Skip to playerSkip to main content
-Ilang pananim, nabalot ng andap; mga magsasaka, nangangambang masira ang kanilang tanim


-Mahigit 200 boga at iba pang ipinagbabawal na paputok, nakumpiska/688 ilegal na paputok at boga, nakumpiska sa iba't ibang lugar sa Cavite/ Halos 11,000 ilegal na paputok at boga, pinagsisira ng pulisya


-Magkapatid, patay sa pamamaril; naarestong suspek, sinabing gumanti lang siya


-Babae, arestado matapos tangkang dukutin ang isang sanggol


-Dating Brgy. Chairman, patay sa pamamaril ng mismong kapatid; suspek, sumuko


-Lalaki, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Pahanocoy/Babae, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala nang magpaputok ang kapitbahay


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Nabalot ng andap o frost ng ilang pananim sa Benguet dahil sa sobrang lamig.
00:15Chris, gano'ng nakakalamig doon?
00:19Rafi, ayon sa pag-asa, bumaba ng hanggang 10.6 degrees Celsius ang temperatura sa ato kaninang umaga.
00:26Isa yan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng andap sa mga pananim.
00:31Nangangamba ngayon ang mga magsasaka na baka masira ang kaninang mga tanim kung magtuloy-tuloy ang lamig.
00:37Inaasahang mas lalamig pa sa mga bulubundukin o matataas na lugar sa Northern Luzon pagsapit ng Enero at Pebrero dahil sa amihan.
00:45Mahigit dalawang daang boga naman at iba pang ipinagbabawal na paputok ang nakumpis ka ng mga otoridad sa iba't ibang lugar sa Nueva Ecija.
00:53Mula na yan sa isang araw na operasyon ng pulisa kahapon.
00:57Hakbang ito para tiyaking ligtas ang publiko sa pagsalubong sa bagong taon.
01:01Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad na bawal ang pagbebenta ng paputok sa mga hindi-designated area.
01:09Sa kabite naman, umabod sa halos 500 ng nakumpiskang iligal na paputok at boga sa isinagawang ligtas Paskuhan 2025 ng pulisa.
01:17Pinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa 30,000 piso ang mga nakumpiskang paputok at boga.
01:25Binigyan ng citation ticket ang mga nahuling lumabag sa ordinansa laban sa mga iligal na paputok.
01:32Umabot naman sa halos 11,000 iligal na paputok at boga ang pinagsisira ng pulisa sa Linggayan, Pangasinan.
01:39Nagkakahalaga yan na mahigit sa 87,000 pesos. Patuloy na paigtingin ang pulisa ang kanilang operasyon kontra paputok.
01:47Hinihikayat nila ang publiko na gumamit na lang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon.
01:55Ito ang GMA Regional TV News.
01:59Malita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
02:04Patay ang magkapatid na lalaki sa Cebu City matapos barilin itong mismong araw ng Pasko.
02:11Cecil, sino yung bumaril sa mga biktima?
02:15Rafi, dalawang kapitbahay nila ang nasa likod ng pamamaril.
02:19Ayon sa investigasyon, biglang pumasok ang mga sospek sa bahay ng mga biktima.
02:24Unang binaril ang mas nakatatanda sa dalawang diktima na kakalaya lang umanoo mula sa kulungan at sinasabing target ng mga sospek.
02:33Nang makita ng nakababatang kapatid ang sinapit ng kanyang kuya, sinubukan niyang tumulong.
02:38Pero siya naman ang pinagbalingan ng mga sospek at binaril din.
02:42Nahuli ang gunman matapos ang ilang oras.
02:45Pag-amin niya, paghihiganti sa mas nakakatanda sa magkapatid ang dahilan kaya niya nagawa ang krimen.
02:52Sinampahan na siya ng reklamong murder.
02:54Hinahanap pa ang kasabot niya sa krimen.
02:58Arestado ang isang babae sa Surigao City dahil sa tangkang pagdukot sa isang sanggol.
03:04Ayon sa krisya, hindi magkakilala ang nanay ng sanggol at ang sospek.
03:10Nag-aluk-umano ang sospek sa nanay ng sanggol na bilhan sila ng damit bilang pamasko matapos magpakilalang isang vlogger.
03:19Nang nagsusukat na ng damit ang nanay, kinuha ng sospek ang sanggol at saka tumakas.
03:24Matapos magsumbong ang nanay sa mga pulis sa mall, agad naglagay ng checkpoint at nireview ang mga CCTV sa mall
03:31para matukoy kung saan nagpunta ang sospek at ang tinangay nitong sanggol.
03:35Kalaunan, naaresto sa pantalan ang sospek na papunta na sana sa Siargao Island.
03:40Pag-amin ang sospek sa pulisya, nagawa niya ang krimen dahil sa pressure mula sa kanyang kinakasama na gusto ng magkaanak.
03:48Mahaharap sa karampatang reklamo ang sospek. Sinusubukang kunan ng pahayag ang pamilya ng sanggol.
03:54Ito ang GMA Regional TV News.
04:00Patay sa pamumarilang isang dating punong barangay ng barangay Sagneb sa Bantay, Ilocosur.
04:09Sospek sa krimen ang nakababat ng kapatid niya na kasalukuyang chairman ng barangay.
04:14Ayon sa investigasyon, dati ng may alitan ang magkapatid dahil sa pamamalakad sa barangay.
04:19Na-recover sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril.
04:23Kalaunan, sumuko ang sospek na maaharap sa mga karampatang reklamo.
04:26Sinisikap ng GMA Regional TV na makunan ang pahayag ang sospek at iba pang kaanak ng biktima.
04:35Sugatan ang isang lalaki matapos matamaan umanoon ng ligaw na bala sa barangay Pahanokoy, Bakulod City.
04:43Ayon sa kinsya, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kaliwang hita at kamay.
04:50Doon na niya nakita ang sugat.
04:53Isinailalim sa paraffin test ang biktima at ang dalawang kasama niya bilang bahagi ng imbestigasyon.
04:59Sa pabiya iluilo naman, nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang isang babae matapos magpaputok ng baril ang kanyang kapitbahay.
05:07Base sa imbestigasyon, lasing ang kapitbahay ng magpaputok ng baril.
05:12Walang narecover na basyo sa lugar.
05:14Arestado ang sospek na isinuko rin ang baril na walang dokumento.
05:18Mahaharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injury na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
05:28Walang pahayag ang sospek.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended