Sitemap

Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

Aug 24, 2026

--

Press enter or click to view image in full size
Photo by Rosse Marie Beringuel on Pexels

Pabili po ng pag-ibig!

Kahit kulang, ‘wag mo na akong suklian

‘Tila may alinlangan sa ‘yong titig

‘Wag mo nang ibalot, kaya kong panghawakan

Piso? Dos? Sa iling mo’y tila nakakatawa

Get Hello, Rencey!’s stories in your inbox

Join Medium for free to get updates from this writer.

Alam ko namang walang pag-ibig na mumurahin

Pero masisisi mo bang ako’y nababalot ng kaba

Ang pila sa tindaha’y nagsasabing ‘di ka titipirin

Anong laban ng pag-ibig kong tigpi-piso?

Kung ang halaga mo’y ‘di masukat miski magkano?

Kailan kaya ako makakaipon ng isang libo?

Baka ibigin mo ‘ko kahit papaano

--

--

Hello, Rencey!
Hello, Rencey!

Written by Hello, Rencey!

0 followers

Hi, I am Rencey! I write poetries and novels.