Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Isasapubliko na ang ICI hearings — at ilang opisyal ng gobyerno, inilabas na rin ang kanilang SALN.
Patuloy pa rin nating babantayan ang isyung bumabalot sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa. Kasama natin si Atty. Alder Karingal Delloro para sagutin: nasaan na nga ba tayo sa laban kontra korapsyon? Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Magbabalik po ng hirit, mga kapuso, magdadalawang buwan na simula ng lumuto ang isyo ng corruption sa flood control projects.
00:07Ang tanong ng bayan, ano na?
00:10Nasa na nga ba tayo sa isyo na ito?
00:12Ang latest development ngayon, yung mga pagdinig ng ICI ay ilalivestream na.
00:17Malapit na kayang may managot?
00:19Kailan may makukulong?
00:21Nakupag-usapan natin yan dito sa issue ng bayan.
00:24At ngayong umaga, makakasama po natin Assistant Professor ng UP Diliman National College of Public Administration and Governance o UPNCPAG,
00:36Attorney Alder Del Lloro.
00:38Attorney Alder, welcome. Thank you very much.
00:41At mga kapuso.
00:42Attorney, simulan na natin. Unahin natin itong latest development sa imbistigasyon.
00:46Ayon sa ICI, starting next week, magsisimula na i-livestream ang mga isasagawang pagdinig ng komisyon.
00:52Anong your thoughts on this?
00:53Well, this is a significant development sa transparency and participatory governance.
00:59Mahalaga ito sa accountability at para ibalik yung tiwala ng taong bayan.
01:05Pero bilang abogado, kailangan natin balansihin.
01:08Kasi dapat maliwanag ang mga panuntunan kung paano ang live streaming,
01:13especially kung may mga sensitibong informasyon at mga karapatan na maaapektuhan.
01:18So, if done properly, this is a good example of open government in action.
01:23May nagkomento ho eh, huwag naman natin gawing circus ha.
01:27Baka mangyari.
01:29Maging ano lang siya, parang ako sa hanitong si ganito and then, you know,
01:33it might become what they were trying to avoid it to be, yung trial by publicity.
01:39Kaya mahalaga na magkaroon ng panuntunan na maliwanag kung paano isasagawa ang live streaming.
01:45Clear rules.
01:46Yan, Naruto.
01:47Kahapon po, isa sa mga pinag-usapan ang nagarap na sunog sa opisina ng DPWH.
01:53Siyempre, yung taong bayan attorney, hindi may wasa magkaroon ng kanya-kanyang espekulasyon.
01:57Ano ba ang tingin niyo sa magiging epekto nito sa ahen shot sa isinasagaw ang investigasyon?
02:03Well, ayon sa ulat, we're happy to know na sabi ng DPWH, wala raw mga nasunog na mga dokumento.
02:11Pero the good thing is, sabi ng ombudsman, magsasagawa pa rin ito ng investigasyon
02:16para makita kung ano yung dahilan ng sunog at kung may mga ebedensya ngang na kompromiso.
02:22Siguro, bilang isang kawani ng public administration,
02:28ang importante natin matutunan dito yung pagsaayos ng records management
02:32and dapat disaster prepared ang ating mga ahensya ng gobyerno.
02:38Importante din yung malinaw na komunikasyon para yung mga agam-agam ng taong bayan ay maiwasan.
02:44And of course, digital na sana tayo.
02:46Huwag na yung mga papel kahit masunog yan.
02:49Kung meron tayong mga soft files, eh, hindi okay lang.
02:51Samantala, narito pa ang isang malaking usapin ngayon, attorney, yung ito,
02:56Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o yung SAL-N.
03:00Ilang mga politiko, attorney, mga senador, mga mababatas,
03:02naglabasan ng kanika nila mga SAL-N.
03:04Pero para mo na malaman ng mga kapuso natin, attorney, ano ba itong SAL-N na ito?
03:10Well, ang Statement of Assets, and Liabilities, and Net Worth,
03:13para maintindihan.
03:15Ito to me.
03:16Meron ko kaming sample dito ng SAL-N, dito sa ating screen.
03:20Ayan.
03:21Sworn Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
03:25Ano bang kinilalaman nito, attorney? Go ahead.
03:27Okay.
03:27Bago yan, Ivan,
03:31magandang ipaliwanag na ang SAL-N ay isang constitutional and statutory requirement
03:36nakasalaan sa Constitution na kinakailangan magsumiti taon-taon ang mga kawanin ng gobyerno.
03:43Lahat, attorney?
03:44Yes.
03:44Lahat ng kawanin?
03:44Yes.
03:45And ito ay pinagtibay ng Republic Act 6713 or yung Board of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
03:52na nakalaan dito kung saan, paano ang pagsagawa ng SAL-N.
03:57So, ito, makikita natin dito na nandito yung mga importanteng informasyon, mga sensitibong informasyon.
04:05Okay.
04:05Ito yung dahilanan kung bakit sinabi ng dating ombudsman na dapat kinakailangan yung notarized consent
04:12because may mga informasyon na sensitibo.
04:15Pero ano nga ba yung mga mahalagang aspeto nito?
04:18Meron siyang assets.
04:19So, sa assets, dalawang klase yan.
04:21Ay, Rivan.
04:22Yes, yung real properties and yung personal properties.
04:26Yung real properties, ito yung mga lupain.
04:28At nakikita dito, ano yung assessed value?
04:31Malimit ay nandiyan yan sa tax declaration.
04:34Ang current market value naman, kung magkano yung bentahan at yung totoong acquisition cost.
04:39At importante, makita dito, paano nga pa nila nakuha yung bond?
04:45Donation, sale by virtue of inheritance.
04:48So, makikita natin yung pag-angat, yung source kung paano nakuha yung property.
04:53Ito, nakalagay po dito kung makikita ninyo.
04:55Acquisition, sale with mortgage, deed of sale, inherited.
04:59Ayan, kung paano na-acquire, nung public official, yung mga properties.
05:04Tama po.
05:05And moving on, yung personal properties, ito naman yung mga sasakyan.
05:10Okay.
05:10So, importante, makita riyan dito kung gaano kadami.
05:13Yung mga luxury cars, kung meron man.
05:15Mga luxury cars, nandito yan sa personal properties.
05:17Pero dinedeclare ba yan, attorney?
05:19Ayan lamang.
05:20Kasi kung titingnan ninyo, dito, wala po siyang itemized.
05:25Hindi katulad ng real property, merong naka-itemized.
05:28Sa personal property, wala.
05:31And more importantly, it also shows the liabilities.
05:33Ano nga ba yung mga pagkakautang meron ng isang government official or employee?
05:38And I guess this one is important.
05:40Merong ibang declaration ng business interest and financial connection.
05:44Kasi nga, makikita natin dito, ano pa yung financial interest na meron sila.
05:49Baka magka-conflict.
05:51Yes, conflict of interest.
05:53And relatives in government service.
05:56Ito isang importanteng aspeto ng SAL-EN.
05:59Kasi makikita dito yung possible collusion kung meron or interaction.
06:05Para nga maging transparent ang isang kawani sa kanyang SAL-EN.
06:11Okay.
06:12Yes, attorney, ito.
06:14Sa yung SAL-EN, it will be only as useful as the level of honesty that the public official makes those declarations.
06:23May mga agam-agam eh.
06:25Paano po i-verify kung tama ba yung nilagay nila sa SAL-EN na yan?
06:29Well, masusi ang pagbe-verify ka ng SAL-EN.
06:32Hindi ito basta-basta.
06:34Nakasaan ito sa ating batas at merong itinalaga ang Civil Service Commission.
06:39Kung papaano.
06:42Merong mga tinatawag tayong Review and Compliance Committee na kung saan tinitingnan kung kompleto ba ang sinumiting SAL-EN.
06:55Complete and more importantly, truthful.
06:57Hindi pa yan tayo.
06:58Hindi pa. Iba pa yan.
06:59Sa verification, titingnan lamang kung kompleto ang datos o tama ba.
07:04And then kung hindi, bibigyan siya ng pagkakataon para i-correct.
07:08So magkakaroon ng compliance order, merong period ito na non-extendable.
07:13Yes.
07:13And kapag nakita na tama ang lahat ng nakalagay dito, isusumiti ito ngayon sa repository agencies.
07:21Importante iba na malaman ng taong bayan, ano ba ang mga repository agencies?
07:25Kasi iba-iba ito.
07:27Narinig natin sa publiko na yung ombudsman ay pinadali.
07:31But that's not only the repository agency.
07:33Meron tayong Civil Service Commission, meron tayong records office ng Malacanang,
07:39meron din tayong judiciary and congress kung saan sila ang naghahawak ng mga SAL-EN.
07:46So iba-iba.
07:48Once ma-verify ito, ang validation process dito ay pwedeng pumasok yung office of the ombudsman.
07:56Mahikapangyarihan siya na magkaroon ng lifestyle check or fact-finding investigation.
08:00Kung merong taliwas na pagtaas, pwede niyang tingnan.
08:05Okay.
08:06Importante din, Ivan, na dapat kasi yung SAL-EN talaga, ang proseso ay ito ay bukas sa publiko.
08:13Yes.
08:14Kasi magkakaroon ito ng indirect lifestyle check.
08:16Yung mga mamamayan mismo, nakikita nila na yung mayor nila, yung congressman nila, ito yung pamumuhay.
08:23So kung bukas yung SAL-EN sa publiko, merong indirect lifestyle check, may pananagutan.
08:28So in essence, isang multi-layered mechanism ang ating SAL-EN.
08:34Ito ay nagmumula sa ahensya at papunta doon sa repository agency at ombudsman.
08:40So if done correctly, this is a very powerful tool.
08:43Hindi lang siya isang legal na dokumento.
08:46Ito ay patunay na ang gobyerno ay talagang isinasapuso ang prinsipyo ng public service.
08:53But again, doon pa rin tayo doon sa goodwill at doon sa honesty ng public official to declare the actual value of his or her assets.
09:04Paano kung pinangalan sa kaibigan o ibang kamag-anak yung mga ari-arian niya para hindi masilip sa kanyang SAL-EN?
09:11Well, kapag ito ay ipinangalan, ito ay pinatawag natin proxy o kaya proxy ownership.
09:19Pero kung yung control naman ay nandoon pa rin sa public officer and employee, maipapakita na siya pa rin yung tunay na may-ari.
09:28And kung ito ay makikita na taliwa sa kanyang kita, maaaring pumasok ito sa ill-gotten wealth.
09:35Because there is a presumption that if what you have is more than what you earn, then this is ill-gotten wealth.
09:44So regardless kung ipinangalan, pag napatunayan na ito ay ill-gotten, mapapanagot pa rin natin yung public official.
09:55I was going to go there next.
09:56Paano, attorney, kung hindi tugma yung sweldo sa total net worth sa SAL-EN?
10:01For example, salary grade 25 or 20.
10:06Tapos ang kotse, ganito, Lamborghini o kung anumang luxury vehicle yan.
10:11Well, kung hindi tugma, merong presumption ang ating batas sa Republic Act 1379.
10:18Maaari itong yung forfeiture law natin na kung merong mga ari-arian, for example, na hindi tugma,
10:26masasabi natin na presumption ill-gotten wealth ito.
10:30Kasi nandoon sa public official or employee, yung burden na patunayan na hindi ito nakaw.
10:39Attorney, panghuli na lang siguro, para lang yung involvement ng taong bayan dito,
10:44sino ang pwedeng humingi ng kopya ng SAL-EN?
10:46Halimbawa, interesado ko malaman kung si mayor ko, tama yung dinedeklaran niya sa SAL-EN niya
10:51sa actual na pamumuhay niya at kinikita niya.
10:54Well, sabi nga natin, yung ombudsman, pinadali, ID na lamang yung kinakailangan,
11:01magsumitin ng informasyon ng application form.
11:05And within 10 days, meron na tayong SAL-EN 10 days after that.
11:09Pero importante kasi, maliwanag na yung ibang repository agencies,
11:13ito yung ating dasal, Iwan. Sana ay sumunod sila sa ginawa ng ombudsman.
11:20Sana padaliin din yung pagkuhan ng SAL-EN sa Congress,
11:24sa appointees ng mga presidente, at ng hulikatura kasama ang Supreme Court.
11:29At sa ating mga kapuso, patuloy po tayong makialam.
11:33Let us continue to be involved sa governance.
11:36Dahil kung hindi po natin sila babantayan,
11:38e nakita natin, ginagawa nilang one big party,
11:43ikaw ang pondo ng bayan.
11:45Attorney, maraming salamat. Thank you for joining us this morning.
11:47Naka-usap po natin ngayong umaga si Atty. Alder De Lloro ng UPNC PAN.
11:52Mga kapuso, sabay-sabay pa rin po natin.
11:55Babantayan itong mainit na isyo ng bayan ng korupsyon sa flood control projects.
12:00Magbabalik po ko ng hit.
12:01Wait! Wait, wait, wait!
12:06Wait lang! Huwag mo muna i-close.
12:09Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
12:12para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
12:16I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
12:20Thank you! O sige na!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended