Skip to playerSkip to main content
-Mahigit P380,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Batal; 2, arestado/Babae, arestado sa buy-bust operation sa Brgy. Namabblan Sur; P170,000 halaga ng umano'y shabu, nasabat

-SUV, bumangga sa concrete barriers at mga paso; driver, nakaidlip umano

-2 bus driver at 1 konduktor sa isang terminal, nagpositibo sa surprise drug test

-Pedestrian, patay matapos masalpok ng motorsiklo sa Brgy. Sulvec; rider, nasawi rin/2, sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Brgy. Puspus


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arrestado naman ang dalawang sospek sa pagbebenta umano ng iligal na droga sa Santiago, Isabela.
00:05Sa isinagwang bybast sa barangay Batal, nasa bat sa mga sospek ang nasa 56 na gramo ng umano y siyabu na nagkakahalaga ng halos 400,000 pesos.
00:16Nabawi rin sa kanila ang bybast money na ginamit sa operasyon.
00:21Sa Tuguega raw naman sa Cagayan, arrestado rin ang isang babae sa bybast operation sa barangay na Mabalansur.
00:28Nakuha sa kanya ang 25 gramo ng umano y siyabu na nagkakahalaga ng 170,000 pesos at perang ginamit sa operasyon.
00:37Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makunan ang pahayag ang mga nahuling sospek na maharap sa kaukulang kaso.
00:46Ito ang GMA Regional TV News!
00:51May init na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
00:55Bumanga ang isang SUV sa mga concrete barrier sa Haro District sa Iloilo City.
01:01Cecil, anong naging pahayag ng driver?
01:04Rafi, naka-inlip daw ang driver nang mangyari ang insidente.
01:08Base sa embisigasyon, madaling araw nitong biyernes papuntang barangay Tabuksuba ang driver mula sa bayan ng Liganis.
01:15Tumama ang sasakyan sa limang concrete barrier at ilang taso.
01:19Ligtas naman ang 45 anyos na driver.
01:23Ayon sa Traffic and Transportation Management Office ng Lungsod,
01:26ikaanim na itong insidente sa Lungsod kung saan may bumanggang sasakyan sa mga barrier.
01:32Madilim daw kasi sa lugar.
01:33May inilalatag na raw na bagong traffic scheme sa lugar para maiwasan ang mga disgrasya.
01:39Nagpositibo sa iligal na droga ang dalawang bus driver at isang konduktor sa surprise drug test sa isang terminal sa Davao City.
01:49Ayon sa Land Transportation Office Davao Region,
01:52nagsagawa na ng profiling sa tatlo ang Philippine Drug Enforcement Agency.
01:57Kumpiskado muna ang kanilang lisensya at kopyan ng registration at prangkisan ng sasakyan.
02:03May pagkakataon pa silang magpaliwanag habang hinihintay ang risulta ng confirmatory test.
02:08Ang surprise drug test ay bahagi ng Oplan, biyahing ayos para sa Pasko.
02:23Patay ang isang pedestrian at nakabangga sa kanyang motorcycle rider sa Narvacan, Ilocosur.
02:29Base sa investigasyon, binabaybay ng rider ang National Highway sa barangay Solvec
02:33nang masalpok ang 65 taong gulang na pedestrian.
02:37Walang malapit na pedestrian lane sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
02:42Sa lakas ng impact, tumila po ng dalawa at nagtamo ng sugad sa iba't ibang bahagi ng katawan.
02:47Dinila sila sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.
02:50Wala pang pahayag ang kaanak ng mga nasawi.
02:53Sa Banta Ilocosur naman, nagkarambola ang isang kotse, tricycle at motorsiklo
02:57sa National Highway sa Barangay Puspus.
03:00Ayon sa investigasyon, papalabas sa National Highway ang tricycle nang masalpok ito ng paparating na kotse.
03:06Nadamay ang motorsiklo na kasunod ng kotse.
03:09Sugatan ang rider ng motorsiklo at tricycle driver.
03:12Ligtas naman ang driver ng kotse.
03:14Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
03:16Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended