Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 19, 2025


- Pacifico Discaya, naka-detain sa Senado matapos ipa-contempt nang magsinungaling kaugnay sa hindi pagdalo ng asawang si Sarah sa pagdinig | Pacifico Discaya, inamin na nagbigay ng 10%-25% na kickback para makakuha ng flood control project | Senate Pres. Tito Sotto: Puwedeng humingi ng legislative immunity para hindi magamit laban sa inyo ang mga isinisiwalat sa pagdinig


- Ilang flood control projects sa Quezon City, ininspeksyon ng Independent Commission for Infrastructure


- Valencia CDRRMO: 4 nasawi dahil sa baha sa Bukidnon; 6 nawawala | Bangkay ng isang bata, natagpuan sa Brgy. Poblacion matapos humupa ang baha | Ilang kalsada sa Brgy. Poblacion, binaha; ilang residente, stranded | Mga Estudyante, stranded matapos pasukin ng baha ang CEntral Mindanao University | Clearing operations, isinagawa sa mga lugar na napinsala ng baha


- VP Duterte kay PBBM: Hindi dapat hinahayaang mag-resign o umalis ng bansa ang mga congressman na nadadawit sa anomalya


- Sexbomb Girls, may dance reunion concert sa December


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Cited in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee
00:15ang kontratistang si Pasifiko Curly Descaya
00:17matapos magsinungaling kaugnay sa dahilan
00:20ng hindi pagdalo sa pagdinig ng asawa niyang si Sarah.
00:26May heart condition din po siya
00:29at saka po, bali, nagpadala po siya ng letter po dito.
00:33Hindi ko lang po nabasa kung ano yung iba pang content.
00:35Regrettably, I have an important meeting with my employees
00:39on the day of the hearing to explain the problem
00:42that the company is facing now.
00:44Iba yung sinasabi, mismo na misis mo eh.
00:47Di ba kayo nag-usap?
00:48You lied. You lied.
00:51Paano pa kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?
00:54Dahil pinakontempt ng committee,
00:56nakadetain ngayon si Pasifiko Descaya sa Senado.
00:59Nag-issue naman ang shocker order para sa kanyang misis.
01:02Sa pagdinig, inamin ni Descaya na nagbigay sila ng kickback
01:05para makakuha ng flood control project.
01:08Paliwanag niya, wala silang nagawa o magawa
01:10dahil sa takot na mawalan sila ng proyekto.
01:1310 to 25 percent daw ang kanilang ibinigay na cash
01:16at inilagay sa paper bag.
01:18Tumanggit si Descaya na sabihin kung magkano
01:21ang mismong halaga na kanilang ibinigay pati
01:23ang mga sinasabi niyang ledger na naglalaman-umano
01:26na mga transaksyon na mga humingi ng kickback
01:28dahil wala pa raw siyang protection.
01:31Ayon kay Senate President Tito Soto,
01:32pwede silang humingi ng legislative immunity.
01:35Pero sabi ni Committee Chairman Sen. Pink Laxon,
01:37dapat sabihin nila ang lahat ng totoo.
01:40Sir Honor, nagbigay po kami ng sulat dito
01:47na hindi po namin po maipoprovide muna
01:51kasi wala pa po akong protection po.
01:57Baka po magamit din po for self-incrimination po.
02:03Inherent sa mga committees yung legislative immunity
02:06yung tinatawag.
02:08Kung mayroong kayong gusto ipagtapat,
02:09ipagtapat ninyo.
02:12Hindi pwedeng gamitin sa inyo
02:13pag sa hearing yung sinabi.
02:15Kwestiyonable ang ilang flood control project sa Quezon City
02:25base sa inspeksyon ng Independent Commission for Infrastructure
02:29kasama ang LGU kahapon.
02:31Kabilang dyan ang proyekto sa Barangay Rojas
02:33malapit sa San Juan River
02:34na nagkakahalaga ng P141 million pesos.
02:38Ipinagtataka ng DPWH at LGU
02:40kung bakit tila inutay-utay o chinap-chap ang proyekto.
02:44Napansin din ang tila baradong lagusan ng tubig
02:46sa drainage system sa Barangay Tatalon.
02:49Sinilip din ang pangharang sa Baha sa Project 6
02:52at isang pumping station na 300 million piso
02:54ang halaga na tila nakakaabala rao sa lokasyon.
02:58Kasama rin sa nag-inspeksyon
02:59ng Special Advisor ng Komisyon
03:00na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
03:02Itong lunes, ibinunyag ng QCLJU
03:06na abot sa 35 flood control projects sa lungsod
03:09ang umano'y ghost projects.
03:12Apat ang nasawi dahil sa bahang dulot
03:16na malakas ang ulan sa ilang lugar sa Valencia, Bocidnon.
03:19Ay sa City Disaster Risk Reduction Management Office,
03:23ang mga nasawi ay kabilang sa magigit
03:24at lundaang pamilyang naapektuan
03:26ang matinding ragasa ng tubig.
03:28Sa barangay pomblasyon,
03:29natagpuan ang bangkay ng isang bata
03:31na natabunan ng putik.
03:33Anim ang patuli pang hinahanap.
03:35Sa kasagsagan ng ulan,
03:36nahirap ang dumaan ng mga motorisa
03:37dahil sa pagragasan ng tubig sa kalsada.
03:40Stranded naman ang ilang residente
03:42nang umabot ang tubig sa isang tulay.
03:45Ilang estudyante rin ang stranded
03:47matapos pasukin ang lampastuhod na baha
03:49ang Central Mindanao University.
03:52Umabot ang tubig sa loob ng ilang silid-aralan.
03:55Pati sa boarding houses ng mga estudyante.
03:58Tadamay rin ang ilang nakaparadang motorsiklo.
04:02Nagsagawa na po ng clearing operations
04:03sa mga otoridad sa mga pinsalang iniwan
04:05ng baha.
04:06Ayos sa pag-asa,
04:07ang pagulan sa bukit noon
04:08ay dulot ng localized thunderstorms.
04:12May panibagong po na
04:14si Vice President Sara Duterte
04:15kay Pangulong Bombong Marcos
04:17tungkol naman
04:17sa mga mababatas na idinadawit
04:19sa mga anomalya.
04:23Hindi niya dapat hinahayaan
04:25yung mga congressman
04:27na basta na lang umalis ng bansa
04:29o basta na lang mag-resign
04:31to evade accountability
04:34doon sa mga nakita natin
04:38na pag-chop-chop
04:40ng budget natin
04:42at pagkuhan ng pera ng bayan
04:44para bumili sila
04:47ng mga properties,
04:49bumili sila ng mga jets,
04:51bumili sila ng properties abroad.
04:54Sinabi yan ang BISES
04:55sa gitna ng kontrobersya
04:56sa dating chema ng House Appropriations Committee
04:58na si Rep. Saldi Co.
05:00Si Co ang tinuturong may pakanaumano
05:02ng bilyon-bilyon pisong insertions
05:04sa 2025 budget
05:06na napunta
05:06sa mga kwestyonabling proyekto.
05:09Nasa Amerika si Co
05:10dahil nagpapagamot daw
05:11nauna na itirangginiko
05:12na sangkot siya sa anomalya.
05:14Sagot na malakanyan
05:15sa mga pahayag ni VP Duterte,
05:17ang pagbiyahan ng mga kongresista abroad
05:18ay inaaprobahan ng House Speaker
05:20at hindi ng Pangulo.
05:22Wala rin naman daw
05:23whole departure order
05:24na nagbabawal
05:24sa mga kongresista
05:26na umalis ng bansa.
05:27Dapat din daw alalahanin
05:29ng vice
05:29na nakailang biyahe rin siya
05:30sa gitna ng mga issue
05:32tungkol sa impeachment.
05:33Ano raw ba
05:33ang pagkakaiba
05:34ng biyahe ni Co
05:35sa mga biyahe
05:36ng vice presidente?
05:38Wala pang sagot
05:38ang vice
05:39tungkol dyan.
05:40Chobis Chica
05:48ngayon Friday morning
05:49sa mga pinalaking palaban
05:50ng Sex Bomb Girls.
05:51Ready na ba kayo
05:52maki-get-get out?
05:55Magsasama-sama
05:56ang OG Girl Group
05:57na Sex Bomb Girls
05:58sa isang dance reunion
05:59concert sa December.
06:01Magpapakitang gilas
06:02at kakahato ulit
06:03sa isang concert
06:04filled with nostalgia
06:05si Rochelle Pangilina.
06:08Jopay Pagya.
06:10Weng Ibarra
06:11at Monique Iqban.
06:14Pati si na
06:15Mia Pangyarihan,
06:16Sunshine Garcia,
06:18Micah Bautista,
06:19Aifa Medina
06:20at iba pa.
06:21Thankful ang Sex Bomb
06:22dahil kahit
06:23dalawang dekada na
06:24ang lumipas,
06:25kilala pa rin sila
06:26ng fans.
06:29Sana yung legacy
06:30na iniwan ang Sex Bomb
06:32noong 2000,
06:34nakasabay namin
06:36ng mga millennials
06:36e maipasa
06:38sa Gen Z
06:39hanggang
06:39Gen Alpha.
06:41Every Christmas party
06:42lagi namin siya
06:43pinag-uusapan,
06:44lagi namin siya
06:44pinagkukwentuhan
06:45until
06:46this year talaga,
06:48actually last year
06:49nag-usap na tayo.
06:50Sabi niya,
06:51Tara na.
06:51Gusto mo bang
06:54mauna sa mga balita?
06:55Mag-subscribe na
06:56sa GMI Integrated News
06:57sa YouTube
06:58at tumutok
06:59sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended