Sitemap

Ang mabuhay ay kamatayan

1 min readAug 1, 2026

--

Press enter or click to view image in full size
Photo by Aliaksei Semirski on Pexels

Para saan pa ang kamatayan, kung sa mundong ito, ni minsan ay ‘di ko naranasan ang mabuhay? Sabi nila ay walang makakatakas sa anino ng katapusan, na ang pagwasiwas ng karit ay siyang hudyat na hanggang dito nalang.

Ngunit pa’no ko malalaman na ito na ang katapusan kung sa mundong ito ay wala naman akong nasimulan? Hanggang dito nalang? Wala naman akong narating.

Get Hello, Rencey!’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Ano nga ba ang saysay ng mabuhay kung araw-araw ka ring pinapatay? Mistulang humihinga ngunit kulob, ‘tila naglalakbay ngunit tuod.

Dapat ba akong matakot mamatay kung pamilyar na sa’kin ang pakiramdam nito? O dapat ko itong yakapin sapagkat alam kong kilala na ako nito?

Marahil ang kamatayan ay parang si tatay pauwi galing trabaho, hinihintay ni nanay para lang sabayan itong matulog. Ngunit gising man at naghihintay, alam kong katawa’y pinatay na ng pagod.

At kung gano’n man, sa aking paglaki’y hindi ako maghihintay ng kahit sino, pasasaan pa ang kasabay ka kung pakiramdam ko’y wala na ako dito.

--

--

Hello, Rencey!
Hello, Rencey!

Written by Hello, Rencey!

0 followers

Hi, I am Rencey! I write poetries and novels.