Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mainit na usapan ngayon ang isyu ng korapsyon sa mga flood control project. Paano nangyayari ito at ano ang epekto nito sa ating bansa? Kasama si Atty. Paolo Tamase ng UP College of Law tatalakayin natin ang katotohanan sa Issue ng Bayan. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00As soon as we get back, we'll be able to talk about the issue of the Bayan
00:06and one thing is the corruption on flood control projects.
00:11Pera po ninyo yan at pera po nating lahat.
00:14Bilyong-bilyong piso ang pinag-uusapan dito sa Kabanan Bayan.
00:19Ang mga kapuso natin nagbahagi ng kanil-kali-kali-opinyon tungkol dito.
00:23There may budget na nakalaan for flood control.
00:27Bantayan din yung kung may nagagawa at may napupuntaan ba talagang pondong ginamit
00:32at masigurado kung tama ang mga nasa resibo.
00:35Yung sinasabi nga natin na yung mayaman ay patuloy na yung mayaman
00:38at yung may hirap ay patuloy na naghihirap.
00:40Ito ay dahil din sa corruption.
00:43Grabe, nakaka-pikon.
00:48Nakaka-pikon. Tama sila.
00:50Pag-usapan po natin ang katakot-takot na katiwalian sa flood control projects
00:54dito sa issue ng bayan.
00:57Para himayin ang issue na ito, makakasama po natin ngayong umaga,
01:02Assistant Professor ng UP College of Law, Professor Paulo Tamase.
01:06Professor, good morning. Thank you for joining us.
01:10Ito, I will confess.
01:12Nung sinabi mo sa akin kanina, attorney, na didiscuss natin ito,
01:16ang reaction ko, para naman bago ng bago sa atin ito.
01:19Tagal na na itong issue na ito.
01:21Para bang na-realize ko upon reflection,
01:25mali ang ganung reaction na para bang tinitingnan natin normal yung katiwalian.
01:30Dapat patuloy tayo magalit at patuloy natin pag-usapan.
01:33Daba.
01:34Kaya importante din na matutunan siguro natin kung ano yung mga iba't ibang pamamaraan
01:38kung paano nagkakaroon ng corruption sa ating pamahalaan.
01:41Yes.
01:42Manusunod yung revelasyon tungkol sa corruption sa mga flood control projects sa bansa.
01:45Para mas maintindihan nga ng mga kapuso natin, ilatag nga natin.
01:49Paano ba nangyayari yung corruption sa mga proyekto ng gobyerno tulad itong flood control?
01:53Ayan.
01:54Papakita ni attorney dito sa ating screen.
01:58So, isa ito sa mga simplified ways kung paano natin maiintindihan yung corruption.
02:03Iba-ibang kontrata, iba-ibang proseso.
02:05Pero pwede natin sila isipin na ganito.
02:07So, ang corruption ay kahit anong panlilin lang ng isang opisyal na maaaring may kasabwat siya
02:14upang magnakaw mula sa pamahalaan.
02:16So, ang proyekto, sa proposal pa lang, maaaring magpanukalan ng proyekto na hindi naman kailangan.
02:21Sa bidding, kasama ang contractor, baka namimili ng contractor na walang kapasidad upang kumpletuhin ang proyekto.
02:27Sa procurement, kung mamimili mismo ng materyales ang gobyerno, baka substandard yung pinipili.
02:32Sa awarding naman.
02:33Or baka may favored na supplier.
02:35Or may favored na supplier.
02:36Ganon din sa awarding, baka hindi patas yung public bidding.
02:40At sa implementation, baka hindi maayos yung pagkakagawa ng proyekto.
02:43Kasi nga, yung nakalaan na pera, marami doon ay nawawala sa corruption.
02:47Ibig sabihin, attorney, naglatag ka ng limang hakbang dyan at every step, posibleng magkaroon na ng katiwalian.
02:53Yes.
02:54Kasi ang corruption nga, isang sistematiko din na problema.
02:57Hindi kaya gawin ng isang opisya lamang ang corruption.
03:01Meron siyang kasabwat kadalasan.
03:03Ito, attorney, yan.
03:04Ito yung proyekto, di ba?
03:05Pag-usapan natin yung nag-i-interview ni Miss Jessica Soho kay Mayor Benjamin Magalong.
03:09Nabanggit ho ni Mayor Magalong yung karaniwang hatian ng budget per project.
03:14Nahati sa iba't ibang sektor yan.
03:16May hatian.
03:17Ito, 40%, kickback.
03:2215%, contractor.
03:2410% yung implementing agency.
03:265%, other expenses.
03:29Ang suma, ang natitira daw sa actual na project, 30%.
03:34Kumbaga, sa isang daang piso, 30 na lang yung napupunta sa proyekto.
03:39Dahil dito yung mga contractor, substandard na ang ginagamit ng materiales, yun ang nangiging resulta.
03:45Paano ba ito nangyayari, attorney? Paano ito nailulusot?
03:48Yung problema kasi sa corruption ay kadalasan marami siyang kasabwat.
03:52So, kung titignan natin yung proyekto, napakaraming tao na involved na maaaring masangkot doon.
03:58So, mayroong incentive.
04:00Halimbawa, yung isang opisyal na magkaroon ng proyekto para sa lugar niya.
04:04Pwede siyang suhulan mismo ng contractor.
04:07Pwede din naman siya mamili ng contractor na preferred niya para mayroon siyang kickback
04:12o hati dito sa pie chart na nahihanda according to Mayor Magalong.
04:17So, doon nakalulusot yung corruption eh.
04:19Kasi kulang din tayo sa pagbabantay doon sa pag-implement ng mga project
04:25at kung tama nga ba yung nagagastos para dito.
04:27Attorney, nabanggit nga natin kanina, hindi ito first time natin pinag-usapan yung katiwalaan sa mga proyekto sa gobyerno.
04:33Pero dati, medyo matagal na ako, reporter.
04:36Dati ang naririnig ko, nakikihate ang proyekto sa mga politiko.
04:41So, ibig sabihin, hati, 50% pa o higit.
04:44Kumbaga, may kickback na, sige, bigyan mo ng kickback na 10, 20, 30%.
04:49Pero ngayon, 30 na lang ang natin sa proyekto.
04:53Ano to? Taking into account, ano ba to? Inflation o tumataas?
05:01Sino nagsiset na mga ganyan porsyento?
05:03Well, wala namang fixed na ganito na percentage.
05:06Pero, actually, doon sa description mo nagsimula yung problema eh,
05:09na tinanggap kasi natin yung 10% dati.
05:12Tapos lumaki na lang siya ng 30, ngayon 40 na yung nakukuha.
05:15So, parang nagiging parte siya ng kultura natin na hindi naman dapat.
05:19Dapat ho, again, manatili tayong galit at makialam tayo dahil pera po ng bayan yan.
05:25Pera ninyo yan.
05:26Isa pang sinasabing paraan ng korupsyon yung pagpapatong ng presyo, tongpats.
05:31Narinig na rin natin yung word na yan eh.
05:33Halimbawa, sa Cordillera Administrative Region,
05:35ang actual na presyo ng isang unit ng cat's eye o yung mga ilaw sa kalye, reflektor, 1,350 pesos.
05:43Pero, yung nakalagay sa detailed analysis, detailed unit analysis ng DPWH, 11,720.
05:52Ilang patong yun?
05:53Basta, overpriced po ng 10,370 pesos.
05:57Itong mga ganitong overpricing, attorney, paano ba ito nakakalusot?
06:01Kung babalikan natin yung proseso, no?
06:03Minsan, sa proposal pa lang mismo, overpriced na yung nakapatong.
06:07At doon nagagaling minsan yung suhol eh, na ipapresyo yung proyekto na ganito kataas,
06:12kahit hindi naman ganoon yung kailangan,
06:14upang magkaroon ng justification ng yung contractor ay mataas din yung bidding.
06:18Pwede din naman na doon mismo kasi sa naging kalakaran na siya,
06:22nung ginagamit natin na basihan yung mga dating ganoon presyo.
06:25So, even in the next years, parang nagkakaroon ng incentive para sa korupsyon.
06:30Transparency, attorney, pwede kaya yan?
06:31Halimbawa, a citizen, a regular citizen,
06:35hihinging ko, magkano ba ang binayaran ng LGU ko dito sa mga cat's eye na to?
06:40Pwede ba yun?
06:41Tama yan, dapat, no?
06:42Karapatan kasi natin sa saligong batas yung right to information on matters of public concern.
06:48Ang problema kasi, dahil doon sa wala pa tayang freedom of information, no?
06:52Halimbawa, hindi madali para sa isang citizen na makakuha ng ganoon na impormasyon.
06:57So, kailangan pa niya pumunta sa korte,
06:59imbes na dumiretso mismo sa agency.
07:01Subukan nyo, ho, lapit kayo sa munisipi ninyo, sa city hall ninyo,
07:04itanong nyo kung magkano binayaran ito sa streetlights na yan,
07:07baka abutin kayo ng sham-sham at hindi nyo makakuha ang informasyon na yan.
07:12Samantala, ngayon po naglalabasan din yung mga nakakabiglang yaman,
07:15yung mga maaring sangkot sa usapin na ito,
07:18nausap pa social media, pa flex-flex kayo dyan ha,
07:21mga luxury cars, malalaking bahay at marami pang iba.
07:24Kahapon, ipinag-utos po ng Pangulo yung lifestyle check sa mga nanonungkulan sa gobyerno.
07:29Paano sa tingin ninyo makaka-apekto itong flexing o yung flaunting of wealth
07:34sa takbo ng pag-iimbis sigurito?
07:36Isa kasi sa mga tinitignan natin kung nagkaroon ng corruption or ill-gotten wealth ang isang opisyal
07:41ay kung mayroong malaking pagkakaiba doon sa sweldo na kinikita niya
07:45bilang isang opisyal at ng kanyang kapamilya
07:48doon sa lifestyle niya o yung pagmamayari niya, yung mga properties niya.
07:53So, nakatutulong sana yung lifestyle check,
07:56pero yung isa pa sana na nakatutulong ay yung pag-release halimbawa ng SAL-ED,
08:00yung Statements of Assets, Diabilities at Net Worth.
08:03Ngunit sa kasalukuyang kasing patakaran natin,
08:05hindi masyadong pinamimigay yung mga ganoon na dokumento.
08:08Pero paraan sana yun para sa mamamayan na maintindihan kung may pagkakaiba ba doon
08:12sa sweldo na kinikita ng pinuno niya doon sa pamumuhay ng pamilya ng pinuno niya.
08:17It's one thing to get the SAL-ED, it's another thing to assume na tama yung nakadeklara doon.
08:22Baka naman kasi, siyempre, ina-understate din nila yung kanilang wealth.
08:26Panghuli, Professor, bilang mamamayang Pilipino, lumalaban tayo ng patas,
08:31nagbabayan ng buwis, anong ba pwede natin gawin para maging bahagi tayo ng solusyon?
08:36So, unang-una, hindi po pwede maging bahagi ng pamumuhay natin yung pagtanggap lamang sa korupsyon.
08:42Mahalaga po makisama sa usapin na ito kahit hindi siya lagi maganda pakinggan.
08:46Kahit nakakainis na?
08:47Kahit nakakainis na siya.
08:49Pangalawa, siguro po dapat, kung nagmamatsag tayo sa ating mga pamayanan,
08:54baka hindi po dapat natin binoboto yung mga opisyal na lagi nalang nasasangkot sa mga ganitong issue.
08:59Ayun, please, Louder.
09:01Attorney Louder.
09:03Yan ho yung mga hinahalal natin.
09:05Kaya yan din ang sinasabi natin na huwag nyo ibenta boto ninyo dahil babawiin din naman yan.
09:10Di ba sinasabi nila, diyan ko lang naman siya pakikinabangan.
09:13Ayan ho, yan ang nagiging resulta ng mga pagboto natin na mga hindi nararapat ng mga public officials.
09:20Attorney Tomasi, sir, thank you very much.
09:23Maraming salamat din po.
09:24Nakakausap po natin, ginawong Paolo,
09:26Attorney Paolo Tomasi,
09:27na naghimay sa mainit na issue ng bayan ngayon.
09:30Mga kapuso, karapatan po nating makialam.
09:33Lalo't pera natin at kabanang bayan ang sangkot sa mga ganitong katiwalian.
09:39Ibabalik po ako ng hirip.
09:41Wait! Wait, wait, wait!
09:44Wait lang! Huwag mo muna i-close.
09:46Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
09:50para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
09:53I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirip.
09:58Thank you! O sige na!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended