Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Aired (August 16, 2025): Kara David, hindi pinalampas na matikman ang ipinagmamalaking ginataang katang o talangka kung tawagin sa ibang probinsya. Ano kaya ang say niya sa lasa? Panoorin ang video!

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ang bayan ng Malvar matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng Batangas.
00:06First stop, Alulod River.
00:09Meron daw rito ng seafood na maliit at mailap pero panalo naman sa sarap.
00:15Ito ang talangka o katang kung tawagin ng mga taga-Batangas.
00:20Para mas madali silang mahuli, kailangan muna natin ihanda ang niyong nagagamiting pangpain.
00:25So, ito ngayon, susunugin natin ng konti para may smoky-smoky flavor siya.
00:31Tapos, ilalagay natin ito ngayon dun sa ilog.
00:35Tapos, hihintayin natin na yung mga talangka, maamoy nila tapos pumasok sila dun sa loob.
00:42Tapos, pag nakapasok na sila sa loob, kukunin na natin sila.
00:46Kakainin na natin.
00:48Ang mga nasunod ng yok ang magsisilbiring trap na itatanim sa ilog.
00:52Pero mga kapuso, hindi pala ganun kadali ang daan patungo sa ilog na iyan.
01:01Kailangan mo munang bumaba sa bangin na may 300 metro ang lalim.
01:07Dahil matarik ang bangin, safety first.
01:10Sa tulong ng mga safety officer ng Malvar Batangas,
01:13nagkabit sila ng lubid para may mahawakan kami.
01:15Hindi pala biro ang bumaba rito, kaya naman kailangan ng pag-iingat.
01:29Ano ba naman itong mga hagdan na ito?
01:33Pang-giant?
01:35Upo na lang ako!
01:37Ayoko mahulog!
01:40Ikaskas ang puwet!
01:44Makalipas ang kalahating oras,
01:47nakarating na kami sa ilog.
01:50Ngayon naman, lulusong na tayo sa ilog.
01:52Sa ilog ng Bilukaw.
01:55Mangunguha tayo ng mga talangka.
01:59Si Puya Rick po, ang kasama natin,
02:01siya po yung nagsunog kanina ng...
02:03Ay!
02:03Ay!
02:05Ito na naman eh!
02:07Kala ko mababaw.
02:10Mabutas na naman dito!
02:12Lagi nalang ako nadadali ng mga butas.
02:14Ito po yung sinunog ninyo kanina, no po?
02:16Mainit-init pa ha!
02:18Ano na po gagawin natin dito?
02:20Bali, itatrap po natin ito sa talangka po.
02:23Ilalagay po natin sa ilalim ng tubig,
02:25ipitin po natin ang bataw.
02:26O sige po!
02:27Katulad po nito!
02:28Apo ma'am.
02:29Pwede na dito.
02:32Ito, gagaganitihin ko ito.
02:34Apo ma'am.
02:35Tapos lagay natin sa gitma.
02:36Apo ipitin po ng bato sa ilalim ng tubig.
02:38Kailangan nakalubog itong...
02:39Apo ma'am.
02:39Ano?
02:40Putas.
02:41Apo ma'am.
02:41O pag ganito siya.
02:42Ganyan.
02:43Pasa ipitan po.
02:44Pasa ipitan sa taas,
02:45para hindi lumutap.
02:47Okay po ma'am.
02:48Okay na po.
02:49Dito dito?
02:50So ito ngayon,
02:56ilalagay na at ilulub-lub natin sa tubig.
02:58Tapos iiwan natin ng 24 hours.
03:01Bukas babalikan niya.
03:05Pero ang mga niyong na itinanim kahapon,
03:08oras na para tingnan kung may nahuling katang.
03:13Ay!
03:13Diyos ko Lord!
03:14Meron po.
03:17May umake.
03:18May umake ito.
03:24Hala kuya,
03:25ang liit-liit naman ito.
03:26Maliit po.
03:28Sobrang liit, kuya.
03:29Walang makakain dito.
03:31Tapos po minsan maliit,
03:32minsan po malaki.
03:33Sana makahanap tayo na malaki.
03:39Hala, nahulog!
03:40Nakulog.
03:44Pinakawalan ko talaga kasi pimpinakasin.
03:47Joka, saya na siya.
03:49Ay!
03:50Kaya, nahuling na natin.
03:55Ang liit.
03:58Katang.
04:07Ay, taslo kuya!
04:09Meron pa!
04:12Apat kuya!
04:13Ibig sabihin,
04:15ito pong lugar na to,
04:16ano nila talagang nangyong tirahan.
04:18Kuta ko, kuta.
04:19Kuta nila.
04:21Ayaw, kumapang.
04:25Aray!
04:27Kawuya, kinakagat niya ako.
04:29Ayan.
04:29Hindi po pwedeng higitin.
04:30Alalaan niyo po.
04:32Diyos ko, kahit maliliit, ha?
04:35Grabe kayong mga gata.
04:36Pagkatapos manguha ng katang,
04:42kailangan namang akyatin ang bangin pabalik.
04:45Extra challenge talaga.
04:51Mahirap manghulihin ang katang,
04:53sulit naman ang linamnam.
04:55Perfect itong iluto sa gata.
04:57Sa isang kawali,
05:01ibigisa ang luya, bawang, at sibuyas.
05:09Para lang po,
05:09huwag ninyong malansa ang ano.
05:12Ah, kaya meron.
05:13Krabs ang luya.
05:14Okay.
05:18So nagpon nato ng gata.
05:19Titimplahan nito ng paties.
05:26At saka ilalagay ang siling haba
05:28o kinumpas,
05:29kung tawagin ang mga tagarito.
05:32Pag kumulo na po yung gata,
05:34ilalagay na po natin ang...
05:38Katang.
05:39Katang.
05:41Pagyap po itong mula na.
05:43Pupula po yata.
05:45Diba?
05:46Yung katang,
05:47nahuli siya sa niyo.
05:48Ngayon, ilulutong siya sa niyo.
05:50Sa niyo.
05:50Nakot ng buhay nila, no?
05:53No po.
05:54Nalutong siya sa niyo.
05:55Tapos nilulutong sa niyo.
05:57Takla ba natin ang kaunti para.
06:01Hahayaan itong kumulo
06:02hanggang sa maluto ang mga katang.
06:10Kapag pumula na ang katang,
06:12ilagay na ang mga nilagang kalabasa.
06:15No po, nilagay na po namin ang kalabasa.
06:18Kasi po, pumula na po yung katang,
06:22hindi na siya maitim,
06:24naging mamula-mula na siya,
06:25nilagay na namin yung kalabasa.
06:30Apo na po, ilagay ang anak.
06:32Apo na ito.
06:33Pagkukuloan ito hanggang sa maluto ang mga gulay.
06:39Makalipas ang ilang minuto,
06:40luto na ang ginataang katang.
06:42Ano kaya ang lasa?
06:43Worth it ba talaga ang hirap natin sa paghuli nito?
06:50Abangan mamaya.
06:51Pagkatapos manghuli ng katang,
07:02sulit naman kaya ang lasa?
07:05Tikman na natin ngayon itong ginataang katang.
07:09Ginataang katang?
07:11Tingnan ko nga muna yung sauce.
07:16Ay!
07:17Lasang-lasa mo yung aligi ng katang.
07:20Kahit maliit siya, ha?
07:21Ay!
07:22Di ba, in fairness,
07:24kahit maliit siya,
07:25mataba siya, ha?
07:26May aligi.
07:28Oh, oh, oh.
07:29Tingnan mo, oh.
07:33Ganun daw kumain ito.
07:35Bubuksan mo,
07:36tutongkabin mo siya,
07:38tapos sisip-sipin mo na.
07:39Sup-sup lang daw.
07:44Harap.
07:45Mahirap lang hulihin
07:47at saka kainan yung talangkap.
07:49Pero flavor-wise,
07:50worth it naman.
07:51Kasi talagang
07:52malasa siya kahit maliit.
07:55Winner!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended