Skip to playerSkip to main content
ANG MGA GULAY NA WALA SA KANTANG BAHAY KUBO, ALAMIN AT TIKMAN NATIN!


Hindi lahat ng ating mga gulay, nasa kantang ‘Bahay Kubo,’ ang ilan, nasa mga lawa ng Pangasinan at bukirin ng Lanao del Sur sa Mindanao!


Ang sikretong pampalasa ng maraming lutong Maranao na sakurab o sibujing at ang gulay na tumutubo sa Marawi City na parang laman ng talong pero mala-ampalaya ang lasa na tinatawag nilang pariya laut, tikman sa video na ito! #KMJS


“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS



Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hindi lahat ng ating mga gulay nasa kantang bahay kubo.
00:08Ang ilan nasa mga lawa ng Pangasinan at bukirin ng Lanao sa Mindanao.
00:17Sa ilog na ito sa madalim Lanao del Sur,
00:24abalang nagkukuskos ang mga lalaking ito.
00:27Hindi ng maruruming mga damit, kundi ng bugkos-bugkos na mga gulay na kanilang inani.
00:35Para itong murang sibuyas pero mas manipis at mas mahaba.
00:41Ito raw ang sikretong pampalasa ng maraming lutong maranaw, ang sakurab o sibujing.
00:51Ang mga hinugasang sakurab sa ilog inani mula sa taniman ni Maslama.
00:56Sa malamig na area doon siya nabubuhay. Mas gusto niya yung matubig yung lupa.
01:02Pagkatapos itanim ang tangkay ng sakurab sa lupa,
01:06walong buwan hanggang isang taon ang kailangang hintayin bago ito pwedeng anihin.
01:11Mataba yung mga dahon niya. Pag nakita mo yun, sinyalis na yun na pwede mo na-harvestin.
01:17Ang gamit niya sa pagtanggal ng mga tuyong dahon, sada.
01:21Para siyang salday na malaki. Para ma-supply niya yung dahon ng palapa.
01:26Gawa po ito sa kahoy.
01:28Ang panghukay naman niya ng ugat ng sakurab, parang...
01:32Gawa sa bakal. Matanim na po.
01:35Original siya na class A. Mas malaki pa sa hintuturo ko.
01:39Ito yung normal, kumbaga regular size ito. Tingnan mo, mali ito.
01:43Ang ginagamit namin dito, pagbukos, itong taipax.
01:48Tansya na namin yung isang sako, labing limang bukos.
02:01Sunod itong dinala sa ilog para labhan.
02:06Este, hugasan.
02:07Parang naglalaba ka ba? Kinukoskos yung dumi, yung lupa.
02:11Para matanggal.
02:12Hindi pwede ito mabasa, kasi pag mabasa, madali mabulok.
02:16Nagangalay. Lalo na, senior nata.
02:19Pag maputi na, tapos na yun.
02:26Itong nasapako na sakot, ito ang gamit natin pangtari sa sakurab.
02:31Hinapakan ko para hindi sumama.
02:33Itinali ito bago ibenta.
02:36Kinabukasan, ibinagsak ito sa pwesto ng suki ni Husam na si Hassanor sa terminal na ito sa Marawi.
02:45Pera, 20 lagwi siya.
02:47Paya, 1,000, 5,000.
02:48Final.
02:491,000, 5,000.
02:52Ang sakurab.
02:54Masarap daw gawing palapa.
02:56Paboritong pampalasa ng mga tagalanaw.
03:00Marangka.
03:01Ang misis naman ni Husam na si Modifa, paborito itong ihalo sa ginisang bakas o smoked fish.
03:09Magdidikdik tayo ng sakurab.
03:14Ang sekreto naming pampasarap na mga maranaw ay ang sakurab.
03:22Kulang po ang ulam namin kung walang sakurab.
03:25Masyadong maanghang.
03:26Mas sobra po siyang sumasarap.
03:28Ang isa pang gulay na tumutubo sa Marawi City, parang maliit na kalabasa.
03:36Pero ang laman nito, hindi dilaw kundi puti na parang laman ng talong.
03:42At ang lasa, napakapait parang ampalaya.
03:47Ang tawag nila sa gulay na ito, paryalaut.
03:50Si Saiba, bantay sarado sa kanyang bakuran.
03:57Nasagana sa paryalaut.
03:59Ang mga bunga raw kasi nito, madalas pinagdidiskitahan ng mga bata.
04:03Ginagawang laruan.
04:05Pinahirayan ko mga walaya mineral.
04:08Kapag verde na ang paryalaut, senyales na na pwede na itong kainin.
04:14Naka nabupakakuan.
04:16Prefect taliyo sa nga rin.
04:18Napakapait man.
04:20Tinitiis daw nila ang lasa.
04:22Paniniwala kasi nila.
04:23Mainam na pangontra sa diabetes.
04:26Naino kami po mabayay.
04:28Kaya gina puwas.
04:29Sa po.
04:29Saan kami sa maranong napuwas.
04:31Napakna-mute.
04:32Napakatabang kukawaw.
04:34So kawawa.
04:35Yung pariyak.
04:35Meron siya mga secondary metabolites, alkaloids,
04:38yung mga phenolics,
04:40and slovenwins na pwede makatulong sa mga may diabetes.
04:44Ang mga napitas niyang paryalaut,
04:46kanyang inirepack.
04:48Pamasakano rin mamanti at ipirakakan.
04:50At ibinenta sa bagsakan ng mga gulay sa Marawi.
04:5340 pesos kada kilo.
05:01Masarap daw itong ipartner sa itlog.
05:07Mapait sobra.
05:08Parang ampalaya.
05:09Sa tuwing binabayo naman ng malalakas na bagyo,
05:14ang panggasinan, ito raw ang madalas nilang panlamantyan.
05:19Ang gulay kasing ito,
05:21kaya raw lumago,
05:22umaraw man,
05:23o umulan,
05:24o kahit na bumaha pa.
05:26Nabubuhay kasi ito sa mga latian,
05:29o marsh,
05:30o hindi kaya,
05:31sa mga nalubog na palayan.
05:33Namumulaklak din.
05:34May kulay puti.
05:36Meron ding pink.
05:37Species ng native na water lily.
05:40Bulaklak na yung pagpiyesta ng patay.
05:43Dinedekorasyon nila sa mga puntod eh.
05:46Ang tawag sa gulay na ito,
05:47na pampahaba raw ng buhay,
05:50balbalino.
05:52Ang kagawad mula kalasyaw na si Alfred,
05:55lumusong sa palayang ito,
05:56na nalubog sa tubig baha
05:58para manguha ng balbalino.
05:59Kung minsan sa palayan,
06:04kung minsan sa mga bakanting loti
06:06na hindi na po natataniman.
06:08Balbalino ang ipinang sasahog ni Tatay Jose
06:11sa sinigang na isda.
06:13Ang bulaklak, itinabi.
06:15Isasahog niya rin daw kasi ito
06:17sa kanyang sinigang.
06:18Sabi ng mga matatanda,
06:20ang bulaklak,
06:20pinaka masustansya eh.
06:22Ang mga tangkay,
06:24isa-isang binalatan.
06:25Itong balat nito kasi matigas eh.
06:28Ito malambot na.
06:29Pag yung natanggal yung outer na balat niya,
06:33malambot na siya.
06:34Inati-hati na lang yung itong hito
06:36para hindi masyadong mahaba.
06:47Nung kumulo na ang sabaw,
06:49inilagay na niya ang tangkay
06:51at bulaklak ng balbalino.
06:59Mmm!
07:01Harap!
07:07Madaling ngayon eh, malambot.
07:09Itong balbalino na to,
07:11katulad din noong mga unang halaman,
07:13maganda rin siya sa mga may diabetes.
07:16Meron din siyang antioxidant properties,
07:19anti-aging.
07:20Kung lahat ng gulay sa Pilipinas
07:24isinama sa kantang Bahay Kubo,
07:27mapapagod-tsak tayo sa kakakanta.
07:31Napakarami pa kasing gulay
07:33na hindi pamilyar sa ilan sa atin
07:35na naghihintay lang pitasin,
07:39lutuin,
07:41at matikman.
07:42Thank you for watching,
07:47mga kapuso!
07:48Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
07:51subscribe na sa
07:52GMA Public Affairs YouTube channel
07:55and don't forget to hit the bell button
07:58for our latest updates.
07:59Thank you for watching,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended