Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mainit pa rin ang usapin tungkol sa anomalya sa mga flood control projects! Sa Calumpit, Bulacan, mismong mga residente ang nagsasalita tungkol sa epekto ng korapsyon. Kasama si Ivan at ang guest speaker na si Prof. Ma. Fe Mendoza para himayin ang isyu sa mismong lugar ng proyekto. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Maka Igan, kasama niyo kami, patuloy po natin babantayan ang pinakamainit na isyo ng bayan ngayon sa flood control projects.
00:07Hindi po natin niyang titigilan dahil ang pinag-uusapan dito, bilyong-bilyong kaban ng bayan.
00:12Pera po natin yan ha, pera new po yan.
00:15Ngayon umaga, bibisitahin natin ang isa sa mga lugar na sentro ng investigasyon na taalamin ang epekto ng korupsyon sa mga nakatiramismo roon.
00:23Dasa kalumpit bulokan ngayon si Ivan Mayrina para pag-usapan ng isyo ng bayan.
00:28Ivan!
00:34Igan Maris, nabanggit niyo yung katagang bilyong-bilyong pisong pera ninyo.
00:41Ito ho, itong proyekto nga aking kinatatoyan ngayon dito sa Barangay Frances sa Kalumpit, Bulacan.
00:46Ang halaga ng proyekto nito, 77.1 million pesos.
00:52Sira na, wala pang isang taon.
00:54At ang pinakamalala dyan, kung anuman ang gustong solusyonan ng proyekto nito ay hindi natupad.
01:02Ngayon ho, kasama natin yung mga direktang sumasalo ng epekto ng katiwalian ng ilang mga opisyal ng gobyerno at mga politiko.
01:10Sila ho ang sumasalo, mga taga-barangay Frances.
01:14Sila ho, yung araw-araw na bahagi ng buhay nila ang baha.
01:19Pero yung proyektong ginawa, e natural, hindi yung epektibo dahil nga ibinulsa ang pondong para sa proyekto.
01:27So, kausapin po natin ang ilang mga residente tungkol sa kanilang salo o bin tungkol dito.
01:32Magandang umaga po sa inyo.
01:35Ano ho yung naramdaman ninyo nung nalaman ninyo na ang pondong para sana sa proyekto
01:41na magbibigay solusyon sana sa paghihirap ninyo, e naibulsa pala na ilang mga tiwaling opisyal ng gobyerno?
01:49Siyempre po, unang-una yung sobrang lungkot.
01:53Kasi, sa tagal namin nagsasuffer sa ganitong sitwasyon,
01:59biro mo ang high tide, nararanasan namin na hindi dapat namin mararanasan.
02:04Tapos, isa rin pinakamalaking bagay po sa amin, yung nadalaw rin po kami ni PBBM
02:10para makita po yung sitwasyon po namin dito sa Barangay Frances.
02:13Talaga po kasi na first time po na may dumalaw sa amin,
02:17ibang mga politiko na hindi man lang dumadalaw sa amin kung ano yung sitwasyon namin dito.
02:23Saka talagang nakakagalit na eh, hindi na siya nakakatuwa.
02:28Talagang, siguro sa 10 years siguro na dinadanas namin ito, sino yung matutuwa?
02:36Wala po talagang dapat matuwa, lalo na kaming mga nandito na apektado,
02:40talagang napaka-apektado po namin dito sa Barangay Frances po.
02:44Tanungin lang po natin yung ibang mga kasama nyo dito sa Barangay.
02:48Pakidescribe nga ho, nabanggit ninyo, yung tubig dyan sa main road ninyo,
02:52hindi na ho bumababa.
02:54Gano'ng kalaking perwisyo sa inyo yun?
02:56Ako na po, sige po.
02:57Dapakalaki itong perwisyo talaga yung tubig na nangyayari ngayon sa aming Barangay.
03:01Una-una po sa mga mag-aaral.
03:03Pangalawa po, sa mga may-ari na sakan, patulad ko po, magsasaka po ako,
03:08wala po akong mangyari ngayong hanap buhay, naghihirap na po ako ngayon.
03:12Kaya po talagang sobrang pahira po ang nangyayari sa amin,
03:15samantalang ngayon ay nakikita namin na mayroon naman palang pondong maayos para sa aming Barangay.
03:21Kaya po talagang nakakalungkot.
03:23Eh, ang mga bata po, ilang linggo na po hindi nag-aaral.
03:28Nabangit niyo nga po yung mga klase,
03:30bihira na daw po makapag face-to-face classes dito ngayon dahil pirming bahana.
03:35Talaga pong bihirang-bihira.
03:37Kasi yan po ngayon ay module.
03:39At ang mga bata naman pong nakakapasok doon sa mataas na lugar,
03:42eh napakabahal naman po ng panasahe.
03:44Kaya talaga pong lahat po ay naghihirap sa ngayon.
03:48Ako, maraming salamat po.
03:49Yung mga tiwali dyan,
03:52tignan niyo ho, pagbasdan niyo ho yung muka ng mga kababayan natin dito.
03:56Sila ho, ang sumasalo ng kalokohan ninyo.
04:00Pag-usapan pa po natin ang mga pwedeng gawin ng pamahalaan.
04:04Kasi ho, nagkakaroon tayo ng mga investigasyon.
04:06May kabila ang investigasyon ng Senado,
04:08ang Kamara, magkakaroon pa ng Independent Commission.
04:11Pero habang ginagawa po yung mga investigasyon na yan,
04:13ay patuloy po naghihirap ang ating mga kababayan.
04:16Pag-usapan po natin yan kasama si Mama Maria F. Mendoza.
04:20Ma'am, please, welcome.
04:22Sumama po siya sa atin dito para personal ding makita itong proyekto
04:26at marinig ang hinaing ng mga taga rito.
04:29So, Professor, nag-i-investiga ho, may pananagutin daw,
04:36but in the meantime, nagsasuffer po yung mga kababayan natin.
04:38Ano ho kaya pwedeng gawin muna habang nag-i-investiga tayo
04:42para naman matuloy yung mga proyekto?
04:45Siguro po...
04:45Sige, go ahead, Ma'am.
04:48Siguro po, ituloy...
04:50Kasi sinuspend daw po yung construction.
04:53Kasi yung subcontractor o yung contractor gusto i-repair.
04:58Pwede naman po siguro i-lift muna yung suspension
05:02para matapos po yung proyekto.
05:04Kasi after po nung completion,
05:06pwede naman po yung may one-year warranty pa po
05:09na kailangan na ayos nasa plano,
05:12nasa design,
05:13at nasa standard.
05:14Pero sino hong gagawa?
05:15Yung contractor pa rin na pareho?
05:16Wow-wow daw po ito eh.
05:18Dapat yung contractor at his cost.
05:21Hindi dapat sisingilin pa ulit ang gobyerno.
05:25Kasi ang ano nila,
05:26kung matatapos yung dike
05:27at mayroong pumping station na magagawa,
05:30siguro maaayos na at mawawala na yung baha.
05:34Pero ang construction din ng pumping station
05:37at saka nung dike will take time.
05:39So magsasuffer pa rin yung mga tao,
05:42o yung kanilang palaging may alipungay,
05:45yung mga ganyan,
05:46tapos wala silang trabaho,
05:48magpapatuloy habang hindi pa naaayos
05:51yung dike at saka yung pumping station.
05:53Siguro yung pumping station na bagit nyo,
05:56malaking bagay.
05:56Kasi bahagi ho nung 77 million peso contract nito,
06:00bukod dito sa dike,
06:02ay dapat may dredging yan
06:03at may tatlo daw pumping station na kasama
06:06na hindi nakita.
06:08Wala, oo.
06:09So dapat meron nga pumping station.
06:12Sabi nga ni Kapitan kanina,
06:14meron daw pumping station pero private.
06:17Pero doon sa kontrata,
06:18kasama yung tatlong pumping station.
06:20So dapat makita yung pumping station.
06:21Dapat iproduce yun.
06:22Oo, iproduce yun.
06:23Na makakatulong siguro para maibsan yung misery.
06:26Prof, ito hong nangyayaring ito.
06:30Marami ho tayo na pag-usapan kanina
06:31sa procurement,
06:33sa sistema.
06:35Where do we even begin?
06:38Paano ba natin sisimulan
06:39itong pagsasayos ng sistema?
06:42Ang hirap ayusin
06:43kasi masyadong masalimut at komplikado.
06:46Yung mga sinimulan na ng presidente,
06:50yung sumbong sa presidente,
06:52isa yun.
06:53Yung nag-hearing sa Senado
06:57at saka sa Kongreso,
06:59pwede din yun.
07:01Ipagpatuloy yun.
07:02Tapos yung plano na,
07:04di ba yung courtesy resignation,
07:06di ba ang daming marching orders
07:07ni Secretary Beans?
07:09Ipagpatuloy yun.
07:10Pagkatapos nga,
07:11yung pag-create ng independent commission,
07:14siguro makakatulong din yun.
07:16Very crucial po yung independent commission.
07:18Kasi dito nakasalala yung credibility.
07:20Tsaka dito siguro may-establish
07:22kung gano'ng kandesidido
07:24ang pamahalaan
07:25na panagutin yung mga nasa likod nito.
07:27Oo.
07:27Kaya lang,
07:28baka mataas ang expectation natin
07:30doon sa independent commission.
07:31Kasi di ba parang sabi ng Pangulo,
07:33rekomendatory lang siya.
07:35Pero ngayon,
07:36sa sitwasyon natin,
07:37marami naman tayong anti-corruption.
07:40Institutions.
07:41So, dapat yung mga ombudsman,
07:44Sandigan Bayan,
07:46tapos meron pa tayong
07:47integrity management program.
07:49Di ba?
07:49So, i-revive yung program na yun.
07:54Tapos yung mga institusyon
07:55na talagang dapat,
07:56na pati yung COA,
07:58na inaayos
08:00at walang corruption sa gobyerno,
08:02ay palakasin yung kanilang
08:05pag-i-enforce
08:06ng dapat nilang mandato.
08:08Ma'am,
08:09the citizenry,
08:10ang mga mamamayan mismo,
08:12ano ho kaya
08:13ang pwede nilang gawin?
08:14Kasi,
08:14pinupush ni
08:16Secretary Dizon
08:17ng DPWH,
08:18transparency halimbawa.
08:20Paano ho kaya natin
08:21i-improve ang transparency?
08:23Pahirapan naman natin
08:24yung mga magdanakaw
08:25na magnakaw.
08:27Oo.
08:27Ang ano doon,
08:28isang ano doon,
08:29kasi yung kinukwento ko nga,
08:30yung concerned citizens
08:31of APRA.
08:33Ang talagang ano,
08:34kinuha nila yung standards,
08:35kasi meron tayong
08:35national standards
08:36sa mga infrastructure.
08:37So kailangan,
08:39ilan yung bags of cement,
08:42ilan yung track
08:43ng buhangin,
08:44yung mga gano'n,
08:46ano klase ng bakal
08:48yung ilalagay.
08:49So kailangan yung standards
08:51na yun,
08:52alam lang mamamayan.
08:54Or at least yung mga
08:54barangay of officials.
08:56Kasi di ba kanina
08:57yung isang nakausap natin,
08:59minamonitor daw niya,
09:01tapos ang ano daw,
09:0215 tracks of ano,
09:03graba,
09:04ganyan-ganyan.
09:05Tapos dalawang bags
09:06lang ng semento.
09:06Ang labnaw daw
09:07ng timpla.
09:09So kung malalaman
09:10ng ating mga mamamayan,
09:12particularly
09:13labarangay officials,
09:14kung ano yung standard na yun,
09:16mas madali nila sasabihin,
09:17oy,
09:18yung ginagawa mo,
09:19wala yun sa standard.
09:20Pero ang laki
09:22ng bar,
09:22boarday na binibigay natin
09:24sa mamamayan.
09:25Di ba?
09:25Pero ang ano doon,
09:27dapat may kaakibat din
09:28na pagbabago
09:28doon sa mga official.
09:30Kasi yung parang
09:31value system natin,
09:33lalo na yung mga politician,
09:34di ba yung kwentuhan natin,
09:35ang dami expectation
09:36sa politician.
09:39Ay,
09:40kunyari,
09:41lalapit,
09:42ihingi ng pera.
09:43So,
09:44ano,
09:44saan ka kukuha ng pera?
09:45So,
09:46nanonormalize yung
09:47pagkuhan nila
09:48ng pera ng bayan
09:49kasi para ibibigay ulit nila
09:51sa taong bayan.
09:52Pero mali yun,
09:53di ba?
09:54So,
09:54ang ano doon,
09:55ayusin din natin
09:56sana,
09:56mas madaling sabihin,
09:58di ba?
09:58Pero yung kultura
10:00na meron kang
10:01public service value,
10:04meron kang ethical
10:05na pagtingin
10:07sa trabaho mo,
10:08yun yung sanang
10:09mas makakatulong.
10:11Para,
10:11kasi yung culture
10:12of corruption natin,
10:13nagbe-breed yun
10:14doon sa ganong mindset
10:15na,
10:16ay,
10:16kukuha kang pera
10:17parang Robin Hood.
10:19Ma'am,
10:19panghuli siguro,
10:20maraming nagagalit.
10:22May mga hopeful,
10:23pero,
10:25may mga sinasabi din,
10:26naku,
10:26walang mangyayari dyan,
10:27wala naman makukulong dyan,
10:29wala naman mapaparusahan dyan.
10:31Ano ho kaya,
10:32from the governance
10:33point of view,
10:35may mga iba ho kasi
10:36sinasabi nila,
10:37dapat magalit na ang tao,
10:38dapat...
10:39Sunogin na.
10:41Patayin na.
10:42Oo,
10:42may ganun hong sentiment eh.
10:44Paano ho kaya natin ito
10:45ipaprocess?
10:46What is the proper way
10:47of processing all of this?
10:49Ang Pilipino kasi,
10:50ang kultura natin,
10:51madali tayong magpatawad.
10:53Ang tolerance natin
10:55sa mga kamalian,
10:57parang,
10:57ay, sige,
10:58okay lang.
10:58Diba,
10:59parang ganyan.
11:00Siguro,
11:00panahon na,
11:02na yung
11:02pag-tolerate natin
11:05sa maling nakikita natin,
11:07ay,
11:09huwag na.
11:10Diba?
11:11Matuto na tayong magalit?
11:12O,
11:13matuto tayong magalit
11:14sa tamang
11:15paggalit.
11:18Diba?
11:18Kasi,
11:19diba,
11:19sabi nga kanina,
11:20kanina nakakalungkot.
11:21Pero,
11:21ngayon nakakagalit na
11:23kasi ang dami perang
11:24na doon sa
11:24billiard table.
11:26Diba?
11:26Samantalang ang mga taong,
11:28regular na taong bayan,
11:30walang malang perang
11:31ganun kalami.
11:32For basic necessities.
11:33Yes.
11:33O,
11:34diba?
11:34So,
11:34siguro,
11:35unahin natin,
11:36ano ba yung pananaw natin
11:38doon sa ating
11:39sitwasyon?
11:40At,
11:41tama ba talaga
11:42na patuloy natin
11:44na wala na lang,
11:46hindi na lang tayo magagalit?
11:47So,
11:48ayong sinasabi nilang
11:49virtuous impatience.
11:51Diba?
11:51So,
11:51dapat magali tayo
11:53dahil mali
11:53yung nakikita natin.
11:55Pangalawa,
11:56yung mga proseso
11:57ng gobyerno,
11:58dapat open
11:59and transparent.
12:01Madaling sabihin yun,
12:02ano?
12:02Pero,
12:02mahira.
12:03Pero,
12:03meron na tayong
12:04ARTA,
12:04may citizens charter na tayo,
12:06meron ng mga ganong
12:07reforma
12:07para malaman ng tao,
12:09ano ba yung
12:10mga nangyayari?
12:11Kagaya nun,
12:12di ba may mga tarpaulin?
12:13Ito yung project,
12:15ganito yung pera,
12:17tapos,
12:18ganito siya matatapos.
12:19Siguro,
12:20magmatsyag tayo
12:22para
12:23masigurado
12:24na yung nakalagay sa
12:26tarpaulin
12:26ay mangyayari.
12:27Pero yun nga,
12:28yung sinasabi ko kaninang
12:29standards,
12:30dapat alam din yun
12:31ng taong bayan
12:32para mas madali
12:33silang magsabi,
12:34uy,
12:35malabnaw yung timpla mo,
12:37baka masira yung
12:38dikin na yun.
12:39So, mga ganon.
12:40Ayun,
12:40siguro,
12:41this is a good
12:41opportunity.
12:43Malungkot tayo lahat,
12:43galit tayo lahat,
12:44pero magandang pagkakataon po ito
12:46para i-harness natin
12:47ang galit na yan
12:48para magpatupad
12:50na mga pagbabagot
12:51mas bantayan
12:52ang ating gobyerno,
12:54ang ating mga halal na opisyal
12:55at mga opisyal pa ng gobyerno.
12:57Ma'am,
12:58thank you very much.
12:59Mga kapuso,
12:59yan po ang ating naging talakayan
13:01dito sa issue
13:02ng bayan.
13:03Wait!
13:04Wait, wait, wait!
13:06Wait lang!
13:07Huwag mo muna i-close.
13:08Mag-subscribe ka na muna
13:10sa GMA Public Affairs
13:11YouTube channel
13:12para lagi kang una
13:13sa mga latest kweto
13:14at balita.
13:15I-follow mo na rin
13:16ang official social media pages
13:18ng unang hirit.
13:20Thank you!
13:20O, sige na!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended