Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit sandaang polis ang nasaktan nang magkagulo ang mga nagtipon sa mga lugar malapit sa Malacanang kahapon.
00:08Kabilang ang isang polis na nakuhana ng video habang kinukuyog kaya nakakonfine ngayon sa ospital.
00:14Nakatutok si June Veneracion.
00:23Sa gitna ng kaguluhan kahapon sa Mindjola sa Maynila.
00:30Isang polis ang nawala ng balanse habang nagkakatakbuhan.
00:35Sa video na kumakalat sa iba't ibang social media pages, makikitang pinagtulungan ng mga lalaking nakaitim ang nakabagsak na polis.
00:43Siya si Patronman Emerson Makasling na nakakonfine ngayon sa PNP General Hospital dahil sa mga tamang inabot niya sa ulo.
00:51Ang alam ko pong nabubog sa akin mga nasa apat po. Ako po ako po yung sa video na ginagolp eh.
00:56Kaya di ko po alam noon na kung mabubuhay pa ako noon kasi talagang yung paningin ko po is blanco na po noon eh.
01:04Pinilit ko lang po talagang tamakbo pagka mabuhay po.
01:07Nasa PNP General Hospital din si Patronman King Francis Luno dahil sa malalim masugat sa braso matapos atakihin ang mga ng gulog lalaki.
01:16May kumuha po nung signage po sa traffic sign po yung mga gano'n. Pinalo po sa amin sir. Tapos bumagsak po kami.
01:29Umulong po kami. Hindi tayo magkakalaban. Pare-parehas lang po tayong Pilipino.
01:36Sa tingin ng iba pang nasugatang polis, mga hindi karaniwang ralista ang sumugod sa kanila.
01:41Karamihan sa mga nasugatang polis, nakalabas na mula sa PNP General Hospital.
01:46Yung condition ng mga patient natin is not in serious condition. Actually, they are into monitoring observation.
01:55Sa kabuan, mahigit isandaang polis ang nasaktan sa gitna ng mga kaguluhan sa iba't ibang parte ng Maynila kahapon.
02:02Pinag-aaralan ngayon ng PNP ang pagbibigay sa kanila ng medalya at parangal.
02:06Tingnan din po natin yung side ng mga nasugatan natin, membro ng Philippine National Police.
02:11Hindi po ito commensurate kung sakasakali ma doon sa mga injury na nakuha ng mga mismo protesters
02:16na sila mismo ang gumawa o ng cause ng injury ng mga member ng Philippine National Police.
02:22Sa tala ng PNP, mahigit 70 sibilyalan na saktan sa sunod-sunod na gulo sa Maynila kahapon.
02:29The President's directive very explicitly stated that the PNP shall act with maximum tolerance.
02:38And with maximum tolerance, they only had their riot gear and no firearms.
02:43Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
02:49Pinalakas na Superbagyong Nando ang habagat na nagpaulan sa ilang bahagi ng bansa gaya sa Metro Manila.
02:56Nakatutok si Mark Salazar.
02:58Mark?
03:28Nakikita niyo yung mga bata.
03:30Ayan sa aking likuran nakikita ninyo hanggang hita nila ang tubig.
03:34At ito ay pakiramdaman dahil pag nagtuloy-tuloy ito, ayan ang pinapakiramdaman ng mga residente.
03:42Magtutuloy-tuloy ba ito? May ilalakas pa ba ang habagat na ito sa magdamag?
03:45Pag-sapit ng dilim, mas alerto ang mga residente malapit sa Araneta Avenue, canto ng Maria Clara.
03:56Sa nakalipas na dalawang oras, walang tigil ang pagulang dala ng habagat.
04:01Mabuti na lang at may mga pagkakataong humihina, kaya ika nga ay nakakalunok pa ang drainage system sa Araneta Avenue.
04:08Pero tumataas na rin hanggang gutter deep sa kalsada.
04:12Sa ibang lugar pa sa Metro Manila, ganito rin ang sitwasyong binabantayan.
04:17Pasado alas 5 ng hapon, inakyat ang pag-asa sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila.
04:23Maging sa Bataan, Zampales, Pampanga, Bulacan, Tarlac at maraming lugar sa Rizal at Cavite.
04:29May puntong halos mag-zero visibility sa Commonwealth, alas 5.30.
04:34Nasa kalahating oras pa lamang ng malakas na buhos.
04:37May ilang lugar na ang bahagyang binaha.
04:40Gutter deep ang baha sa Timog Avenue at Quezon Avenue underpass.
04:45Dahilan para bumagal ang usad ng trapiko.
04:53Pinag-iingat ang lahat at mas mahirap naman talaga rumisponde sa emergency ng baha kapagka madilim.
05:00At kung magtutuloy-tuloy ang ulan na ganito kalakas na magdamag, ay kailangan talagang handa ang lahat.
05:08Ito naman ay lagi ng experience sa mga taga Maria Clara dito sa May Araneta Avenue.
05:14Pero hindi pa rin dapat magpakasiguro dahil kagaya na sinabi ko, mahirap respondihan ang nangangailangan kapagka talagang malalim na gabi.
05:23Mel?
05:23Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
05:31Update na po tayo sa Super Bagyong Nando na nag-landfall sa Cagayan kaninang hapon.
05:36Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
05:41Amor, hanggang kailan kaya magpapaulan ang bagyong yan at saan-saan kaya nakaka-apekto itong habagat?
05:47Salamat, Vicky. Mga kapuso, hindi pa man tapos manalasa ang Super Typhoon Nando.
05:54May isa pang bagong namumuong sama ng panahon na namataan ang pag-asa.
05:59Dahil pa rin sa Super Typhoon Nando, nakataas ang signal number 5 dyan po sa Babuyan Islands.
06:04Signal number 4 naman dyan po sa may southern portion ng Batanes, northern portion ng Melan Cagayan at northern portion ng Ilocos Norte.
06:11Yung signal number 3 nakataas naman dito sa natitirang bahagi ng Batanes, central portion ng Melan Cagayan, northern and central portions ng Apayaw at pati na rin sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
06:23Signal number 2 naman sa natitirang bahagi ng Melan Cagayan, Isabela, natitirang bahagi ng Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.
06:32Kasama rin po dito ang northern portion ng Benguet, northeastern portion ng Nueva Biscaya, Ilocos Sur, northern portion ng La Union.
06:40Ganon din po dito sa signal number 1 naman sa Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Biscaya at ng Benguet, pati na rin po ng La Union, Pangasinan, Aurora at Nueva Ecija.
06:50Signal number 1 din dito yan sa Bulacana, Tarlac, Pampanga, Zambales, northern portion ng Quezon at maging Pulillo Islands.
06:58Mga kapuso sa mga nabangit na lugar kung saan po nakataas ang wind signals, maging handa pa rin sa malakas na bugso ng hangin na may kasamang mga pagulan, malalaking alon at banta ng storm surge.
07:10Alas 3 kaninang hapon na mag-landfall o tumama ang Super Typhoon Nando dito yan sa Panwitan Island sa Maykalayan, Cagayana.
07:17Huli po itong namataan ng pag-asa sa coastal waters naman ng Kalayan, Cagayana at taglay po nito ang lakas ng hangin nga abot sa 215 kilometers per hour.
07:27At yung pagbugso po niyan, nasa 295 kilometers per hour, napakalakas pa rin po nitong bagyo.
07:33Ito po ay kumikilos pa kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
07:38Ayon po sa pag-asa, unti-unti na itong lalayo dito sa Maybabuyan Islands hanggang sa makalabas na ng Philippine Area of Responsibility bukas po yan ng umaga kung hindi po magbago yung direksyon at yung bilis nito.
07:51Pero mga kapuso, habang lumalayo dito sa ating bansa, itong Super Typhoon Nando, posibleng unti-unti namang lumapit itong bagong namumuong sama ng panahon.
08:01Nandito pa po yan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
08:05Huling nakita ang low-pressure area, 1,590 kilometers, sa silangan po yan ng Northeastern Mindanao.
08:12So yun po nakikita po natin, ito po ay east of Northeastern Mindanao at medyo malayo pa naman sa ngayon.
08:18Pero ayon po sa pag-asa, posibleng pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.
08:25At ang earliest ay posibleng simula bukas ng gabi.
08:28So patuloy po natin yung imamonitor.
08:30May chance rin ito na maging bagyo at kung matuloy ay papangalanan po ito na bagyong opong.
08:37Ang ikalabing limang bagyo po dito sa Philippine Area of Responsibility ngayon 2025.
08:43Wala pa namang epekto itong nasabing LPA pero patuloy namang pinalalakas itong Super Bagyong Nando.
08:49Yung hanging habaga ito yung Southwest Monsoon kaya po nakakaranas pa rin tayo na mga pagulan sa malaking bahagi po ng Pilipinas.
08:56Lalong-lalo na dito sa bahagi po ng Luzon kung saan concentrated yung mga pagbuhos ng ulana.
09:02Base po sa datos ng metro weather, magdamag pa rin mabababad sa malalakas na hangin at ulan.
09:08Ito pong bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, kagayan.
09:11Ganoon din po dito sa may Isabela, Cordillera Region hanggang dito sa may Ilocos Region.
09:17Posible po na magtuloy-tuloy rin yung mga pagulan dyan po sa may Central Luzon.
09:21Ganoon din dito sa may Metro Manila, Calabar Zone, ilang bahagi ng Mimaropa at ng Bicol Region.
09:27Ngayong gabi po yan hanggang madaling araw.
09:29At kitang kita po ninyo yung mga malalakas sa buhus ng ulan.
09:32Nagkukulay orange, red and pink.
09:34Ibig sabihin po yan matitindi at halos tuloy-tuloy na ulan dito pa rin sa may Extreme Northern Luzon.
09:39At meron din mga kalat-kalat na ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
09:44Umaga bukas, unti-unti namang mababawasan yung mga matitinding buhus ng ulan dito sa may Extreme Northern Luzon.
09:51Lumalayo na po yung mga kulay sa mababawasan yung mga matitinding ulan.
09:55Pero hindi naman po natin inaasahan pa rin na totally mawawala yung mga pagulan.
09:59Meron pa rin inaasahan dito sa may ilang bahagi po ng Luzon.
10:02Mula po yan Northern and Central Luzon hanggang dito po yan sa may Southern Luzon.
10:07At yun po meron pa rin po mga pabugsu-bugsung ulan na inaasahan dyan po yan sa malaking bahagi nga ng Luzon.
10:13May mga malalakas kahit po umaga pa lang at halos maghapon po yan actually mga kapuso.
10:18Kaya paghandaan po natin at maging alerto po sa mga pagbaha o landslide.
10:23Sa Metro Manila, maulap at maulan din.
10:25Pusibli pong mula umaga po yan.
10:27Nakita po ninyo na tatakpan na yung ating mapa.
10:30At pwedeng maulit po yan pagsapit ng hapon at gabi.
10:34Kaya patuloy pong mag-monitor ng rainfall advisories.
10:37Sa Visayas at Mindanao naman, inaasahan po natin sa hapon din yung mga posibleng pagulan
10:42lalo na sa may Western Visayas.
10:44Ganon din dito sa may Karaga, Davao Region, Soxargen at Zamboanga Peninsula.
10:50Yan muna ang latest sa ating panahon.
10:51Ako po si Amor La Rosa.
10:53Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
11:04Kinon din na ng komisyong nag-iimbestiga sa mga kwestyonabling flood control project
11:10ang ulat na sinira o tinampoy ng ilang tauhon ng DPWH
11:15ang mga dokumento kaugnay ng mga proyekto.
11:19Nakausap din ng komisyon ang liderato ng Senado
11:22na handaan niyang i-turn over ang mga makakalap nitong mga ebidensya
11:27sa kanilang investigasyon.
11:29Nakatutok si Joseph Moro.
11:30Sina-Senate President Tito Soto III at Senate Blue Ribbon Committee Chairman
11:37Senator Panthulo Lacson
11:39ang ipinatawag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
11:43na nag-iimbestiga sa mga manumalyang flood control project.
11:47Ayon kay Soto, simentro ang pagtatanong ng ICI
11:49sa nangyayaring insertion o pagsisingin sa budget
11:52lalo na sa mga small committee ng bicameral conference committee.
11:57Very inquisitive.
11:59Bakit paano?
12:00Ay hindi, maraming tanong eh.
12:03All three commissioners, especially the chairperson,
12:06ang pinakamasama sa lahat pagka merong insertion sa bicam.
12:09Illegal, pag tapos na ang third reading na sa bicam, magsisingit ka.
12:14Hiningi raw ng ICI ang minutes ng meeting ng small committee na bumuo sa 2025 budget.
12:21Sabi ni Lacson, malinaw naman ang ugat ng korupsyon
12:24at malakas ang panawagan ng tao base sa mga kilos protesta kahapon.
12:27The original sin is Congress.
12:29Kung walang nag-insert, walang paglalaroan yung mga district engineering offices.
12:34We're mulling on the idea na mag-usap yung House at saka yung Senate.
12:39Mag-restraint, mag-self-restraint na kami.
12:41Huwag kami mag-insert, especially sa mga local infrastructure projects na nasa level ng DEO.
12:48Kasi parang we're supplying them the resources eh.
12:52Si Lacson, nagsumite naman ang mga ebidensya ng mga modus sa likod
12:56ng mga manumalyang flood control project na una na niyang isinuwalat.
12:59Ayon kay Sen. Soto at Lacson, ibibigay nila sa ICI ang lahat ng mga ebidensyang makakalap ng Senado
13:06kasama na yung mga ebidensyang ibinigay ni dating Bulacan Engineer Bryce Hernandez.
13:13Kasama dapat sa ebidensyang kinuwa ni Hernandez ang isang computer
13:16at mga dokumento.
13:18Pero sabi ni Lacson, biglaro nagbago ang isip ni Hernandez na ibigay ang computer
13:23bagaman pinakukuha pa rin ito ni Lacson.
13:26Kinundin na naman ng chairman ng ICI na si Justice Andres Reyes Jr.
13:30ang mga ulat ng malawakang pagsira at pagtatamper
13:33na mga opisyan dokumento may kinalaman sa mga flood control project
13:37na ang mga tauhan umano ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
13:42Hindi lamang raw ito pagharang sa ginagawang investigasyon
13:45kundi pag-atake sa karapatan ng publiko para sa transparency at accountability.
13:51Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Diso na may nakialam sa mga dokumento sa DPWH Baguio District
13:57ayon sa report ni Special Advisor at Baguio Mayor Benjamin Magalong sa ICI.
14:02I have already issued a formal charge against Rene Zarate,
14:12the District Engineer of Baguio City,
14:15with an order for preventive suspension of 90 days.
14:18I have also issued a memo directing all offices in DPWH
14:26from the Central Office, Regional Office, at District Offices
14:32to preserve and submit to the ICI all the documents related
14:39not only to flood control but all infrastructure projects
14:44ng nakaraang sampung taon.
14:46At pagsiga ay hindi suminod kung ano yung nangyari kay Rene Zarate
14:53mangyayari sa kanila.
14:56Noong bienes ay pre-nees ng Court of Appeals
14:58ang karagdagang 592 bank accounts na mga personalidad
15:02na may kaugnayan sa mga flood control project.
15:05Ayon sa Anti-Money Laundering Council o AMLC,
15:07kasama rin dito ang freeze order sa 18 na real estate properties,
15:12tatlong insurance policies, at 73 na mga motor vehicle.
15:17Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
15:24Happy Monday, chikahan mga kapuso!
15:26Full of pride si Alan Richards sa pelikulang Out of Order
15:29na di lang niya pinagbidahan, producer at director din siya.
15:34At exclusive rito, sa 24 oras ay mapapanood na natin
15:38ang trailer niyan for the first time.
15:40Makichika kay Aubrey Carampel.
15:45Feeling refreshed and extra motivated
15:48si Asia's multimedia star Alden Richards
15:50sa kanyang pagbabalik trabaho
15:52matapos ang kanyang one-week trip sa Italy.
15:55Malapit na kasing ipalabas sa streaming platform na Netflix
15:59ang kanyang pelikulang Out of Order.
16:01Hindi lang bida rito si Alten, siya rin ang producer.
16:06At dito siya magde-debut as a film director.
16:10Actually, this is my first project na I actually wore three hats.
16:15It's not easy but fulfilling in so many ways.
16:18I mean, yung pagod kasi mararamdaman natin yan physically, mentally
16:22and in all aspects of our being.
16:24But you always go back to your question,
16:26why are you doing this?
16:28Why did you start doing this?
16:29It's because I wanted to give back.
16:33And doon pa rin naman ako palagi.
16:35I always give back to the industry.
16:36I want people to see that this is all the things that I've learned
16:39in my 15 years here in the business.
16:43At ngayong gabi,
16:44eksklusibo dito sa 24 Horas,
16:47ang unang pasilip sa official trailer ng pelikula.
16:51Why are you calling it?
16:58I need a lawyer I can trust.
17:02You were arrested for murdering a trans woman.
17:06Did you do it?
17:06Pero sigurong dahin mo nang napanalong kaso, no?
17:11Siguro pag dumadating ka,
17:12nangangatong-ngatong pa yung mga prosecutor.
17:15Attorney Jennifer Templum,
17:16most respectfully appearing for the state.
17:19How do you plead?
17:21Not guilty, Your Honor.
17:22A person is innocent until proven guilty
17:31beyond all reasonable doubt.
17:37Kaya yun ang trabaho natin.
17:40Ang maipakitang may reasonable doubt.
17:45Papatay mo rin ba kami?
17:46Lumahok na rin sa ibat-ibang film festivals abroad ang movie,
17:55gaya sa Danang Asian Film Festival sa Vietnam
17:58at Jagran Film Festival sa India.
18:02And finally, after two years,
18:04ay mapapanood na ito sa Pilipinas sa October 2.
18:08How do you plead?
18:09Not guilty, Your Honor.
18:11Napapanahon ang tema ng pelikula,
18:14lalo ngayon na ang mga Pilipino
18:16ay ipinaglalaban
18:17ang paghahanap ng katotohanan at justisya.
18:22Kaya yun ang trabaho natin.
18:25Ang maipakitang may reasonable doubt.
18:27It's a courtroom drama concept.
18:29It's about justice,
18:32about, you know,
18:34always seeking the truth at the end of the day.
18:38Because only the truth will matter
18:40with all of the things that's happening in our lives right now.
18:43Aubrey Carampel,
18:46updated sa showbiz happenings.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended