Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, pinaghahandaan ngayon ng Super Typhoon Nando
00:04at naghahandaan na nga ang mga residente sa Cagayan sa paglapit ng bagyo.
00:09Nakatutok doon live, si Nico Wahe.
00:12Nico?
00:17Pia, isa-isa nang inililikas ng ilang LGU ng Cagayan
00:21ang mga residente dito sa mga coastal area
00:24bago pa man manalasa ang bagyong Nando.
00:30Malakas na ang ulan ngayong hapon sa Tuguegaraw, Cagayan
00:33kaya ang mga lalawak sana sa kilos protesta kontra korupsyon na pasilong na.
00:38Sa Santa Ana, mas maalo ng dagat kaninang umaga sa Barangay Palawig.
00:43Si Aling Marjorie nagtali ng kanilang bubong para hindi tangayin ang malakas na hangin
00:47habang ang anak niya nakasampa sa bubong para siguruhing matibay ang bahay.
00:51Para mas safe konti kahit ano na, kahit medyo sira-sira na.
00:55Sa ibang mga bahay, may naglagay ng mga sandbag sa bubong bilang pabigat
00:59o kaya'y pinakuha ng mga kahoy ang bubongan.
01:02Biernes nang huli tayong bumisikita rito sa may Barangay Palawig dito sa Santa Ana, Cagayan.
01:07At mga araw na yun, ang mga manging isda ay pumalaot pa
01:11at yung kanilang mga bangka ay nandun pa sa tabi ng baybayin.
01:14Pero ngayon, na malapit nang dumating ang bagyong Nando,
01:17ang kanilang mga bangka narito na sa mismong kalsada.
01:21Nagsigurado na kami para hindi masira.
01:25Wala ka na kasi ibang malalagyan kaya dito na namin ipinaparada.
01:31Ang ibang malapit sa baybayin, iniangat na rin at nagtali ng kanilang bangka.
01:35Para hindi naman po masyado masira kung sakali man na talagang lalanpol dito ng maga yung bagyo.
01:42Ito eh parang safety lang po.
01:45Bandang alas 10 na umaga nagsimula magparamdam ang masamang panahon.
01:48Sa bayan ng Gonzaga, nagsagawa ng pre-emptive evacuation nitong tanghalis
01:53sa coastal barangay na Barangay Karoan.
01:55Dito po yung bahay namin.
01:57Siyempre sir, natatakot po kasi sabi po nila signal number 5 po sir.
02:01Kaya mas maganda po na lilikas po kami.
02:05Isinakay sa truck ng sundalo at sa polismobil ang ilang residenteng inilikas.
02:13Pia, dito sa barangay Palawig, kung nasan kami ngayon ay nasa 50 pamilya na.
02:17Ang inilikas sa mga evacuation center.
02:20Yan muna latest mula rito sa Santa Ana, Cagayan.
02:23Balik sa'yo Pia.
02:25Maraming salamat, Nico Wahe.
02:28Nakatabay rin ang Baguio City sa hagupit ng Superbagyong Nando.
02:32At nakatutok live si John Consuda.
02:36John?
02:37Pia, naka-red alert na ang CDRMO ng Baguio City.
02:44Ngayong itinaas na sa signal number 1 ang buong probinsya ng Benguet.
02:48Puspusan na ang paghahanda ng mga tauan ng Baguio City DRMO matapos sa isa ilalim sa signal number 1 ang Benguet.
02:59Bukod sa pag-check ng mga generator para sa posibleng deployment,
03:03nagsasagawa rin ng rope training exercises ang ilang volunteer
03:06bila paghahanda sa paglating ng Superbagyong Nando.
03:09Ang ilang residente, naglalagay ng sila sa kanila mga buong
03:12para tiyaking walang tagas o tulo habang umuulan.
03:16Nakamonitor din ang CDRMO sa mga lugar na posibleng bakain
03:19at mga pwedeng pangyarihan ng last slide kapag nagtuloy-tuloy ang ulan.
03:24Agay na lang ang masamang panahon!
03:26Sa kabila ng masamang panahon, di nagpawat ang mga residente at estudyante
03:31sa Baguio at Benguet kontra-korupsyon na nagsama-sama sa Malcolm Square sa Baguio City
03:37para kondinahin ang korupsyon sa mga flood control project.
03:41Bitbit ang kanilang placards.
03:42Naglabas ng saluobin ang mga dumalo na karamihay mga kabataan.
03:46Gusto nating managot ang lahat ng sangkot.
03:48Pangalawa, dapat ibalik ang lahat ng ninakaw mula sa kaban ng bayan.
03:52Pangatlo, dapat ipatupad yung pro-people budget
03:55at hindi yung budget para sa korupsyon.
03:57At pang-apat, kailangan ng political reform sa ating sistema.
04:00Una nating tanggalin na yung mga political dynasties na meron sa bansa.
04:08Pia sa mga oras nito, may gitisang oras ng tuloy-tuloy
04:11ang pagbagsak ng ulan dito sa may bagi nga ng Baguio City.
04:15At ang kaibahan noong kahapon ay naramdaman na natin dito
04:18ang ihip ng hangin na medyo malakas-lakas.
04:21Kung kaya't patuloy na nakaantabay ang lahat,
04:23ang buong promisyon ng Benguet,
04:24habang patuloy na lumalapit ang Super Typhoon Nando.
04:27Yang mana-latest, mana-latest sa Baguio City.
04:29Balik sa Iopia.
04:31Maraming salamat, John Consulta.
04:35Mga kapuso, isa ng Super Typhoon ang Bagyong Nando
04:39bago ang posibleng pagtamaan ito sa lupa.
04:42Hihi tayo ng update kay Amor Larosa
04:43ng GMA Integrated News Weather Center.
04:46Amor.
04:46Salamat, Ivan.
04:49Mga kapuso, patuloy nga ang paglakas at paglapit
04:52ng Super Typhoon Nando.
04:54Dahil po dyan, signal number 3 na sa southern portion
04:57ng Batanes, Babuyan Islands,
04:59at gano'n din sa northeastern portion
05:00ng mainland Cagayana.
05:02Signal number 2 naman sa natitirang bahagi po
05:04ng Batanes, natitirang bahagi ng mainland Cagayana,
05:07northern and eastern portions ng Isabela,
05:09Apayaw, Abra, Kalinga, eastern portion
05:12ng Mountain Province, Ilocos Norte,
05:14at gano'n din sa northern portion
05:16ng Ilocos Sura.
05:17Signal number 1 naman sa natitirang bahagi
05:19ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya,
05:22natitirang bahagi ng Mountain Province,
05:24Ifugao, Benguet, natitirang bahagi
05:26ng Ilocos Sura, La Union, at Pangasinana.
05:29Kasama rin po dyan itong northern
05:31at central portions ng Zambales, Nueva Ecija,
05:34Tarlac, Aurora, northern portion
05:36ng Pampanga, northern portion
05:37ng Bulacan, kasama po ang
05:39Pulilyo Islands.
05:40Mga kapuso, pwede pa po yung madagdagan
05:42at maaaring umakyat pa hanggang
05:43sa signal number 5.
05:45Huling nakita ang mata
05:46ng Super Typhoon Nando
05:48sa layong 450 kilometers
05:50silangan ng Apari, Cagayana.
05:52Taglay na po ang lakasang hangi
05:53nga abot sa 185 kilometers per hour
05:56at yung pagbugso po niya
05:57nasa 230 kilometers per hour na.
06:00Kumikilos po ito pa west-northwest
06:02sa bilis na 15 kilometers per hour.
06:06Ayon po sa pag-asa,
06:07bukas ng hapon o gabi pa rin ito,
06:08posibleng dumikit
06:09o di kaya naman mag-landfall
06:11dyan po sa may Batanes
06:12or Babuyan Islands.
06:14At posibleng naman
06:14na nasa labas na po yan
06:16ng Philippine Area of Responsibility
06:18marates ng madaling araw
06:20o umaga.
06:21At mga kapuso,
06:22hinahatak at pinalalakas
06:23ng superbagyo itong habagat
06:25na magdadala rin
06:26ng maulang panahon
06:27at may kasamang bugso
06:28ng hangin
06:29kahit po sa mga lugar
06:30na hindi direktang
06:31mahahagip ng bagyo.
06:33Base sa datos
06:34ng Metro Weather,
06:35ngayong gabi
06:35meron pong mga pag-ulan
06:36sa may extreme northern
06:38at sa northern Luzon
06:39ganoon din sa ilang bahagi
06:40ng central Luzon.
06:41May mga kalat-kalat na ulan
06:42din dito
06:43sa ilang bahagi po
06:44ng Metro Manila,
06:45southern Luzon
06:46at pati na rin
06:47sa ilang lugar
06:48dyan po sa Visayas.
06:50Bukas ng umaga,
06:51mabababad na
06:52sa matitindi
06:52at halos walang tigil
06:54po ng mga pag-ulan
06:55at napakalakas na hangin
06:56ito pong Batanes
06:57at pati na rin
06:58ang Babuyan Islands
06:59Cagayan Valley,
07:00Cordillera,
07:01ganoon din po
07:02ang Ilocos Region
07:03at hanggang dito po yan
07:04sa ilang bahagi
07:05ng central Luzon.
07:06Mas titindi po
07:07yung mga pag-ulan
07:08sa hapon at gabi
07:09lalo't ito na yung
07:10inaasahan po natin
07:11na turuyang po
07:12didikit
07:13o di kaya naman
07:13magla-landfall
07:14itong super bagyo
07:16kitang-kita po
07:17yung lawak
07:17nito pong mga pag-ulan
07:18at sakop ng bagyo.
07:20Magiging maulan din
07:21sa malaking bahagi
07:22ng Mimaropa,
07:23Calabar Zone,
07:24Bicol Region
07:25at ganoon din
07:25sa ilang bahagi po
07:26ng Visayas
07:27at ng Mindanao.
07:29Sa Metro Manila,
07:30may mga kalat-kalat
07:31na ulan na
07:32sa ilang lungsod
07:32sa umaga
07:33at pwede pong
07:34maulit po yan
07:35sa hapon at gabi
07:36at posibleng
07:37malawakan kaya
07:38dobly ingat.
07:39Yan muna ang latest
07:40sa ating panahon.
07:41Ako po si Amor La Rosa
07:42para sa GMA
07:43Integrated News Weather Center
07:45maasahan
07:45anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended