tell us, before this committee, kung gaano nakalaki ang dinalang pera ni Sally Santos sa office mo?
03:31Mula po nung 2022, billion na po.
03:37Lahat po nang dinedeliver ni Sally Santos na pera na nakakahon, wala po akong ginagalaw doon.
03:43Yun po ay pinakukuha rin ng boss ko sa opisina ko.
03:47Kaya lang po doon pinapalagay kasi wala pong taong umaakit doon sa opisina ko.
03:52Wala po akong katabing opisina doon.
03:53Napaka-santo mo naman, yung billion na hindi nababawasan at wala ka man lang party doon.
04:00Bula 2022, teka muna, 2022 hanggang anong taon, yung billion na yun?
04:072025 po.
04:082022 to 2025.
04:11Okay.
04:12Sabihin na natin, pag-deliver sa opisina mo, para kanino yun?
04:18Para kay District Engineer Henry Alcantara.
04:22Itinanggi ni Alcantara ang lahat ng sinabi ni Hernandez.
04:26Wala raw siyang tinatanggap na pera at di rin siya kumausap ng mga politiko at nagde-deliver ng porsyento.
04:33Yung sinasabi niya po na dinala niya sa akin ng pera, eh hindi po totoo at wala po akong tinatanggap tungkol po sa nanggagaling na transaksyon nila kay Sally Santos.
04:46Sa Senado, binanggit po ni Sally na sila po ang nangungontrata.
04:51Paano niya po ibibigay sa akin?
04:54Eh kung iyong po ay kontrata nila.
04:56Handyan po ang mga hepe namin na kasama namin dati.
04:59Handyan po ang project engineer na magte-testify po.
05:03Sila po ay mga biktima po ng pumumwersa at pamimilit ni engineer vice at engineer JP de Guzman Mendoza.
05:14Hindi po totoo yan na ako'y nagde-deliver sa mga politiko.
05:19Si Sen. Joel 2023, wala pong project na plant control si Sen. Joel ever since.
05:25At sino po ang makakaalam kung sino po ang naglalagay dyan? We are not part of the BICAM.
05:31Itinanggi rin niyang magkakilala sila ni Sen. Estrada.
05:35Sa isang punto, isang litrato ang pinakita ni Hernandez kung saan magkasama sina Alcantara at Estrada.
05:42Kung hindi po sila magkakilala, there was a time nag-birthday po si Sen. Jingoy sa Soler. Umaten po siya.
05:48Sabi ni Alcantara, naimbitahan lang daw siya ng ibang kaibigan.
05:54Nagpakita rin si Hernandez ng isa pang litrato kung saan magkasama sina Sen. Estrada at Alcantara.
06:00I'm just trying to show that Mr. Alcantara, Engineer Henry Alcantara and Sen. Jingoy Estrada have met a couple of times already.
06:12And they appear, what do they appear? Do they appear close?
06:15And they appear super close, Your Honor.
06:18Pag-ami ni Alcantara, noong Mayor si Erop Estrada sa Maynila, nasa DPWH Manila si Alcantara, kasama si dating Undersecretary Bernardo.
06:28Magkasama ko sa Maynila, magkasama ko sa DPWH.
06:33Tapos tinatanggi mo ngayon na wala kayong koneksyon kay Jingoy Estrada, Sen. Jingoy Estrada.
06:38Paano naman nangyari? Tingin nyo maniniwala yung mga taong bayan?
06:41Wala po kong personal na koneksyon po kay Sen. Jingoy, Your Honor.
06:45Nagpakita rin si Hernandez na mga litrato ng bulto-bultong pera na dineliver daw kay Alcantara.
06:52Nakaparte-parte na raw ang pera, depende sa pagbibigyan sa utos ni Alcantara.
06:58Pero di sinabi kong para kanino.
07:00Ang pera po na yun, nasa bahay na po yun, I think po, iyan po ay pera ng contractor po na nakolekta, nagamit ang ibang lisensya.
07:09Ipinakita rin ang screenshot na mga disappearing messages umano sa isang messaging app sa pagitan daw ni na Sen. Villanueva at Alcantara.
07:19Kinunan daw ito ng picture ni Engineer JP Mendoza na nagsabing ito raw ay tungkol sa requests para sa multipurpose buildings.
07:27Noong October 2023, na kung saan, nagre-request po si Sen. Joel na yung mga binasa po ni Engineer Bryce ng flood control.
07:39Sinasabi ni Sen. Joel na mababa lang yung kanyang pondo, subalit siya ang majority floor leader siya noong that time and member siya ng Commission on Appointment.
07:54Yung una po, yung kay Sen. Joel, ang tanda ko po diyan, nagre-request po siya ng mga multipurpose buildings kay Sekretary at that time.
08:04Tapos po, nung nando po kami sa healing sa Senate, kinausap ko po siya, sabi niya, nagre-request ako kay Sekretary, papalo up po na lang.
08:15Ilan po yan, wala namang po nakalagay diyan na ako'y may transaction ng financial sa kanya.
08:18Marihing itinanggini ni Sen. Estrada at Sen. Villanueva ang mga allegasyon laban sa kanila.
08:25Naggalit talaga ako, talaga napamura ako na napakasinungaling nitong tawang ito.
08:29If Mr. Hernandez truly stands by his allegations, I challenge him right now to take a lie detector test with me.
08:40Let us settle this once and for all and show the public who is telling the truth.
08:45Uulitin ko at parang sirang plaka na po ako, Mr. President.
08:49Wala po ako kailanman naging flood control project.
08:53Pinalaki po ako ng magulang ko na naniniwala ako sa langit at impyerno.
08:58Gihit ni Estrada, hindi niya kakilala si Hernandez.
09:02Just common sense.
09:04Will you think I will be actively participating in this investigation na nandun siya, nakilala ko siya, nagbibigay siya ng pera sa akin?
09:11Siguro he wants to get even with me because I was the one who cited him in contempt at pinakulong siya sa Senado.
09:22Hindi rin daw niya kakilala si Alcantara, kaugnay ng picture nila na pinakita sa pagdinig.
09:27I do not know, I cannot recall that event pero sa dami naman nagpapapicture sa akin, hindi ko naman pwede tangyan.
09:36E kung drug lord yan o gambling lord, malay ko naman kung drug lord yan o gambling lord, hindi ko naman matatangga kung sino nagpapapicture sa akin.
09:42Remember we are all public figures here.
09:45Balak din daw niyang magsampa ng reklamo laban kay Hernandez.
09:49Si Villanueva, iginiit na wala siyang tinatago at hindi rin daw niya pagtataksilan ang kanya mga prinsipyo.
09:55Hindi lang po kategorically denying yung binabatong putik sa atin at para dumihan ang ating pangalan.
10:05May resibo po tayo, madaling verifikahin, tayo po ay more than willing mag-undergo at sumali sa anumang investigasyon sapagkat wala po tayong tinatago.
10:17Ayaw ng patulan ng Senadora, mga sinabi ni Hernandez na umano'y gumagalaw sa kumpas na hindi niya tinukoy ang pangalan.
10:24Humiling si Hernandez ng proteksyon sa Kamara para doon madetine imbes na sa Senado kung saan na contempt siya.
10:32Pero ayon kay Senate President Tito Soto, napagkasundoan nila na sa custodial center sa Camp Krami i-detetine si Hernandez at ang Senate security ang magbabantay.
10:43Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig niya undersecretary Bernardo.
10:48Hiniling na ni DPWH Secretary Vince Disson sa DOJ na mag-issue ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa dating undersecretary.
10:58Ito ang unang balita, Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
11:05Ngayong bumabahan ang problema sa bansa sa gitna ng anomalya umano sa flood control projects, may hirit ang mga ordinaryong mamamayan.
11:13At live mula sa Fasay, may unang balita si Pam Alegre.
11:17Pam?
11:17Susan, good morning. Hindi madaling magtrabaho at pinaghihirapan talaga ang bawat buwis na binabayad natin.
11:27Kaya tinanong natin yung ilan natin mga kapuso kung ano yung kanilang pananaw na ganitong may mga revelasyon na posibleng napupunta sa korupsyon ng ating buwis.
11:34Narito ang street hearing.
11:40Doble kayo si Brian Cadayuna, rider sa magdamag at work from home pag-uwi sa bahay.
11:44Dalawa ang trabaho, parehong kinakaltasan ng buwis.
11:47Kaya dismayado siya sa mga naririnig na mga revelasyon sa mga Senate at House hearing na posibleng napupunta lang sa korupsyon ng ating mga binabayad na buwis.
11:55Siyempre sir, masakit sir kasi ako naturally dalawa trabaho ginagampan ako sir dito sa atin sa Pilipinas para mabuhay na maayos.
12:05Pero nung malalaman natin na pangit or napupunta lang sa kawalangiyaan ng ibang tao, pangit naman nun sir, di ba?
12:144.41 trillion pesos ang nakolekta ng ating pamahalaan na buwis noong 2024.
12:20Sa bilang na yan, 2.85 trillion pesos ang nagmula sa BIR o Bureau of Internal Revenue at 931 billion pesos naman mula sa BOC o Bureau of Customs.
12:32Ang nakokolekta ang buwis sa atin, marami dapat ang natutulungan at maraming proyektong na itatayo para sa lahat.
12:37Kaya naman lahat ng ating nakapanayam nagdaramdam nang malaman na napupunta lang pala sa katiwalaan ng kanilang pinaghirapan.
12:43Nahihirap naman po yung sir na pupunta lang po sa ibang-ibang kukurakautin lang po yung ating mga tax na ginagawa sa ating Pilipinas.
12:53Kasi nagbabayad naman tayo ng tama, kapas pupunta lang sa ibang mga kurap na tao.
12:59May lang manggagawa at nagbabayad ng tax.
13:04Ang sama rin sa loob namin yan kasi kung saan saan lang pala napupunta.
13:07Ang nakakaulam pala.
13:10Masakit kasi nagtatrabaho ka and then not knowing akala mo yung binibigay mong taxis on the right hand.
13:18Tapos ngayon namumulat tayo na hindi pala napupunta sa tamang tao.
13:23Mas masisipag tayong mga Pinoy.
13:25Nasasaya yung effort ng mga taong nasa baba, like us.
13:29Susan, sa loob ng 27 years, pinakamalaki na collect ang buis nung nakarang tao.
13:38Kaya umaasa rin yung ating mga nakapanayam na magamit na ito para sa lahat.
13:42At hindi lang sa bulsa raw, nang iilan.
13:44Ito ang street hirit. Mala rin ito sa Pasay.
13:46Bamalegre para sa GMA Integrated News.
13:48Posibleng ilabas na ngayong araw na We're of Customs ang kanilang report tungkol sa luxury vehicles ng pamilya Diskaya.
13:55Ang kay BOC Deputy Chief of Staff, Attorney Chris Bendijo,
13:59tutukoy nila kung aling mga sasakyan ang irirelease at aling ang kukumpiskahin.
14:04Isasama sa report ang mga detalya ng mga imported na sasakyan at kung nabayaran ba ng tama ang mga buis nito.
14:10Kahapon, isa pang luxury car ng pamilya Diskaya ang isinuko sa BOC.
14:14Sa kabuhuan, 30 imported na sasakyan ng pamilya Diskaya ang nasa kustodian ng customs at kasama sa kanilang investigasyon.
14:25Umaasa at kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan siya ng Administrasyon Marcos na makauwi sa Pilipinas
14:32sakaling payagan ng International Criminal Court ang hiling niyang interim release.
14:37Kamakailan ipinagpaliba ng ICC ang confirmation of charges, hearing para sa kasong crime against humanity ng dating Pangulo.
14:44Bunso nito ng hiling ng depensa dahil hindi raw fit ang dating Pangulo na humarap sa paglilitis.
14:51Sabi ni Atty. Nicholas Kaufman, ang kanilang hiling ay suportado ng leading medical experts.
14:58Hirap daw ang depensa sa lumalalang medical situation ni Duterte na nakaka-apekto raw sa abilidad niyang maunawaan ng mga ebidensya
15:05at magbigay ng instruction sa mga abogado.
15:10Wala mang pahayag ang malakanyang kaugnay nito.
15:13Samantala, time out muna sa matitinding eksena ang ilang veteran actors ng sanggang dikit for real para sa kanilang dance entry.
15:24Yung!
15:26Game sa paghataw, sina Nova Villa, Roy Vinson, Marina Benepayo at Alan Dizon.
15:33Siyempre, di rin nagpahuli sina Juancho Trevino, Hi Juancho, Sam Pinto, at Zonya Mejia.
15:41Nakikulit din sa dance entry na yan si Kapuso Drama King, Dennis Trillo, at Ultimate Star, Jenin, Mercado.
15:49Gabi-gabing sumaybayan ang sanggang dikit for real sa GMA Prime pagkatapos ng Encantada Chronicles sa Angkre.
15:56Ang cute!
15:57Tita Nobs!
15:59Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
16:03Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
16:11A move to the airport.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended