Sitemap
The Vital Signs

The Vital Signs

The Official Student Publication of Bicol University College of Nursing. For the Student Body, By the Student Body. Veracity in a Heartbeat.

Disenyo ni Ismael Bustamante III, 𝘛𝘩𝘦 𝘝𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘚𝘪𝘨𝘯𝘴 𝘈𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘋𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘏𝘦𝘢𝘥

LITERARY SUNDAYS | Baha ng Katotohanan

2 min readSep 21, 2025

--

Sinong mag-aakalang sa isang simpleng pakikipanayam upang isalaysay ang buhay galing sa kahirapan ay siya ring magbubukas ng pintuan laban sa katiwalian?

Malayo pa lamang ay makikita mo na ang garbo ng kanilang kasuotan — mga alahas na kumikinang at mamahaling bag na katumbas ng ilang daang sako ng bigas ang presyo.
Samahan pa ng mga sasakyang hindi na mabilang sa daliri ang dami. Ni hindi na nila mawari ang paglalagyan ng kanilang gabundok na salapi.

Sila’y nakatabing na parang pangkaraniwang mamamayan. Nakakubli, pailalim kung gumalaw — waring walang bahid ng kasalanan. Ngunit kung susumahin, mapapaisip ka kung paano nila nakamit ang ganoong tayog ng karangyaan.

Iisa ang sagot: mula sa dugo’t pawis ng mga mamamayang nagbabalat ng buto araw-araw. Mga taong lumalaban ng patas para lamang may maipangtawid gutom at pangtustos sa kanilang pamilya.

Get The Vital Signs’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Dahil yaong mga dapat na nagtatayo ng depensa laban sa baha, sila mismo ang naglulubog sa atin. Habang sila’y mahimbing na natutulog sa piling ng nakaw na yaman, tayo’y inaagos at nagluluksa.

Isa pa rin ang puno’t dulo ng lahat ng ito — ang katakawan sa yaman.

Kaya’t nakatatawang isipin na sariling bibig din ang naglaglag sa kanila sa taumbayan. Nagsilabasan ang mga bahong pilit nilang ikinukubli. Umalingasaw at lumitaw ang mga basurang nakalubog sa mga palpak nilang proyekto.

At ngayong ibang klaseng pagbaha naman ang rumaragasa, huwag nating hayaang humupa ito kagaya ng pagsawalang bahala nila sa bawat buhay na kinitil ng mga bahang umagos. Dahil sa bawat imprastrakturang dapat na ipinapatayo nila ay siya ring pagguho ng pag-asang nais makamit ang pagbabago.

Hindi na tayo maaaring manahimik.
Hindi na tayo maaaring maging tulog-mantika.

Kagaya ng kumukulong takure — mainit, handa nang sumipol, maririnig na ang ugong ng sambayang gising na sa katotohanan. — Shann Alelie Domiquil, The Vital Signs

#SundaysInBlooom
#TheVitalSigns

--

--

The Vital Signs
The Vital Signs

Written by The Vital Signs

The Official Student Publication of Bicol University College of Nursing. For the Student Body, By the Student Body. Veracity in a Heartbeat.