Sitemap
Hello, Rencey!

Hello, Rencey!

Hi, I am Rencey! I write poetries and novels.

Fragments #4: Uno

1 min readJun 9, 2026

Kalalabas lang ng grades namin at sa totoo lang ay nalulungkot ako.
Hindi dahil ayaw ko sa grado ko, kundi dahil baka ayaw mo sa’kin dahil sa grado ko.

Kalalabas lang ng listahan ng latin honors at sa totoo lang ay nalulungkot ako.
Ito sana ang pagkakataon ko na magpasikat sa’yo, pero nabigo ako…sa una pa lang.

‘Di ako henyo, pero ‘di naman ako bobo.
‘Di ako deserving sa anumang parangal, at ‘di rin para magkumpara.
Pero simula noong nakilala kita, natuto akong manghinayang.
Natutunan kong maliitin ang kakayahan ko, at ‘di ko sinisisi ‘to

Get Hello, Rencey!’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Dahil sa totoo lang, kaya ko naman.
Kaya kong umangat, masyado lang akong komportable.
Mayroon din palang panganib ang simoy ng kapayapaan.

Mayroon rin palang banta ng pangamba ang pagpapahinga.
At sa bawat paghiga ko, hindi pahinga ang hanap ko…pagtakas.
Gusto kita, pero nawawala pa ako.

Hindi ako yung taong nararapat sa’yo.
Mataas man ay yumuyuko rin, ngunit hindi ako para kaawaan.

Gusto kita, pero ‘di pa ngayon.
Isa-isa kong bubuuin ang sarili ko.
Ang sarili kong kapantay sa’yo.

--

--

Hello, Rencey!
Hello, Rencey!

Written by Hello, Rencey!

0 followers

Hi, I am Rencey! I write poetries and novels.